Closer You and I

36 5 4
                                    

"Then could I love you more so much stronger than before?"

—Gino Padilla (Closer You and I) 

ᴍᴜᴋʜᴀɴɢ ᴡᴀʟᴀ ɴᴀ pala akong kailangan gawin dahil pagkatapos noong gabing iyon ay lagi na naming kasama sina Aloy at Jeremy tuwing lunch.

Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil noong gabing nagpunta kami sa Clark, sobrang natuwa si Jeremy sa kadaldalan nitong si Carley, kaya ang ending? Gusto niya na laging makipagkulitan sa best friend ko. Ito namang si Carley, hindi niya man sabihin, alam kong pasimpleng crush na rin siya dito kay Jeremy.

"Aminin mo na kasi," sagot ko pa isang araw sa kaniya habang papunta kaming cafeteria. "May crush ka dito kay Jeremy! Halata ka kaya, girl!"

"Ikaw, kung ano-ano iniisip mo!" Tumigil pa siya at dinuro-duro ang mukha ko ba bago magpatuloy sa paglalakad. "'Wag mo nga akong itulad sa iyo! Hindi ko crush iyong asungot na 'yon, 'no!"

"Okaaay! Sabi mo, e!" Pagkatapos ay tinawanan ko pa siya. Nakita kong aatakihin niya ako kaya mabilis akong tumakbo papuntang cafeteria at bigla naman siyang sumunod. Natigil na lang ako noong nakita ko si Aloy at Jeremy na nakatingin sa akin. Inayos ko ang sarili ko sandali bago naglakad papunta sa kanila.

"Ang tagal niyo naman! Pinag-order na namin kayo ng pagkain, baka kasi mamaya, maubusan pa tayo!" Napatingin ako mesa pagkatapos ng sinabi ni Jeremy at nakitang may apat na plato na iba't ibang ulam dito.

"Uy, grabe! Nag-abala pa kayo!" sabi pa ni Carley at nagkunwaring nagpapabebe pa kay Jeremy na para bang nang-iinis. "Salamat sa libre!"

"Ano ka? Hindi libre 'yan, 'no!" sagot ni Jeremy, dahilan para mapabusangot itong kaibigan ko. "Ako muna nag-abono ng pagkain mo kaya akin na! Nasa'n na bayad mo!" Itinaas pa nito ang kamay niya para ipakitang naniningil siya.

"Minsan lang naman, o! Pretty please," sagot ni Carley at nagpa-cute pa pero hindi siya pinansin. Sumimangot si Carley at padabog na bumunot ng singkwenta sa wallet at ibinayad kay Jeremy.

Kinuha ko rin naman wallet ko at bumunot ng isang daan, pagkatapos ay inabot ko ito kay Jeremy. "Pasensiya ka na, wala na kasi akong barya..."

"Ay, hindi ako ang nagbayad ng pagkain mo!" Tinulak pa ni Jeremy ang kamay ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin... "Si Aloy. Si Aloy ang nagbayad. Siya nga din ang nakaisip na bilhan na kayo ng pagkain. Iba't iba pa nga kasi..."

Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Jeremy dahil abala ako sa pagtitig kay Aloy na ngayon ay nakatingin din sa akin. Nahihiya kong inabot sa kaniya ang pera ko. "Ahh... Ito na pala iyong ano... iyong bayad ko sa pagkain."

Tinignan niya sandali ang kamay ko at pagkatapos ay ako naman. "Hindi na kailangan," sagot niya.

Nagulat ako at napatingin kina Jeremy at Carley. Halata pa ang nang-iinis na ngiti ni Carley sa akin. Binalik ko iyong tingin ko kay Aloy. "Pero... Pero 'di mo naman ako kailangan ilibre. Kunin mo na."

"Okay nga lang," sagot niya at hinawakan ang kamay ko para itulak iyon palayo sa kaniya. Naramdaman ko namang parang may electricity na dumaloy sa katawan ko, dahilan para mapakalas ako sa hawak niya. Nagulat naman siya pero hindi na pinansin iyon. "Isipin mo na lang, gift for the beginning of our friendship."

Friendship? Aray ko po! Hindi ba p'wedeng more than that?

"Sana all, 'di ba!" Napatingin ako kay Carley at nakitang tinignan niya lang si Jeremy habang sinasabi iyon na parang pinaparinggan niya pa ito. "Buti pa talaga si Aloy, hindi tulad noong iba diyan!"

Rehashed [First draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon