Epilogue

123 7 0
                                    

Ayesha's POV

"What are you doing here?" Taas kilay kong tanong. Si Stephen ang tinatanong ko pero na Kay Mitch na kausap si Ken ang atensyon ko. Nadinig kong natawa si Stephen kaya inis ko siyang tinignan. "What?"

"Ang sabi ko, Aalis na kami ngayon, wala ka bang goodbye kiss?" Nakangisi niyang paguulit sa sinasabi niya kanina. Umirap lang ako.

Nasa Yard kami ng bahay. May kalayuan si Ken pero kitang kita ko sila ni Mitch kaya huwag na huwag silang nagkakamali diyan at baka bombahin ko sila.

"Go, alis ka na." Napapa-irap kong sabi. Tss, pake kung aalis na siya? "Padalhan mo na lang ako ng chocolates." Sabi ko pa bago muling tinignan sila Mitch at Ken pero nagulat ako dahil nakatingin din si Ken sa amin.

Tsh, seloso naman...

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Stephen kaya napatingin ako sa kaniya. Para siyang stress na stress sa amin ni Ken.

"Hindi tayo makakapag usap ng maayos kung magkasama talaga kayo, 'no?" Napapailing niyang tanong bago natawa. "Mitch.." tinawag niya si Mitch na lumingon din naman. Kunot na kunot din ang noo niya kagaya ni Stephen. Nangunot naman ang noo ko dahil naiinis siyang naglakad palapit sa amin pero ngumiti ng matamis ng makita ako.

"Hi," kumaway pa siya.

"O-oh...Hi," kumaway ako pabalik at ngumiti. Bakit ang awkward?

"Naiinis ako kay Ken, hindi pinapakinggan ang sinasabi ko." Bwisit niyang sabi sabay tingin ng masama kay Ken na napalunok na lang. Napatitig ako kay Mitch. Hindi siya ganiyan noong huling kita ko sa kaniya. Parang okay na okay na siya at bukod doon ay hindi na siya pa-sweet girl, para na siyang si Jam na nakakatakot tumingin tapos ang suplada pa.

"Si Ayesha din hindi ako pinapakinggan." Nakangusong pagsusumbong naman ni Stephen at sabay silang napabuntong hininga. In sync pa.

"Makinig ka Kenneth, ha! Pag 'di ka pa nakinig keltok ka sakin," inis na sabi ni Mitch sa kaniya at natahimik naman si Ken. "Ang sabi ko, babalik na ako ng Maldives at sorry sa lahat ng ginawa ko at dapat mag sorry ka din kasi iniyakan kita, 'no!!" Napapa-irap niyang sabi, ayan tuloy, kamuka na talaga siya ni Jam. Nang bumaling siya sa akin ay kaagad siyang ngumiti. "Kapag bumisita ka sa Niyama free yung room mo."

Naglakihan naman ang mata ko at napangiti ng malaki. "Talaga?!?!"

Nakangiti siyang tumango. "Wala na ding mga Assassin, promise." Natawa ako sa biro niya. Muli naman siyang bumaling kay Ken tapos bumalik ulit yung pagsusungit niya. "Kapag sinaktan mo si Ayesha I swear, ipapakulam kita."

"Ipapa-assassin kita kapag nakita kong umiiyak si Ayesha," dagdag ni Stephen bago bumaling sa akin. "Babalik na kami sa Japan tonight, Ayesha. Again, I'm sorry sa lahat, kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. I will gladly help you."

Napangiti ako at tinignan silang dalawa. They look different. Si Mitch ang malaking pinagbago, she's vocal now and I can feel her sincerity. Wala akong maramdamang galit sa kaniya. Lahat ng pinapakita niya ay lahat totoo.

"I'm sorry din, Stephen, and thank you sa lahat ng memories." Nakangiti kong sabi at wala sa sariling niyakap siya. "Thank you." Mahina Kong sabi at naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. Sandali ko lang din siyang niyakap bago bumitaw, napatingin kami ni Stephen kila Mitch.

"Uhm.." awkward na panimula ni Ken. "I'm sorry too, Mitch. Im sorry for being a jerk."

"Tsh, oo gago ka talaga pero okay lang, nag move on na ako sayo, 'no! Kapag ginago mo si Ayesha, hindi ko na alam pa ang tawag sayo." Suplada niyang sabi kaya napanganga ako. Oh m g, so slay!

A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)Where stories live. Discover now