"Hoy, Gaga kang bata ka, Wala ka talagang kwenta Noh!?"- sigaw ni mama saakin, aksidente ko kasing nabasag yung plato habang naghuhugas ako.
"Walang ka na bang magawang tama ah. Boset ka talaga! Sana pinalaglag nalang kita, walang kwenta!"- sigaw nya habang walang tigil kakasampal sa muhka ko.
Gusto kong magpaliwanag, gusto kong sabihin sakanya ang totoo, pero ayaw ko dahil alam kong mas magagalit pa si mama saakin."Matilda, Tama na yan, papasok pa yan sa skwela"-sigaw ni papa sa mula taas,
Kung akala niyo pinoprotektahan nya ako pwes, mali ka. Kasi sa tuwing sasapit ang Gabi, matutulog na sila mama at ang bunso kong kapatid, dun na nya ginagawa ang masamang balak niya saakin, binababoy nya ako ng paulit ulit, nandidiri ako, nandidiri ako sa sarili ko. Wala siyang awa, halimaw syaa!. Gusto ko man syang isumbong kay mama, pero alam kong hindi ako paniniwalaan ni mama.Bumaba si papa mula sa itaas at lumapit kay mama, nagsisimula na naman silang mag away dahil sa pera.
Umakyat ako sa taas at kinulong ang sarili sa kwarto, sobrang tahimik, tanging tunog lang nang electric fan ang naririnig ko. Madilim at tanging konting ilaw lang ng araw ang napapaliwanig sa boung kwarto.
Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko, at unti-unting pumatak ang luha na pilit kong pinipigilan kanina pa.
Tahimik akong umiiyak sa isang madilim na kwarto.
Lagi nalang ba ganito?! Pagod na ako, pagod na pagod na ako!
"Hai "-napaangat ako ng tingin ng may narinig akong boses ng babae.
Hindi ko sya kilala, Hindi ko kita yung muhka nya dahil sa suot na hood at sa dilim ng kwarto. Pero nasisigurado akong hindi sya ang kapatid ko dahil mas maliit pa yun saakin, Hindi rin sya si mama dahil mataba medyo si mama, kasing tangkad at payat ko sya.
"S-sino ka? Paano ka nakapasok sa kwarto?"- takang tanong ko.
"Pagod ka na?"- tanong niya
"Oo, sobra"- walang alinglangan kong sagot sa kanya
"Ito"-inabot nya saakin ang isang kutsilyo. P-paano nya to nakuha?
Nasa ilalim to ng unan ko. Oo, may kutsilyo akong tinago, ilang beses ko na kasing gustong patayin yung sarili ko gamit ang kutsilyo na yan pero hindi ko magawa."A-anong gagawin ko dito? "-sobrang pagtataka kong tanong sa kanya. Kahet hindi ko kita ang muhka niya, ramdam kong ngumiti sya, pero may iba sa ngiting yun. Nalulungkot sya.
"Alam mo nah"-sabi nya at unti-unting nyang binababa ang kanyang suot na hood.
P-paanong?! Kamuhka ko sya, kamuhkang kamuhka ko sya. Pero mas nagulat ako nung makitang unting unti nagiging kulay pula ang kanyang suot na damit, d-dugo..
Pumikit ako saglit, pero may naramdaman akong hapdi sa kaliwang kamay. Dumilat ako at tiningnan yun. Dugo, sobrang daming dugo. May hawak na kutsilyo sa aking kanang kamay. Tiningnan ko yung pwesto nung babae kanina pero wala sya dun. P-paano?
Unting-unti akong nahihilo, at dumidilim ang paligid ko.
Napagtanto ko, Ako, ako yung babae kanina, Isa sya sa pagkatao ko, sya ang depresyon ko.
Yung depresyon ko ang pumapatay saakin.MY DEPRESSION WAS KILLING ME.
@cassidy
BINABASA MO ANG
My depression is killing me.(Short Story)
Short StoryNa post ko na po toh on Facebook @Cassidy♥️