RS:H 25

4.7K 112 6
                                    


(A/N: Dinededicate ko nga po pala ang chapter na 'to kay @zailamarienarcisco Eto na yung inaantay mong UD. Sorry sa pagaantay! ^___^)

---

BOM's POV

Lokaret na Santokkie yun. Sang lupalop naman kaya sya naggala? Kanina pa namin sya hinahanap pero hanggang ngayon ni anino nang rabbit na yun wala akong makita.

"Ano, nacontact nyo na?" nagaalalang tanong ni Manager samin.

"Cannot be reach Oppa." Sagot ni Chae.

"Sige, tatawagan ko yung iba nyang kakilala para chekin." pagsabi ni Manager nun ay lumabas na sya ng condo namin.

Matapos ang album signing event namin ay naglahong parang bula si Dara. Akala namin ay nauna na sya sa condo kaya umuwi na din kami. Kaso paguwi namin, walang bakas nya.

"Nalaman kaya nya?" bulalas ni Chae.

"Nawp. Pinagbilinan ko na sila na walang magsasabi kay Dara and I'm sure naintindihan naman nila yun." singhal ko! Nako Dara. Pagnahanap talaga kita papahalik kita sa Sampung Baboy.

"Pero diba Unnie, kausap ni Len si Dara Unnie kanina? Hindi kaya... alam nyo na! Hindi kayang tiisin ni Lenlen si Dara Unnie." tama nga kaya si Minzy? Pero binalaan ko si Len kanina na wag mag banggit.

"Pusong mamon yun si Len. Baka napilit agad sya ni Dara. Natandaan nyo ba yung time na kumain tayo nang 3 boxes of pizza, 2 bottles of soda, 4 piattos and 1 bag of maltesers tas nahuli nya tayo. Pinilit natin syang wag tayong isumbong kaso di natin sya masyadong makumbinsi pero nung si Dara ang nagsabi nakumbinsi agad sya." naalala ko yun. Napaka bait nya na hindi kami isinumbong kay Manager, kundi baka.... Gwadd! Araw araw na gym yun.

"Pero sana hindi nya sinabi. Naiimagine ko na ang pwedeng maging reaksyon ni Dara Unnie pag nalaman nya. More worst sa naging reaksyon nya the last time."

Nalaman nga kaya nya? Panigurado akong iiyak na naman sya nang isang timba. Nope, baka isang drum this time. Sana naman wala syang gawing masama kung alam nya na. I tried my best hiding it to her pero tingin ko nakahalata sya.

*phone rings*

[Len Calling...]

"Yeoboseyo?"

[U-Unnie.]

Sinenyasan ko yung dalawang babae sa gilid ko na wag maingay. Ang ingay kasi nila! Yung topic tungkol kay Dara nawala nalipat sa boys bigla. Kesho ang pogi daw ni Donghae Oppa. Kinikilig daw sila! Psh.

"Bakit Len?''

[Unnie. M-May ipagtatapat kasi ako.]

Bigla tuloy akong kinutuban dahil sa boses ni Len.

"Ano yun Len?"

[K-Kasi ano.. U-Unnie...]

"It's Okay Len. Tell me what is it?"

[U-Unnie. Sorry! N-asabi k-ko kay Dara Unnie.]

Napahugot kaming tatlo nang malalim na buntong hininga.

We knew it...

Nararamdaman kong naiyak sya sa kabilang linya. May static kasi with matching singhot nya.

"I understand Len. Alam kong hindi mo sya kayang tiisin." Tas napabuntong hininga na lang ako nang mas lalong malalim.

[S-Sorry talaga Unnie. K-asi u-miyak sya. H-hindi ko na alam ang dapat kong gawin kaya ayun nasabi ko. Sorry talaga Unnie.]

Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon