Chapter 15

20 4 0
                                    


"J-JANINE!" I shouted from the top of my lungs. Ramdam na ramdam ko ang pag-vibrate ng vocal cords ko dahil sa sigaw na 'yon.

Agad akong tumakbo papunta kay Janine at umupo sa tabi niya. Tumutulo ang luha ko sa sementadong sahig. I lifted her head and placed it on my palm. Hindi ko alintana kung mamantsahan man ng dugo ang pantalon ko. Mas mahalaga ang buhay ni Janine.

She opened her eyes. Hirap na hirap siyang buksan ang mga mata niya at nanginginig ang labi niya. "A-Aiden," she murmured and smiled at me.

Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil 'yon. Pinunasan ko ang luha ko pero ayaw talaga nitong tumigil. Pati tuloy ang mukha ko ay may dugo na rin.

"S-stay with me, Janine. Don't l-leave me please. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa 'kin. Please, Janine. Live. Live even just for me. Pilitin mong mabuhay, Janine. Hinding hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa 'kin." Hindi ko alintana kung sobrang lakas ng hagulgol ko.

I looked at the group of people around us. "Move away! Kailangan ni Janine ng oxygen! Tumawag kayo ng ambulansya! Dalian niyo!" sigaw ko. Halos magasgas na ang lalamunan ko sa pagsigaw ko. Parang pakiramdam ko tuloy ay mawawalan na ako ng boses.

Pinisil ni Janine ang kamay ko kaya napalingon ako sa kan'ya. "K-kung hindi ako mabuhay, 'wag mong s-sisihin ang sarili mo, A-Aiden. Baka oras k-ko na talaga." Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin.

Umiling-iling ako. Kahit na nasasaktan siya at nasa bingit ng kamatayan ay nakuha niya pa rin akong ngitian. "M-mabubuhay ka! Hindi ka m-mamamatay! Hindi ko kakayanin. Please live, Janine. Live!"

Dumating na ang ilang nurse na may dalang gurney at isinakay doon si Janine. Buti na lang talaga at may malapit na hospital dito sa Ligtong kaya agad na nadala si Janine sa hospital.

"Hanggang dito na lang po kayo," pagpigil sa amin ng nurse.

Napaupo na lang ako sa sahig ng hospital. Sobrang nanlalambot ang mga tuhod ko at wala akong lakas na gumalaw pa.

Mitchie and Rowan sat beside me. Hinaplos ni Mitchie ang buhok ko pero parang wala akong maramdaman. Parang na manhid na ang buong katawan ko dahil sa pagod at stress.

Kahit hindi ko na nakikita si Janine, patuloy pa rin ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. "Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'to," I keep murmuring to myself. Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok.

Mitchie held my hands. "No! It's not your fault, Aiden! Hindi mo kasalanan 'yon at wala kang kasalanan! It's the car's driver's fault! Kung hindi sana siya umalis sa kalsada ay hindi 'to mangyayari kay Janine."

"Tama siya, Aiden. Wala kang kasalanan kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan kahit na kaunti," segunda ni Rowan.

Dapat ba akong maniwala sa kanila? Baka sinasabi lang nila 'yon dahil ayaw nilang akuin ko ang kasalanan. I know na may kasalanan din ako dito. Kung sana ay hindi ko inayang gumala kami ay sana...

"Kasalanan ko 'to, kasalanan ko. Kung hindi ko sana kayo inayang gumala ay baka hindi 'to nangyari kay Janine." Dapat ay ibabaon ko ang mukha ko sa palad ko pero nang makita ko ang dugo ni Janine sa kamay ko ay napapikit na lang ako. Bumabalik na naman sa akin ang nangyari at mga nakita ko kanina. Takot na takot ako.

"What's bound to happen will happen. Wala kang kasalanan," sambit ni Rowan.

I breathed in and out slowly. Parang kinakapos ako sa hangin dahil kanina pa ako umiiyak.

I saw tita Mari, Janine's mother, walking towards the door of the emergency room. "Tita, sorry po. Sorry po, kasalanan ko po 'to. Sorry po, tita. Sorry po talaga." I kept on saying "sorry" to tita Mari.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon