Chapter 17 (part 2)

239 7 14
                                    

"Are you still inlove with me Ianne? Kaya ba ganyan kang mag-react ay dahil mahal mo pa rin ako? Kaya ka ba nagagalit na niyaya ko nang magpakasal si Mikaella ay dahil mahal mo pa rin ako?"

"Kapag sinabi kong oo Wess, kapag ba sinabi kong mahal pa rin kita mula noon hanggang ngayon may mangyayari ba? Kapag sinabi kong galit ako kay Mikaella kasi inagaw ka niya, hihiwalayan mo ba siya?"

"Damn it Ianne. Ano bang problema mo? I don't like you and I will never like you Ianne. Sinabi ko naman sayo diba? Pagiging kaibigan lang ang kaya ko."

"Alam ko naman yun Wess. Na hanggang bestfriend lang ako. Na hindi ako lalagpas pa doon. Klinaro mo iyon at tanggap ko iyon Wess. Tanggap na tanggap ko yun mula pa noon."

"E bakit mo ako pinipigilan pa sa mga plano ko? Bakit hindi mo ako hayaang maging masaya. Kapag ba hindi ka masaya dapat ganun din ako? Ganyan ka bang magmahal."

"Wess, buong buhay ko mahal kita. Pero hindi kita pinigilan na maging masaya pati nga pangarap ko ibinigay ko para sayo. Kahit masakit, kahit hindi ko kaya, kinaya ko para maging masaya ka.

All through out these years mahal kita. Hindi mo pa lang ako napapansin mahal na kita. Dumating si Mikaella. Minahal mo sya. Ako na gaga, naghihintay pa rin, na sana, kahit konti, kahit saglit ako naman. Pero wala. Hindi mo naman ako minahal.

Nung mga panahon na iyon, may naaalala ka ba na pinilit ko kayong paghiwalayin ni Mikaella? Nung mga panahon ba na sinasaktan ka niya, may naalala ka ba, kahit isang beses na sinabi kong hiwalayan mo na siya?

Tapos ngayon sasabihin mo na selfish ako? Na hindi ako masaya kaya dapat ikaw din? Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin?"

"I don't know Ianne. Sa totoo lang, hindi na kita kilala. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Kasi sa ngayon, alam mo ba? Ang nakikita ko lang eh yung pagiging selfish ng pagmamahal mo."

"Tama na Miguel, pagod na ako. Pagod na pagod na akong mahalin ka. Ni sa hinagap, hindi ko naisip na ganyan pala ang magiging tingin mo sa akin."

"Sana lang Ianne, hindi mo plinaplano na agawin ako kay mikaella. I love her, and I will never love another woman beside her. Specially not you. Kung hindi ka pabor na si Mikaella ang pinili at pakakasalan ko, better yet wag ka nang umattend sa wedding ko."

Wess left. Ang sakit grabe. Selfish? Ako pa ang selfish ngayon? Nagmahal lang ako. Minahal lang kita tapos ako pa ang selfish ngayon? Ibinigay ko sayo ang lahat, halos wala na ngang natira sa akin, nasayo na lahat tapos selfish.

What now? Ano nang mangyayari? Inamin ko na sa kanya na mahal ko siya pero wala pa rin pala. Sayang. Sayang lang ang lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya.

Hindi na ako pumasok buong araw. Masama ang pakiramdam ko. Masakit ang lahat sa akin. Gabi na pero hindi pa umuuwi si Wess. Nag-aalala na ako.

Narinig kong nagbukas ang gate, Pagsilip ko sa baba, nakita ko yung kotse ni Wess.

"Wess, lasing ka. Ayos ka lang ba?"

"I'm not drunk Adrianne. Uminom kami, but I'm not drunk. Don't try to sedduce me, walang mangyayari."

Nasaktan ako dun. Tinutulungan ko lang siya, tapos yun pa ang sinabi niya sa akin. Kahit naman mahal ko siya, I will never stoop down to a whore's level.

"Speechless Adrianne? Nahuli ko ba ang balak mong gawin kaya bigla kang napatigil? Hahaha. Grabe no Adrianne? Ngayon, balak mo naman akong pikutin. Bukas, ano naman ang balak mong gawin?"

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon