"Akalain niyo 'yun? Ang kapal ng mukha!" I exclaimed.Naririnig 'ko ang pagtawa ni Manong Selso sa gilid ko habang inaayos ang mga paninda niya.
Dalawang Linggo na ang nakakalipas mula noong kinuha ni Dad si Chad para mag trabaho sa kanya pero sa tuwing naalala ko 'yon eh nag iinit pa rin ang ulo ko. Mula noon ay mas naging close silang dalawa. The day Dad told Kuya Renz that Chad will be working with him when he came back made him really furious.
"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya para natatapos na ang problema mo?" Aniya.
Napabuntong hininga ako. Kung pwede ko lang sabihin, matagal ko ng ginawa. But I don't think I can handle the guilt once he start to lose everything he worked for years. Especially right now that he's gaining everything back by pieces.
The only thing I can think about right now is probably time. I guess time will solve everything once my Dad is already settled.
"Hindi pa po ba dumadaan si Tonton?" tanong ko. Ilang minuto na ako nandito pero hindi ko pa rin siya nakikita.
"Sino? Yung batang nangangalakal?" He asked. I nodded.
"Kanina nakita ko dumaan siya para pumunta doon sa likod ng campus niyo. Pero mukhang hindi pa bumabalik." sagot niya.
Kadalasan gantong oras nandito na siya. Sayang naman yung binili kong meryenda para sa kanya. Puntahan ko na kaya?
"Una na po ako, Manong Selso. Salamat po!" sabi ko.
"Oh sige. Mag iingat ka!"
Kumaway ako at tumawid na para pumunta sa likod ng campus. Nilibot ko ang kabuuan pero hindi ko siya makita. Ang baho dito! Kung sa bagay, napapalibutan kasi ng mga basura. Patuloy lang ako sa paglalakad at ininda ang amoy hanggang sa may narinig akong humahugulgol sa hindi kalayuan.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na teritoryo namin to?" rinig ko.
Sumilip ako para tignan kung sino yung nagsasalita pero likod lang nila ang nakikita ko. Tatlo sila at mukhang mangangalakal din dahil nanlilimahid ang suot.
"Ang bata bata mo pa marunong ka ng magnakaw?!" sabi pa nung isa.
"H-hindi p-po ako nag n-nanakaw.." sabi nung boses ng bata.
Teka.. mukhang boses ni Tonton yun ah.
"Gusto mong hambalusin kita nito?" sabi nung pinaka matangkad sa kanila.
Nang tinignan kong maigi ay nakita kong si Tonton nga yung bata. Halos naka higa na siya sa sahig at may galos ang noo. Basang basa rin ang mukha niya dahil sa luha.
"P-pasensya n-na p-po kayo. H-hindi ko p-po talaga a-alam-"
"Halika nga dito!" nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang damit ni Tonton na halos masakal na siya sa higpit ng hawak.
"Tonton!" hiyaw ko. Lahat sila ay napatingin sa akin.
Nakita ko ang pag ngiti ng isa nilang kasama bago sila nag angat ng ulo sa isa't isa. Parang nanginginig ang tuhod ko sa takot.
"At sino ka?" ibinagsak niya si Tonton dahilan ng pag iyak nito sa sakit. Lumapit sa akin yung isa na mas matangkad pa sa akin.
"Anong sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Pati bata ay pinapatulan niyo!" sambit ko. Mukha lang akong matapang pero takot na takot na talaga ako. Malay ko ba kung ano ang kaya nilang gawin sa akin.
"Bakit? matapang ka?" inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinawakan ang colar ng damit ko.
"Eh kung pilayan ko naman yang isa mong braso?" dagdag niya pa. Hinawakan niya ang braso kong may cast at pinisil dahilan ng pag hiyaw ko sa sakit.