Chapter 14

11 3 0
                                    


A PANDEMIC started that shaked the whole world. Ilang buwan na akong hindi nakakalabas ng bahay dahil naka-lockdown ang buong Cavite. Bawal lumabas ang mga minors at senior citizens dahil kami ang pinaka-vulnerable sa panahon ngayon.

Ang huling nakalabas ako ay noong March pa. Naaalala ko na maaga kaming pinauwi nang araw na 'yon tapos kinabukasan ay nagpatupad na nang lockdown sa buong Cavite.

When was the last time that I met Janine? It was on February 2020. July na ngayon at miss na miss ko na siya. Nagvi-video call naman kaming dalawa from time to time dahil may Wi-Fi na kami sa bahay.

Iba pa rin talaga kapag personal ko siyang nakikita at hindi lang sa video call. Gustong gusto ko nang marinig ang aktwal na boses niya. Gustong gusto ko nang makita ang maamo niyang mukha at gusto ko na siyang mahawakan. I'm really longing for her.

Incoming call...

I smiled automatically because Janine called me. "Hi, Janine!" masaya kong bati sa kan'ya. Nginitian ko siya nang malawak. Mas lalo akong nangulila sa kan'ya ngayong nakikita ko siya through the screen of my phone.

"Hi rin, Aiden. How are you?" she asked.

"I'm fine naman. Masaya naman ako. Ikaw ba?"

Am I really happy? Am I really fine? Sa huling pagkakatanda ay hindi ako "okay." I have been having depressing thoughts at night. Parang bumabalik sa akin ang mga pinagdaanan ko dati, 'yung mga traumatic childhood memories ko. May mga pagkakataong napapatingin na lang ako sa ceiling tuwing madaling araw at napapaiyak. Dahil katabi ko pa rin si John sa kama, I always cry silently. Hindi ako makaiyak nang malakas dahil ayaw kong magising siya. And I guess that silently cry was the reason why I am feeling more kind of depressed as days pass by.

Siguro ay epekto na rin 'to ng ilang buwan akong hindi nakakalabas ng bahay. Kung ano-anong thoughts na ang pumapasok sa utak ko. Even those self-harm thoughts that I thought I would not think of ay naisip ko na rin. I even tried to stab myself with a knife while I'm washing the dishes. I almost didn't stop myself. Kung hindi ko lang siguro narinig ang kalansing ng nalaglag na kutsara ay baka nasaksak ko na ang sarili ko.

"Aiden? Aiden!" I snapped out of thinking because of Janine.

"Huh? Sorry, ano 'yung sinasabi mo?" tanong ko.

"Ano 'yung sinasabi mo sa chat na magpapa-braces ka?" pag-uulit niya.

"Ah, oo! Magpapa-braces na ako bukas. Pwede na naman kasing lumabas dahil under general community quarantine na ang Cavite," kwento ko.

"Wow! Ano'ng kulay ng rubber band ang pipiliin mo?" she asked. Mukhang mas excited pa siya sa 'kin.

"I'm thinking of getting dark blue rubber bands. Pwede namang palit-palitan ang color every adjustment. Mag-experiment na lang siguro ako ng colors para malaman ko kung anong color ba talaga ang bagay para sa 'kin," saad ko.

She nodded. "Dark blue would suit you more lalo na at blue ang favorite color mo."

"Naisip ko na baka magmukha akong nerd kasi mga may glasses na ako tapos may braces pa ako," sabi ko at natawa na lang.

"Hindi mo naman laging sinusuot 'yung salamin mo, eh. Hindi ka rin naman siguro magmumukhang nerd, 'no!" tutol niya.

I doubt na hindi ako magmumukhang nerd. Puro pimples na nga ako tapos may glasses at braces pa. Saktong sakto sa description ng mga nerds sa mga movies lalo na at bagsak ang buhok ko.

"Kailan kaya tayo magkikita ulit?" I asked her. Atat na atat na akong makita siya. I want to see and touch her beautiful face. Kaya rin siguro ako nagkakaroon ng depressing at self-harm thoughts ay dahil hindi ko siya nakikita. Well, she's my happy pill.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon