-1-
Sumalubong ang isang relaxing na kanta pagkapasok namin sa hindi pamilyar na kainan kasama ng pamilya ko. Kada buwan namin ginaganap ang family dinner na ito dahil naniniwala si Papa na kailangan namin ng oras sa isa't isa.
"Change location tayo ngayon, ma, ha? Ano'ng nagyari?" tanong ko habang umuupo sa katapat na upuan.
"Hindi ka pa ba nagsasawa doon, Charisse? Nirekomenda ng isa kong kumare ito. Masarap daw ang mga putahe lalo na ang chinese cuisine..." At nagsunod-sunod na ang linya ni Mama.
Tahimik namang nagte-text si Ate Charie sa tabi ko at ang bunso naming kapatid na si Charles ay panay ang laro sa kotse-kotsehan niya.
Lumapit naman ang isang waiter kay Mama, "Miss Fina?" bumulong siya kay Mama at itinuro ang table ng iilang mga pamilyar na mukha na siguro ay mga kaibigan niya.
"Henry... Puntahan ko lang sandali sina Joy sa kabilang table, ha? Sandali lang ako, um-order na kayo."
Tumango naman si Papa at umalis na si Mama sa table namin.
Kausap ni Papa ang waiter para sa order namin, abala na naman si Ate Charie sa kanyang cellphone.
Sumulyap muna ako kay Charles at sa cellphone ko.
Bela:
Halos kauumpisa palang ng klase natin, magre-resign na agad si Sir PJ.Ano? Magre-resign na ang world history professor namin?
Ako:
What? Why? Dahil ba doon sa issue nila nung student na si Kathy?Bela:
Yup.Napailing ako.
Marami kasing kumalat na issue tungkol kina Sir PJ at Kathy, kilalang dancer sa university namin.
Malakas ang dating ni Sir Pj lalo na kapag suot niya ang eyeglasses niya. Naging classmate ko naman sa isang subject si Kathy. Mabait siya at mahinhin kaya hindi ko inasahan ang balita na may relasyon silang dalawa. Mas nakumpirma pa namin lalo na't nag-resign na si Sir PJ at naging usap-usapan sa buong school.
Tinapik ako sa hita ni Ate Charie.
"Sayang, mas gusto ko yung dating kinakainan natin kesa rito." Ngumuso pa siya."At bakit naman? Maganda nga rito e, mas maingay ang tugtugan kaysa doon sa isa."
Sumobra ang pagka-solemn ng mga kanta run. Broken-hearted ata yung may-ari ng restaurant na 'yun!"'Yun nga, mas maingay dito saka mami-miss ko 'yung kumakanta run." Kaya!
Lumingon na ako nang tuluyan sa kanya, "Tumigil ka nga. May boyfriend ka na! O kung gusto mo, ipamigay mo na lang kaya siya?" pagbibiro ko.
"Biro lang naman! Baka magsumbong ka pa, alam ko namang mas faithful ka pa sa kanya kaysa sa sarili mong ate." Umirap pa siya pero natawa na ako dahil totoo nga naman.
♫ True friends lie underneath,
their witty words I don't believe
I can't believe a damn thing they say, anymore... ♫Agad na nag-landing ang paningin ko sa isang lalaking medyo mahaba ang buhok, magulo at nakasabog sa harap ng mukha niya ang buhok niya habang kinakalabit nang may diin ang gitara.
Ang lalim ng kanyang boses at kay lamig pakinggan. Parang may ikinukwento sa bawat linyang sinasambit.
♫ Liar, liar, liar, you'll pay for your sins... ♫
BINABASA MO ANG
My Rockstar Professor (On Going and Republishing)
Ficción General'Rock on!' sigaw niya sa bawat simula ng kanyang kanta. Halata sa kanya ang pagiging rakista s'yempre dahil madalas ang pakikinig niya ng rock songs. Minsa'y sumasabay pa sa indak tuwing lalakad siya sa corridors ng university bago pumunta sa mga kl...