I feel like I need to justify Atasha's undying love for Salvi so here it goes.
To where it all began....
I was busy sketching while listening to my favorite podcast. None other than Inka.
"Puta"
Napapikit ako sa inis matapos makita ang maling guhit sa kabilang tenga ng subject ko. Kinuha ko ang eraser ko at dahan dahan binura ang maling linya.
I turned off my spotify at nakinig ng lang ng music sa playlist ko.
After I finished shading ay isinandal ko ang likod ko sa upuan at pinagmasdan ang mga damit ko na nakahambalang sa aking kama. Damit here, damit there, damit everywhere.
Ganito nga ata talaga kapag estudyante. Nawawalan ka na ng oras sa paglilinis ng sariling kwarto.
Hay kung nandito lang sana ang kapatid ko edi sana may katulong ako sa pag aayos.
I looked at my finished artwork. Good thing, natapos na rin kita.
Nag stretching muna ako bago napagpasyahan na linisin ang kwarto ko. Nangungupahan kasi ako sa isang apartment dito sa Pasay. Si Mama at bunsong kapatid ko ay nasa probinsya dahil may poultry kaming pinapatakbo at si Papa naman ay OFW sa Saudi.
Kung bakit ba naman kasi ang hilig hilig kong gumimik every Saturday! Ayan tuloy puro maruruming damit ang nandito!
Pagkatapos kong mag linis ng kwarto ay naligo na ako. May usapan pa nga pala kami ni friend.
Nagsuot lang ako ng mommy jeans paired with gray loose shirt and white sneakers. Naglagay ng kaunting liptint, at mascara. And viola! Ready na akong ibalandra ang kagandahan ko sa Dapitan.
"Bakla! Ano na? Portugal kang merlat ka, ano dai inabot na ako ng siyam siyam dito kakaloka ang jinit jackson pa dito, makukurot talaga kita sa singit!" Ayan agad ang bungad sa akin ni Salvi.
Salvador "Salvi" Nuevo, ang aking matalik na go-to gayfriend. Naging magkaklase kami noong 4th year High School at pagdating ng college ay parehas kami ng school na pinasukan.
"Parang ang tagal mo naman naghintay! Huwag ako Salvador. Pusta ko kakarating mo lang din"
"Salvi kasi yun beks! Imbarbie mo si wata, don't ever-ever call me Salvador. Nowhere to found ang gagang yun" sagot nito bago ako irapan.
Taray talaga.
"Oo na! Daming ebas naman ni Mama, let's go na beshie. Baka nagstart na yun!"
Hinatak ko na agad siya papunta sa Gymnasium ng UST.
"Besh ha, yung promise mo! Waitsung ako sa getting to know stage with Papa Robi ko!"
Ipinulupot ni Salvi ang kamay niya sa braso ko bago isandal ang ulo sa balikat ko.
"Oo naman bakla! Ako bahala, basta besh kapag nasa harap na natin si Robi huwag kang titili! Shuta ka baka biglang luhuran mo yun, sasampalin talaga kita" paalala ko sa kaniya.
Mabuti na lang at kilala ako ng guard kaya pinapasok kami, syempre pinapirma muna kami at kinuha ang school ID namin.
"Noted beshie. Don't worry tsaka lang ako luluhod kapag kaming dalawa na lang kyah--"
Tinampal ko kaagad ang pisngi niya dahil sa biglaang pagtili niya.
BINABASA MO ANG
Malayang Gabi (ONE-SHOT)
Roman d'amourGay Story #3 "Tash, najinx ata yung sinabi mo. Mukhang hindi nga ako para sa boylet"