Chapter 1

3 0 0
                                    

 

      Bitbit ang gitara pumasok na ako sa room para sa may mga intermission number. May event sa school at naisingit ako ni Gian sa mga kakanta. Manunuod lahat ng estudyante, for sure nandon din siya.

  Nakita ko si Gian nagtitipa sa cellphone niya. Sobrang busy ng mokong hindi na napansin ang pag tabi ko sa kanya.

"Magstart na ba program Gi?" tanong ko habang itinotono yung gitara ko.

"Yup!" hind niya ko nilingon.

Nag ring ang phone ko. Napalingon siya sakin.

Nagulat.

"Kanina ka pa Lex?" tanong niya. Nakipag high five siya. Bakas pa rin ang pagtataka.

"Oo no! Sobrang busy mo hindi mo na ko napansin. Ako ba unang kakanta?" sinimangutan ko siya.

" I'm trying to contact you! Tapos nasa tabi na pala kita. Oo ikaw una!" Ngumuso siya.  "Nandyan siya! Bilisan mo mag ready ka na, malapit ka na tawagin." Tumayo na siya at tinanguan ko na lang.

This is it! Sana maging maayos. I've been practicing this for a week now. Ngayon lang ulit ako kakanta after a year.

Isang taon na pala nakalipas. Isang taon huminto ang mundo ko. Muntik na ko bumasak, buti nahabol ko. Madaming nangyare sa loob ng isang taon ko
Okay sana kung puro saya ang kaso puro sakit at iyak ang nangyari sa akin. Naubos na ata lahat ng laman ng tear socks ko kakaiyak.

Third year college na ako. Incoming fourth year. Graduating na next year! Nagawa ko! Nalampasan ko yung madilim na page ng college life ko. Thanks god!

Ngayon panahon na para tuluyang bumitaw sa katiting na kinakapitan ko at umusad na. Napangiti ako.

  Bumukas ang pinto. Sumilip si Chin. Yung organizer ng event.

"Lex tara na!" tawag niya.

Tumayo na ko dala ang gitara. Kailangan ng i let go lahat. Kaya ko to!

"Huy kakanta daw si Lexi!!"

"Omygash! Totoo ba? kakanta na siya ulit?"

"Oo! tara na dun sa harap!"

  Narinig ko na nag alisin na yung mga estudyante na nakatambay sa gilid.

"Ang dami mo talagang suporter Lex. Sana mag tuloy-tuloy na ulit yang pag kanta mo." He smiled.

Nasa back stage na kami.

Sumilip ako. Gulat. Halos lahat yata ng estudyante ay manunuod. Kinabahan ako bigla.

"Konti lang yan kanina. Nung nalaman na kakanta ka, nagulat ako at biglang dumami." Natawa siya. Nasilip din sa dagat ng estudyante.

"Ready na ba kayo?!!" the emcee started.

"Oo!! simulan mo na!!"

"Alexi iloveyou!!"

"We miss youuu!!"

"Hindi ko na patatagalin pa! Please welcome Alexi Riva!!" Pakilala sakin ng emcee.

Dumagundong ang covered court sa lakas ng hiyawan. Umakyat na ako sa stage dala ang gitara at dumiretso sa microphone.

"LEXI ANG GANDA MOO!!"

"WE LOVE YOU LEXII!!"

"LEXI!"

  I smiled at them. A genuine one.

  "Hello sa inyo! Namiss kong kumanta para sa inyo." naghiyawan ulit sila. Kumaway ako.

"Isang kanta lang to. Cover song lang pasensya na." I smiled again.

Naupo na ako sa high chair na nasa likod ko. Napaangat ako ng tingin, nagtama ang mga mata namin.

Isa. . .

Dalawa. . . .

Tatlo. . . .

  Nagbilang ako hangang umabot ng sampo. Nagaantay ng reaction sa puso ko. Pero wala na. Noon magkatitigan lang kame kumakalabog na ang dibdib ko. Kinakabahan at hindi ko na alam ang gagawin ko pero ngayon? Mukang naubos na nga ang pagmamahal ko sa kanya...

I started strumming my guitar.

 
  You call me all friendly
Tellin' me how much you miss me
that's funny, I guess you've heard my song

Nagawi ang tingin ko kay Gian kasama na ang iba. Nag thumbs up sila sakin. Nginitian ko lang.


Well I'm too busy for your business
Go find a girl who wants to listen
If you think i was born yesterday
You have got me wrong...

Tiningnan ko si Nicholas gulat, pait, sakit at lungkot ang nakita ko sa mga mata niya.

  So I cut you off
I don't need your love
'cause I already cried enough
I've been done

Nakatingin ako sa kanya na may ngiti sa mga labi. Nakita ko ang pag patak ng mga luha niya na mabilis niya pinunasan.

 

I've been movin' on since
we said goodbye
I cut you off
I don't need your love,
so you can try all you want
your time is up I tell you why...

Nakatingin lang din siya sakin na puno ng pag sisisi pero huli na. Tapos na. Nasaktan na niya ko.

Pakingan mo ito, para sayo to. Huling kanta ko para sayo.

You say you're sorry
But it's too late now
So save it, get gone, shut up
'Cause if you think I care about you now
Well, boy, I don't give a..

Tinutok ko sa mga audience yung mic. Sabay sabay silang sumigaw.

"FUUUCCKK!!"

Syempre nangibawbaw ang boses nila Gian. Galit na galit sila kay Nico. Inaawat ko palagi at baka mapaaway pa sila dahil sakin.

Tinapos ko ang kanta at nagpasalamat sa mga nanunuod. Bumaba ako sa stage na magaan na ang pakiramdam.

Didiretso na sana ko sa room ng may biglang humila sa braso ko. Si Nico.

"Alessia mag usap tayo kahit sandali lang. Please?" untag niya.

I sighed. tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Okay. Two minutes. Start." Tumingin ako sa relo ko.

"What? Bakit two minutes lang? Kahit five minutes, please?" pakikiusap niya.

"One minute. C'mon may lakad pa ko." nakatingin lang sa relo ko.

"Mahal kita. I'm sorry. Please come back to me." pigil ang hikbi niya. "Alam ko sobrang gago ko kahit nasaktan kita, wala akong kwenta. Sinayang ko lahat ng binuo naten. I'm sorry. Please bumalik---" i cut him off.

"Time is up. I don't need your explanation. We're done Nico. Goodbye." I smiled at him. Tumalikod na ko at naglakad ulit.

Sumunod siya. Nagulat ako kase bigla niya kong niyakap mula sa likod.

"Nico bitawan mo nga ko! Ayoko na nga! Respect my fcking decision you asshole!" nagpumiglas ako.

Nakita ko sila Gian. Nakita din nila ko at mabilis na nagsilapitan. Hinigit ako ni Levi mula kay Nico.

Kwinelyuhan ni Luke si Nico at handa ng suntukin, inawat lang ni Jace.

"Pare tama na ang pag pilit kay Lexi. Respituhin mo na lang ang desisyon niya. Kung hindi kami na ang makakalaban mo." Gian said. Nagtitimpi.

  ------:>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon