This chapter is dedicated to Janskie_Larss."
Enjoy reading. ^_^
*That is Shuji Ikitsuki on the Multimedia.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"You are an Incarnate."
Incarnate? Ano yun? Nakakain ba yun? At ano bang pinagsasabi nitong lalaki na to na ako raw ang may kagagawan nun kay Shigeru? Paano mangyayari yun? Yung mga halaman yun eh. Naguguluhan ako.
"Kelangan mo sumama sakin para maipaliwanag ko sayo ang lahat." Sambit niya habang papalapit sa akin.
Para bang automatic na gumalaw ang aking katawan, hinablot ko ang aking mga gamit at tumakbo palayo sa lalaking kung anu-ano ang sinasabi na di ko naman maintindihan.
Pagkauwi ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto para magpahinga. Humiga ako sa aking kama at inisip ang mga nangyari ngayong araw. Grabe ang weird ng araw na to. Yung deja vu, pag atake ng mga halaman kay Shigeru, tapos yung pagdating ng isang lalaki na akala ko ay imagination lang pero totoo pala. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
10:30 P.M.
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Tumungo ako sa ref para maghanap ng makakain pero chef lang! Walang stock! Kelangan ko kumain. Baka kainin ni large intestine yung small intestine ko at yun pa maging kadahilanan ng pagpanaw ko.
Tumungo ako ng kwarto para kunin ang jacket ko at ang wallet ko. Bibili na lang ako ng makakain sa malapit na convenience store. 11 PM pa naman sila magsasara.
Pagdating ko sa store ay bumili na lang ako ng instant noodles at tinapay. Doon ko na rin pinalagyan ng mainit na tubig. Pagkabayad sa counter ay lumabas na ako at pumunta sa malapit na park para doon kumain.
Pagkatapos kumain ay nagdecide muna akong manatili para magpahangin. Naalala ko nanaman yung mga pangyayari sa school. Ano nga ba ang nangyari? Ay ewan. Ayoko ma-stress dahil sa kakaisip. Baka di kayanin ng utak ko at biglang magoverload.
Anyway, masyado ng gabi at kelangan ko na umuwi dahil tumatagos na sa jacket ko ang lamig na dulot ng gabi. Tinignan ko ang aking orasan at napansin ko na malapit na pala mag-12 ng madaling araw. Tumayo na ako at tinahak ko ang daan pauwi sa amin. May mangilan-ngilan pa rin na gising na tao. Siguro ay mga nagpahangin din ito o kaya ay mga galing sa trabaho.
Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig na gumapang sa buo kong katawan. Maya-maya ay namatay ang lahat ng kuryente. Takte may blackout pa? Hindi eh. Kakaiba ito. Hindi lang mga kuryente ang namatay. May kakaibang nangyayari. Bakit ganun? Yung buwan kulay pula. Para bang naligo ang buwan sa dugo dahil sa taglay na pula nuto. Eerie.
Nagmadali na lang ako sa paglalakad para makauwi na pero pagdaan ko sa isang lugar ay halos matumba ako dahil nangatog ang mga binti ko at talagang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
What The Fudge? Bakit may mga kabaong dito sa lugar na to? Ito ang madalas na daanan ng mga tao tuwing uuwi sa kanilang bahay ah. Anyare? Sementeryo na ito ngayon? Hindi eh. Kakaiba. Imbes na nakahiga ang mga kabaong na ito ay nakatayo ang mga ito. Nakakapanghilakbot ang nakikita ko. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad dahil baka himatayin na ako sa mga nakikita ko.
Lakad takbo na ang ginagawa ko para makauwi agad. Bakit parang anlayo ng bahay? Bilis pa. Ayun na. Nasa kabilang kalsada na ang bahay namin. Kelangan ko na lang maglakad papunta sa kabila at makakauwi na ako.
Patawid na ako ng kalsada ng bigla na lang may bumagsak na kung ano mula sa langit at napaupo talaga ako dahil sa gulat. Nagkaroon ng usok dahil sa pagbagsak ng kung anumang bagay mula sa langit. Feeling ko nga nabiyak pa yung kalsada eh. Teka ano yung tunog na yun??
BINABASA MO ANG
Alter Ego (On-Hold)
FantasyEveryone has a second self unbeknownst to others. A second self that can be a manifestation of who we really are or what we really want. But what if your second self is actually an entity which are rumored to have existed long time ago? What if you...