Fallin'

25 5 7
                                    

"Our little conversations are turning into little sweet sensations, and they're only getting sweeter every time."

—Jano Gibbs (Fallin')

ʜɪɴᴅɪ ᴘᴀ ᴍᴀɴ ako nakasasagot ay biglang tumunog na ang cellphone ko. Kaagad naman ako nataranta at napatayo.

Unknown Number is calling...

Sandali akong naglakad-lakad paikot-ikot sa kuwarto ko, hindi alam kung sasagutin ba ang tawag. Mayamaya ay nag-desisyon akong kuhanin na ang cellphone. "Bahala na," sambit ko bago sagutin ang tawag. "Hello?"

"Ephi..." Tumaas ang balahibo ko sa boses na iyon. Malalim. Pabulong na para bang siya mismo ang bumubulong sa tainga ko. Jusko, Lord! Patnubayan niyo ko nawa at ma-survive ko sana itong phone call na ito! "Ephi? Nandiyan ka ba?"

"Ay, oo. Ano 'yon? May matutulong ba ako?" Gusto kong sampalin ang sarili ko sa sagot ko. Receptionist ka, girl?

"Ah hindi, kasi ano..." Hinintay ko ang susunod na sasabihin niya pero sa mga oras na iyon, pakiramdam ko ay hindi na ako humihinga. "Kasi gusto ko lang sana makipag-usap. Busy ka ba?"

Gusto niyang makipag-usap sa akin? "Hindi naman... Bakit, may problema ba?"

"Wala naman," sagot niya, dahilan para mapakunot-noo ako. "Pero kung busy ka, okay lang. Next time na lang, sorry sa istorbo. Sige, kitakits na lang buka..."

"Teka lang, 'wag mo ibaba!" Narinig kong tumahimik ang kabilang linya, siguro nagulat siya sa sigaw ko. Kaagad ko itong dinugtungan. "Ang ibig kong sabihin ay... Hindi. Hindi naman ako busy kaya kung gusto mo makipag-usap, okay lang. Okay ka lang ba?"

"Wala naman... Hindi lang ako makatulog."

"May iniisip ka..." Bumalik na ako sa kama ko, umupo doon habang nasa kanang tainga ko ang cellphone ko, hawak-hawak ng kamay ko. "Iniisip mo na naman ex mong si Tori, 'no?"

Hindi siya sumagot, dahilan para malaman kong tama ang hinala ko. Naglabas ako ng malalim na hininga, hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot habang iniisip kung papaanong hindi pa nakakamove-on itong si Aloy sa ex niya at halatang mahal niya pa ito, at ito naman ako, parang hindi pa sapat itong lungkot na nararamdaman ko at gusto ko pa palalain...

"Gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kaniya.

"'Di na kailangan," sagot niya. "Sa ngayon, gusto lang kitang makausap..."

Natigilan ako sa sinabi niya at pakiramdam ko sumabog na ang puso ko dahil sa narinig ko sa kaniya. Ako? Ako talaga gusto niya makausap?

Bago pa man ako makasagot ay nagsalita na siya ulit. "Magkuwento ka ulit. Kahit ano, ikaw bahala..."

Doon ay nagsimula na ulit akong magkuwento. Hindi ko na alam kung gaano katagal o gaano karami ang kinekwento ko pero patuloy at patuloy pa rin akong nagsasalita kahit na halos mamaos na ang boses ko, matuyo na ang lalamunan ko, at maubos na ang hininga ko kakekwento sa kaniya.

Habang nagkekwento ako ay naramdaman ko na unti-unti nang napapalitan ang nararamdaman niya kanina ng saya. Kanina kasi, narinig kong marahan siyang napatawa tapos itong huling kuwento ko sa kaniya, narinig ko na ang halakhak niya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil wala naman kaming napag-uusapan na matino pero pakiramdam ko, bawat minuto ng pag-uusap namin, sobrang importante sa amin... o atleast, sa'kin man lang.

Mayamaya, narinig kong napahikab na siya. "O, mukhang inaantok ka na yata sa kuwento ko," pagbibiro ko sa kaniya, may halong pang-iinis. Narinig ko namang tumawa siya dahil sa sinabi ko. Tinignan ko ang oras. "Past twelve na pala. Hindi ka pa ba matutulog? May klase pa tayo bukas..."

Rehashed [First draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon