Huli Na'to

17 2 3
                                    

                         Huli Na 'To
                           •••
               By: MornightSleeper

(One Shot)

To: William
Can we meet? I promise this will be the last time.

I don't know but thinking that this will be the very last chance that I'll be seeing him, hurt me so much. Alam kong ito ang tama. Alam kong para to sa ikakabuti ng lahat. Mapapakawalan ko na sarili ko. At mapapakawalan ko pa siya. Magiging malaya na siya. Pero bakit sa pag-iisip ko pa lang parang gusto ko na lang umatras? Hindi ko yata kakayanin pero tulad nga ng sinabi ni Elaine hindi matatapos at walang matatapos kung walang magpapalaya.

Akala ko noon, pinaka-masakit na ang maiwan. Pero ngayong nandito ako ngayon sa sitwasyong to kung saan tinanggap ko nang ako ang magpaparaya parang mas masakit yata 'to.

Pinunasan ko ang mga luhang wala yatang kapaguran sa pagtulo mula pa nong nakaraang linggo. Tiningnan ko ang aking cellphone kung may reply ba siya, napa-ngiti ako ng mapait nang makitang wala. Ganon pa man nagpunta pa din ako sa palagi naming pinupuntahan kung saan madalas may pag-uusapan kaming importanti. Malayo pa lang tanaw ko na siyang nakatanaw sa malayong dagat. Tila ba kay lalim ng iniisip niya kaya hindi niya napansing nakalapit na ako.

Tumayo ako malapit sa kanya. Alam kong naramdaman niya na ang presensya ko ngunit hindi man lang niya nagawang lingunin ako. Napailing ako,  I guess I have no choice but to do this for the sake of both of us. Masyado ko na siyang nasasakal and masyado na rin niya akong nasasaktan. Siguro nga ito ang tamang gawin.

"What now? Pagkatapos ng ilang linggong hindi pagpapakita sakin at walang paramdam...makakatanggap ako ng ganong klaseng text mula sayo?" nahimigan ko ang galit sa boses niya. Mula sa gilid ng mga mata ko nakita kong naka-tingin na siya sakin ngunit ako naman itong nakatanaw ngayon sa dagat.

"Goodbye..." matagal bago ako makarinig ng salita mula sa kanya.

"What? Are you kidding me? Wag mo nga akong ginagago Arriane! Matagal na akong nagtitimpi dyan sa ugali mo, sinabi ko na sayo wag mong hihintaying ako na mismo---

"----ako na ang sumusuko." pagputol ko sa sinasabi niya. Nakita kong napaawang ang bibig niya at tila nabigla yata sa sinabi ko.

"Sumusuko na ako. Tama na Liam. Ayaw ko na. Alam ko namang nakakapagod ang ugali ko. Mahirap akong intindihin. Mahirap akong pakisamahan. Alam ko...hindi mo man sinasabi sakin pero ramdam kong ayaw mo na dahil nasasakal ka na. Sa ilang buwan...akala mo ba hindi ko ramdam? Ramdam ko Liam, ramdam na ramdam. Ang sabi mo noon...hinding-hindi tayo aabot sa puntong 'to. Kung saan magkaka-sukuan tayo pero ikaw ang unang sumuko sakin Liam. Ikaw ang unang bumigo sa pangako natin. Ang sabi mo noon...kahit pa gaano ako kahirap mahalin...mananatili ka. Pero nakilala mo lang ako ng lubos sumuko ka na. Mas lalong sumuko ka ng makilala mo siya..." nanlaki ang mga mata niya. Napangiti ako ng mapait, akala niya siguro hindi ko alam. Pero sorry na lang siya...dahil lahat alam ko. 

"...ayaw kong sumuko. Kase gusto kong baguhin ang mga katangian kong mahirap mahalin pero...sa bawat araw na magkasama tayo hindi ka nabigong bigyan ako ng rason upang bitawan ka. Masakit kase gusto ko pang kumapit. Pero mas masakit kasi yung taong kinakapitan ko pa gusto ng makawala...kaya William...mula ngayon pinapalaya na kita. Wag kang mag-alala. Wala ng balikan 'to. Iniisip ko 'to ng maka-ilang beses. Tinanong ko ang sarili ko ng maka-ilang beses.  Kung gagawin ko ba 'to hindi ko kaya pagsisihan? Pero naisip kong. Mas pagsisisihan ko yatang mag-kulong ng isang tao mailayo lang sa kanyang tunay na kasiyahan..." ang bigat sa dibdib. Ni minsan hindi ko na maimagine na mangyayare 'to samin.

"Kaya ngayon...binibigyan na kita ng kalayaang...talikudan ako. Now...William go...and never look back" nakita kong naluluha siya at tila gusto akong yakapin. Ngunit umiling ako at mas piniling humakbang palayo.

Lumipas ang ilang minutong hindi siya umalis kaya naman nagpasya akong, ako na lang ang tatalikod.

"Sa pagtalikod kong ito...ano't-ano man ang mangyayare. Paki-usap lang wag mo na ulit tawagin ang pangalan ko dahil kahit anong tawag mo...hinding-hindi na ulit ako lilingon sayo.. " ang sakit magpa-alam. Ang sakit magpalaya lalo na kung mahal mo pa. Pero mahirap din namang i-keep ang mga tao'ng alam mong matagal ng gustong makawala at hindi na masaya sa piling mo. Kaya kahit gaano kasakit...kailangan mong tanggapin na may mga tao talaga sa buhay natin na kailangan nating palayain. Hindi lang para maibigay ang kalayaan at kasiyahang gusto nila kundi para na rin sa sarili mo nang hindi pa masira ng sobra.

Habang naglalakad palayo. Palayo sa taong minahal ko ng todo. Pinilit ko ang sarili kong wag ng lumingon pa pabalik. Kasi pinangako kong sa pagtalikod kong to, huli na 'to. Huling beses na 'tong hahayaan kong masaktan pa ang sarili ko dahil sa iisang tao.



- - - WAKAS - - -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huli Na'toTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon