EPERAXANIO RESIDENCE

11.7K 311 18
                                    

A VAMPIRES' GIRL

( Dianara )

Malungkot kong nilibot ng tingin ang apat na sulok ng aking kwarto. Sigurado na ma-mimiss ko ang kwartong ito, sapagkat isa ito sa mga nagiging takbuhan at taguan ko maliban kay Papa sa tuwing nalulungkot at nasasaktan mula sa mga taong nangmamaliit, mga taong wala ng ibang ginawa kundi laitin at pagtawanan ako.

"Ano naaaa!? hindi ka parin ba aalis!?" Nagmamagandang tanong sakin ni tita Esma, ang aking very evil stepmother. Matapos mawala ni papa tuluyan na nilang inilabas ang kanilang mga tunay na ugali. Malaya na nilang sinasampal sakin ang katotohanang wala akong kwenta na para sa kanila. Kaya ito ako ngayon lilisanin ko na yung bahay kung saan nabuo ang mga pangarap ko kasama sila mama at papa.. na ngayon ay pareho ng wala sakin.

"Ano pa Dianara ang inaarte mo!? Aalis ka ba ng kusa o sisipain kita palabas!? baka hindi pa pumasok ang grasya dahil nakaharang ka diyan sa pintuan." bulyaw muli ni tiya. Kaya kahit ayaw ko pang lisanin ang bahay tuluyan na talaga akong lumabas. Naiiyak ako pero kailangan kong tibayan ang sarili.

"Aalis na po ako" Pagpapaalam ko, kahit alam kong wala naman siyang pakialam. Nag-umpisa na akong humakbang palayo ng bahay, ang bigat sa pakiramdam.


"BYE BYE PANGET!" rinig kong sigaw ni Emanuel mula sa bintana sa taas ng bahay. Ang bading na anak ni tita Esma. Isa pa yan sa ubod ng sama ang ugali. Manang mana sa kanyang pinagmanahang ina. Pareho silang bruha, makasarili at panget!

"Mabilaukan ka sanang bayot ka." bulong ko ng makita ko itong may sinubo. At tila nagdilang demonyo ako dahil nakita ko itong umubo ng umubo ng umubo ng umubo. Mamatay ka sana sa ubo emanuel, buti nga sayo. Hahaha!


Ngunit natigilan ako saglit saking kasiyahan ng maalalang wala pa pala akong mapupuntahan! wala akong pwedeng ibang lapitan at kahit gustuhin ko man na humingi ng tulong saking nag-iisang kaibigan na si Lana, hindi pepwede sapagkat katulad ko, minamaltrato din sya sa kanila. Ang kaibahan lang namin ay totoong pamilya niya yon. Dugo't laman.

"Saan na ako pupunta ngayon?" bulong ko sa hangin habang bagsak ang aking mga balikat.





--

'Finding a Job? Call or text this number 099999999999

Mabilis kong dinukot mula sa malalim na bulsa ng aking palda ang maliit kong notebook at ballpen. Huwag kayong tumawa, wala naman kasi akong cellphone kaya isusulat ko nalang yung number sa mahiwaga kong little notebook na tig-sasampu sa sidera. Ang tanging pro-problemahin ko na lamang ay kung paano ko ito i-tetxt o tatawagan. Ang hirap maging porita. Panget na porita. tss

Napahinto naman ako sa pag-iisip kung paano ko matatawagan ang numero ng mapansin ko na may iba pa palang
nakasulat sa puting papel. Mahina ko itong binasa..


"LOT 0947, EPERAXANIO RESIDENCE.
lumilitaw st."

Nakakapagtaka lang dahil wala naman ito kanina habang sinusulat ko yung number. Saka mayroon pa bang ganitong lugar dito sa pilipinas? Scam ata ito mga prend!

Gayun pa man kahit puno ng pagtataka ang utak ko, sinulat ko nalang din sa aking notebook ang nasabing address.




--

At viola! Nasa tapat na ako ngayon ng isang mataas at sobrang laking kulay itim na gate. Sa sobrang taas nito, muntik na akong malula. Mukhang mahihirapan ang mga kawatan na akyatin ang isang 'to! Hahaha. Binasa ko ang nakaukit na letra sa bawat pagitan ng mga bakal.

"EPERAXANIO RESIDENCE" confirm ito na nga yon!

Para akong nabuhayan ng loob, nararamdaman kong may kakaibang mangyayari sakin in the near future. Lumapit ako sa gate, ito na talaga yung weird na address na isinulat ko sa aking notebook. Sinilip ko ng mabuti ang loob ng bakuran. Sobra akong nagulat saking nakita. Ang laki-laki ng bahay na nakapwesto 'di kalayuan dito sa may gate, dambuhala ang laki nito, walang binatbat yung bahay namin. Ngunit kapansinpansin ang kakaibang lungkot at bigat sa palibot ng bahay.

"Nakakatakot naman dito. Parang bahay ng mga mangkukulam, maganda at malaki nga pero mukhang mapanganib." bulong ko saking sarili. Awra palang dito sa labas ng bahay nakakatakot na talaga, paano pa kaya sa loob? Jusko! Kakayanin ko bang pumasok dito bilang katulong? Hanap nalang kaya ako ng iba?

"Maybe, if the one who live there is... you."

"AY! PUSA!" Sigaw ko sa gulat dahil sa biglang nagsalita, mula sa aking likuran. Mabilis akong pumaharap dito.

"WOW!" Hindi ko napigilang mapawow dahil saking nakita. Kung ang pagkagulat ko kani-kanina lamang ay bigla nalang napalitan ng kalandian. Papaanong hindi? Eh, ang lalaking kaharap ko ngayon ay ubod at saksakan ng gwapo at pogi ..teka pareho lang naman yun ng meaning diba? napakamot ako saking ulo.

"Who are you and what hell are you doing here!" tanong nito sakin na kahit pagalit ay hindi ko maiwasang kiligin. OH MY GOSH! Kinakausap ba talaga ako ng poging kaharap ko!? Totoo ba!? Kasi first time 'to!





***

milmarceL

A Vampires' Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon