"Izelle, I'm s--sorry pero I think this relationship can't work any longer" 'yan ang sinabi sa 'kin ni Leandro na nagpatigil ng mundo ko.
Hindi ako makapag salita, ang tanging nagawa ko na lang ay humagulgol ng iyak sa sobrang sakit ng pagtatapat niya sa 'kin.
"S---si Lyra ba? A--ng dahil--an"
Sabi ko sa bawat hagulol ko.
"Ha! Sumagot ka! ~>_
Pabulyaw kong sabi sa kanya habang sinusuntok suntok ko siya sa dibdib.
"O---oo, Izelle" nauutal niyang sabi.
"Kailan pa?" Pasigaw kong tanong."N--nung Acquaintance P--party" sagot niya.
"L---Leandro, ba't best--friend k--ko pa?" Hagulgol kong tanong.
"H--hindi ko alam, b--basta narealize ko na lang. Hi--hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko tuwing mag--kasama tayo" sagot niya.
"P--pero tinry ko naman i-save ang relasyon natin dahil ayaw kita saktan p--pero Izelle,
hindi ko kinaya. Si Lyra na talag mahal ko." Pahabol niya.Bago pa ako tumalikod. Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Leandro.
Naglakad ako palayo habang umiiyak dahil sa sakit ng pang iiwan niya sa 'kin. Sa dinami daming taong pwede ipalit niya sa 'kin, hindi ko ineexpext na bestfriend ko pa na si Lyra. Galit, selos, lungkot at sakit sa damdamin lang ang naramdamdaman ko nung mga sandaling iyon.
Pagpasok ko ng gate, naririnig ko si Ken, ang childhood bestfriend ko na na kumakanta habang nagigitara.
♬ Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
Di pa kase masabi
Ng puso ang nadarama
Pansinin mo rin kaya
Mahalin mo rin sana
Kasi na nga
Palagay ko mahal kita.
--Oo maganda talaga boses ng bestfriend ko kay di na ako nagtataka na maraming nagkaka gusto sa kanya.
Ewan ko ba kung bakit 'di niya pinapansin ang mga 'yon. Minsan nga, iniisip ko bakla siya eh kasi wala pa nagiging girlfriend eversince.
"Hi Izelle! Kamusta araw natin?" Masayang bati sa 'kin ni Ken.Humarap ako sa kanya dahilan upang magbago ang expression ng mukha niya.
"O! Anong nangyari sa'yo. Bakit ka umiiyak, sino nagpaiyak sa'yo! Masasapak ko kung sino man yun!"Wika niya at nilapitan niya ako lara paupuin.
"K--Ken, wala na kami ni L--Leandro." Humihikbi kong sagot.
"G--ganun?" Nagtataka kong tugon.
"Kasi si Lyra na mahal niya. Ken, ang sakit bakit isa pa sa mga kaibigan ko" sabi ko habang umiiyak.
"Izelle, lahat ng bagay may dahilan, malay mo may tao talagang nakalaan para sa'yo. Siguro naghihintay na lang siya sa'yo na buksan mo puso para malaman mo kung sino at ano siya" wika niya habang tinatapik tapik niya ang likod ko para patahanin ako.
"Ken, kay Leandro lang ako nakaramdam ng ganito, si Leandro lang ang minahal ko ng sobra. Pero bakit sinaktan niya ako." Pabulyaw kong sabi.
"Izelle, ngayon ako magpapakatotoo sa'yo, alam ko hindi pa pwede ngayon p--para magtapat kasi sariwang sariwa ang sakit na nararamdaman mo dahil iniwan ka ni Leandro. P---pero Izelle, pwede ba ako na lang, kung ako na lang sana Izelle hindi ka masasaktan ng ganyan." nagtatapat na wika ni Ken.
"Ken, b--bakit ngayon?" Umiiyak kong sabi.
"Izelle, mga bata pa lang tayo, mahal na kita. Mas pinili kong wag na lang magtapat nung una kong naramdaman 'to dahil alam kong si Leandro ang mahal mo. Izelle, nasasaktan ako sa tuwing iniitsapwera mo ako dahil kay Leandro. Tapos ngayon, ang hindi ko lang matanggap ay nagawa ka niyang saktan." Galit na wika ni Ken.
"Matutulog na ako. Bukas na tayo mag-usap. Parehong mainit ang ulo natin" tugon ko habang tumalikod.Kinaumagahan, pagkagising ko nasa labas na si Ken at nakahanda na ang almusal namin. Sasabihin ko rin sa kanya ang desisyon ko. Naupo ako at walang nagsasalita sa amin at binasag ko na rin ang ilang minutong katahimikan.
"Ken, uuwi muna ako ng Palawan at magpapalamig ako at para na rin makapagisip-isip"
"I'm sorry for what happened last night. I was carried away by my emotion" panghihingi ni Ken ng paumanhin sa akin.
"Sorry nga pala kagabi" nakayuko kong sabi.
"Sorry din. Sige lang, hihintayin kita, magpalamig ka muna" sagot niya habang hawak ang kamay ko.Tumango lamang ako bilang sagot.
~Airport..
Nandito kami ni Ken ngayon sa NAIA. Kasama ko siya para ihatid ako. At ng matawag na ang flight number ko..
"Ken, I have to go" naiiyak kong sabi.
"Sige mag-iingat ko dun" sabi niya sabay yakap sa'kin."Bye" pareho naming wika.
~Palawan
Dito, madami ako pinagkakaabalahan, tumutulong ako kay Lola Sisca sa paghahabi ng bags, magluto ng ulam kaya worth it ang isang taon ko dito para makapag palamig at para timbang timbangin ang nararamdaman ko kay Ken. Mahal ko rin pala siya kaso natakpan lang yun ng sobrang obsessed ko kay Leandro.
Si Lyka naman paulit ulit ang hingi sa 'kin ng tawad sa phone at sa facebook. Pero hindi nagtagal pinatawad ko na rin sila ni Leandro.
Palagay ko handa na ako magmahal ulit at si Ken 'yun at handa na rin ako magpatawad, humahanap lang ako ng tiyempo.
~After 1 year..
~NAIA
Andito na ako sa Arrival Area pero hindi ko pa rin makita si Ken nang may marinig akong kanta:
Maniniwala ka ba kung malaman mo Ikaw yata ang tinatangi ng puso kong ito
Iisipin mo nga kayang
Nagbibiro lamang ako
Mahal kita mahal kita
Palagay koHindi ko pa rin makita si Ken. Nakakainis naman, alam na nga niyang darating ako. Hindi naman siya dumating dito para sunduin ako.
Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
Di pa kase masabi
Ng puso ang nadarama
Pansinin mo rin kaya
Mahalin mo rin sana
Kasi na nga
Palagay ko mahal kitaMay nakita ako nakaupo at nakatalikod na lalaki mula sa waiting area at di nagtagal tumayo ito at humarap.
"Izelle!" Masaya at gulat na bati ni Ken.
"K---Ken!" Sabay yakap ko sa kanya. Matagal ang yakapan namin nun dahil namiss ko ang bestfriend/lalaking minamahal ko na.Maniniwala ka ba kung malaman mo Ikaw ata ang nagpatibok ng puso kong ito
Panaginip kita lagi kahit gising ako Mahal kita mahal kita
Palagay ko"Izelle--" nauutal at nahihiyang sambit ni Ken nang bumitaw sa pagakakayakap sa 'kin.
Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
Di pa kase masabi
Ng puso ang nadarama
Pansinin mo rin kaya
Mahalin mo rin sana
Kasi na nga
Palagay ko mahal kita"Tungkol d--dun sa nangyari nung nakaraang taon" nahihiyang sabi ni Ken.
Sige lang
Hihintayin kita
Sige lang Sa tingin ko'y malapit na Kung nagmamahal ka na
Maalala mo ako Maalala mo ako Palagay ko..."A! Yung ba.?" Nakangiti kong sabi.
"O--oo. Han---" di ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil alam ko na 'yon agad kaya siniil ko siya ng halik sa labi.Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
Di pa kase masabi
Ng puso ang nadarama
Pansinin mo rin kaya
Mahalin mo rin sana
Kasi na nga
Palagay ko mahal kita...Pagkatapos ng halik na 'yon...
"Oo Ken, palagay ko handa na ako magpatawad. Palagay ko Ken, ikaw na nga 'yon. Yung hinihintay ko at inaasam ko. Ken, Palagay ko Mahal Kita." Sabi ko sa kanya
"Correction. Mahal Kita, walang Palagay at walang Siguro. Siguradong sigurado."Matapos ko sabihin ang mga 'yon, hinapit niya ako palapit sa kanya at hinalikan ako.
~~~•WAKAS.
Author'sNote: Sana po maappreciate niyo. Sana po subaybayan niyo yung mga gagawin ko pang stories. Much Love Love Love You all ! Don't forget to vote na rin.
BINABASA MO ANG
Palagay Ko Mahal Kita (One Shot Story)
AcakPrologue: Minsan kung pa yung taong dinidesregard mo, siya pa yung sasamahan ka hanggang sa huli. Author's Note: This is my first story. I decided to create a short story before doing a long story for me to expand my idea and imagination. Hope you e...