Chapter 4

56 4 0
                                    

Chapter 4

Habang abala ako sa magiging ayos ng commercial space na binili ko ay may kumatok naman kaya sinarado ko ang sketch pad na hawak ko. Inuluwa noon si Marcus, lumapit ito sa akin.

"I'll leave now." aniya.

"Umalis ka. Huwag kanang bumalik."

Napahawak ito sa kanyang puso, tila nasaktan sa sinabi ko.

"That's hurt, Chanel."

Inirapan ko ito. Nakakainis naman 'to, kahit kailan ay isip bata parin. Looks lang niya ang nabago ngunit ang pagiging isip bata ay naroroon parin sa katawan nya.

"Kamusta ang puso Chanel? Hindi ba tumibok ng mabilis kasi nakita mo si–"

"Oh fucking hell shut up Marcus!" pagpuputol ko dito at tumayo sa kinauupuan ko.

Nilapitan ko ito, tinatawanan nya na ako ngayon. Inis ko itong itinulak palabas.

"Go. Don't come back. I hate you!" sigaw ko sa kanya bago pag sarhan ng pinto.

Ang lalaki na iyon. Saan nya ba nakukuha ang lakas ng loob nyang sabihin pa iyon? Hindi ba dapat hindi na lamang nya ungkatin iyon dahil tapos na naman? Parang gustong gusto nya pa na pinag ti-tripan ako.

Sobrang gulo ng isipan ko sa sumunod na araw. Imbes na ayusin ang design na gusto ko para sa pag uumpisa ng pastry ay nakuha ko pang isipin ang Drake na iyon.

"Ryan!" hinanap ko si Ryan sa sala dahil si Rj lamang ang nakita ko roon pagkalabas ko ng kwarto.

"I'm in the kitchen, Nel!" sigaw ni Ryan na nagmula sa kitchen.

Pumunta ako doon. Busy ito sa pag to-toasted ng bread.

"Kailan ba tayo lilipat?" tanong ko sa kanya.

Nilingon nya ako, tila nagulat sya sa pagmamadali ng boses ko.

"Sabi ko ay baka sa isang araw pa."

"Pwede bang ngayon na?"

"What?!" gulat niyang tanong at inoff iyong pang toast ng bread. "Bakit nagmamadali ka?"

"Gusto ko na mailabas iyong mga gamit ko sa luggage ko." isa pa nasa hotel kami ng ex ko, duh!

"Is that the main reason?" nanunuya ang boses nya kaya napalunok ako.

"Yes. Ano pa ba ang pwedeng irason?"

"That the owner of this hotel is your ex."

Shit.

"Of course not. I don't care if this hotel is from him. Ang gusto ko lamang ay mailabas na ang gamit ko sa maleta."

Ngumisi ito at tinalikuran na ako. Nag timpla sya ng gatas sa isang baso at iniabot sa akin.

"Ikaw ang nag recommend ng hotel na ito. Tapos ngayon ay ganyan ka." rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Ryan! Hindi nga ganoon ang ibig kong sabihin."

"Drink this, you're paranoid." iniabot nya sa akin iyong gatas na tinipla nya.

"No I'm not Ryan."

"Kung ang sarili mo maloloko mo, ibahin mo ako."

"Iniisip mo bang gusto ko parin sya? No way! He fucking cheated on me. Habang may kami ay mayroong namamagitan sa kanila ng ex fiance nya." umirap ako sa kawalan at ininom ang gatas na ginawa niya.

Nilingon niya ako, nagtataka ang kanyang mga mata. Umangat ang isang kilay ko, iniaalam kung bakit ganon sya tumitig sa akin.

"I didn't say you're still like him." nakita ko ang mangha sa kanyang mga mata.

Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon