Chapter 2 - "Library of Mischief"

28 7 0
                                    

Nakarating ang magkakaibigan sa isang malaking library na punong puno ng iba't ibang libro. Librong may hawak na iba't ibang magics and spells.

Naninibago paren ang lima sa kanilang bagong paaralan ngunit napapanganga sa lawak at ganda nito.

Hindi siya tulad ng mga ordinaryong eskwelahan, mas classy at mas royal ito. Mukhang maslalong napapahanga ang magkakaibigan sa interior nito.

"Guys," bulong ni Andrea. "Sobrang fancy naman dito, parang hindi tayo bagay mag-aral dito."

"Hoy," Ang tawag ni Sienna. "Ikaw lang yun, wag kang mang damay."

Sumimangot si Andrea sa kainyang kaibigan habang napalarong sinampal ang dalaga. "Baliw!"

"Uy Andrea wag ka nga maingay. Ka bago-bago mo palang dito pinapakita mo na agad mga katarantaduhan mo." Tumawa si Liam.

"Tsk!" Napataray ang dalaga. "Alika na nga!"

Hinila ni Andrea si Victoria at Sienna sa loob ng library, kung saan may isang matandang babae na nasa lamesa. Binati nang magkakaibigan at patuloy nang lumakad.

"Uy! Parang pamilyar yung babaeng yun." Kutob ni Vincent, habang tinuturo ang isang babaeng nakaupo sa lamesa, mag isa.

"Saan?" Napakunot ng noo si Victoria, na nakatingin sa tinuturo ng kanyang kapatid. Totoo nga ang sinasabi ni Vincent, para pamilyar nga ang dalaga.

"Baliw ba kayo?" Sumimangot si Sienna. "Si Nicole yan. Ang lalabo na ba ng mga mata mo?"

"Oo nga no!" napasigaw si Victoria.

"Yan kase, sa gwapo lang tumutulis yang paningin mo Victoria!" Asar ni Sienna.

"Na hiya naman ako sayo Sienna." Napatawa ng malakas si Andrea habang papalakad banda sa dalagang nakaupo mag-isa. "Nicole!"

Napalingon ang batang babae at napangiti nung nakita niya ang kanyang mga kaibigan. Umupo sila, at sinamahan si Nicole sa lamesa.

"Sabi na nga ba eh! I know it's Nicole pag nagbabasa mag-isa sa library!" ang sabi ni Liam habang nilagay niya ang kanyang kamay sa braso ng dalaga.

"Kadiri ka Liam, layo mo nga sakin yang kamay mo." Nandiring pagsabi ni Nicole. "Ang dumi mo kaya."

Yung magandang ngiti ni Liam biglang nahulog at sumimangot. "Hindi ako madumi no! Grabe ka naman saken."

Napatawa ang magkakaibigan sa dalawa. Ngunit may napansing kakaiba si Sienna sa binatang na nakatulala sa may bintana.

"Uy Vincent," Tawag ng dalaga. "Kanina ka pa nakatulala diyan, may problema ba?"

Nagulat si Vincent sa pag tawag ng kanyang kaibigan, napangiti lang ang binata at sinabi;

"Okay lang ako." Maikling sinabi ng binata. "Bakit? Concern nanaman kayo saken?"

"baliw." Napatawa si Nicole. "Kanina ka pa kasing nakatulala diyan, mukhang may dumagdag nanaman sa mga problema mo."

"Hindi no—"

"Guys!" Tumayo si Liam sa kanyang upuan habang napalingon ang magkakaibigan sa binata. "Titingin lang ako sa mga libro, mukhang magaganda eh."

"Sige lang, madami pa namang time. Explore muna kayo." Ang sabi ni Nicole habang nakatingin sa kayang orasan.

Napangiti lamang si Liam at patuloy nang lumakad sa isa sa mga pasilyo sa loob ng library. Dahan dahan niyang tinitignan ang mga iba't ibang libro ay napahanga sa mga laman nito.

Black magic, spells, witch craft.

Lahat!

Maslalong napaganang magbasa ang binata. May hilig kasi ito sa pagbabasa ng mga iba't ibang libro.

Napalingon ang lalaki at nalaman niyang siya nalang nagiisa lugar na yon. Nung paalis na siya, biglang napansin na may isang babae na nasa sulok ng kwarto.

Huh? Sino kaya yon?

Mahaba ang buhok, ngunit hindi nakikita ang kanyang mukha dahil nakatingin sa isang libro ang dalaga.

Nagtaka si Liam sa kung anong ginagawa ng babae, kaya't patago siyang nanonood sa kung anong gagawin niya.

Ngunit sa sulok ng mga mata ng binata, kulay itim na usok biglang lumabas sa librong hawak ng dalaga.

Napahingal bigla si Liam kaya biglang napalingon sakanya ang dalaga. Lumaki ang kanyang mata at napatakbo bigla, paalis sa binata.

"What was that?" bulong ni Liam sa sarili. Kakaiba yung babaeng yon, mukhang maslalong na interesado lalo si Liam sakanya.

I need to find her again.

Lumingon muli ang batang lalaki ng isang beses bago bumalik sa kanyang mga kaibigan.

"Guys did you see—"

"Ah, Liam! Andyan ka na pala! Hindi mo ba narinig yung announcement sa speaker kanina?" Tanong ni Victoria, ngunit walang narinig kahit isang salita si Liam. The only thing he could think about was that girl.

"Uhm... Hindi?" Napakamot sa ulo si Liam, nagtataka kung anong sinabi kanina. "Ano ba yun?"

"Lahat daw ng students dapat nasa meeting hall in an hour." Andrea informed. "Punta na kaya tayo? You know... Para maaga?"

"Agreed," Sabi Nicole habang sinara niya ang kanyang librong hawak. "If we get there ealier, hindi na tayo makiki-sabay sa iba pang students."

Sumang-ayon ang magkakaibigan habang onti-onti silang lumabas ng library. Binati muli nila ang matandang babae at tsaka umalis.

"Kakaibang mga bata," napatawa ng mahina ang matandang babae sa lamesa.

"Goodluck."

_ _ _

"Sienna wag kang makulit!"

Sigaw ni Andrea habang hinihila ng dalaga sa hallway, nang patuloy na iniiwasang mabangga ang ibang istudyante.

"Sienna!—"

Biglang napahiwalay yung dalawang dalaga at nadapa si Andrea, dahil sa may na bangga siyang isa pang istudyante.

"Aray–"

"Oh my gosh! I'm sorry! Are you okay? " Isang boses ng babae ang nagsalita.

"I'm okay." Inangat ni Andrea ang kanyang ulo at nakita ang babaeng nasa harap niya. "Are you okay?"

Tumayo si Andrea at tinulungan ang dalagang nadapa.

"I'm fine, thank you." Ang sagot nito.

"I'm—"

"Andrea Bilisan mo na!" ang sigaw ni Sienna sa malayo.

Napalingon si Andrea sa kanyang mga kaibigan at napangiti sa dalaga. "I'm sorry for bumping into you, sana mag kita tayo muli. Goodbye!"

Nagpaalam ang dalaga at mabilisang tumakbo sa kanyang mga kaibigan.

"Ano ba? Bat ang taggal mo!" Angal ni Vincent.

"Eto kasi si Sienna! Hila ng hila! May nabangga tuloy akong istudyante!" Sumimangot si Andrea kay Sienna.

"Hehe, sorry." napa-peace sign ang kanyang kaibigan habang nakamot sa kayang ulo.

"Tsk!" Lang ang masasabi ang dalaga habang patuloy na paglalakad.

Pero sino kaya yung babaeng yun?

Inalog ng dalaga ang kanyang ulo, habang onti onti niyang kinakalimutan ang nangyari kanina.










Ng hindi niya alam na may nakatingin sakanya sa malayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

University Of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon