"Excuse me, Sir Sean. Saan po ang banyo dito?" Tanong ni Kalonice kay Secretary Sean na napa-ayos ng upo nang wala sa oras.
"A-Ano, diretsuhin mo lang 'yang daan na iyan tapos kumaliwa ka. Sa dulo n'on ay restrooms."
"Okay. Salamat po." Tango ni Kalonice at umalis na. Tinandaan niya ang ibinigay nitong direksyon, ngunit nang nasa gitna na siya ay siya'y natigilan.
Nasaan ang kaliwa?
Tumingin siya sa kaliwa. Nakamot niya ang noo bago tumingin sa kanan. Hindi niya alam kung ano ang tatahakin. Ang tanda-tanda na niya pero kaliwa at kanan hindi pa din niya alam. Mukhang maliligaw pa siya.
In the end, tinahak niya ang kanan. She was holding her pee as she walk along the empty hallway. Panay ang tingin niya sa kaliwa't kanan, ngunit ang nakikita niya ay iba't ibang departamento at workplaces.
Tumungo siya sa kaliwa at doon ay nakita ang isang lalaki na puro bodyguards. Isip niya ay isa ito sa mga kliyente kaya agad siyang tumabi. Ngunit tumigil ang lalaki at itinuro siya kaya tumigil siya at napahawak sa dibdib.
"Ako po?" she said, pertaining to herself.
"Yes. You are new here, ain't you? Are you from International Architectural University?"
"Opo. Bakit po?" magalang at mapagkumbaba niyang tanong.
"Wow, it's good to see you here, Miss Montecristo! So, you are already starting, huh. By the way, where are you going?" nakangiti nitong pahayag at tinapik ang balikat ni Kalonice na walang kaide-ideya kung sino siya.
"Uhhm, opo. Sabi po kasi ni Mr. Yzaguirre na pwede na daw po akong magsimula,"
"You mean Midas?"
"Opo." Tumawa ang matanda.
"That's good. But where are you going again?"
"Magbabanyo po sana pero mukhang naliligaw na ako." pagsasabi niya ng totoo.
"What? I have a restroom in my office! Did Midas forbid you to use it? Ugh, that brat!"
Kumunot ang noo ni Kalonice.
'I'? Did Kalonice heard him right? He used a possessive pronoun for ownership. HIS OFFICE! Then... The old man in front of him is...
"Y-You are Mr. Larry Zeno Yzaguirre!?" Singhap niya at natakpan pa ang bibig. Muntik na siyang maihi sa kaniyang kinatatayuan!
Larry Zeno bursts in laughter. "Yes I am, Miss."
"P-Pasensya na po! K-Kayo po pala si Mr. Yzaguirre! M-Maraming-maraming salamat po sa pagtanggap sa akin sa kumpanya niyo." Lubos ang pasasalamat niyang sabi at yumuko sa harapan nito. Larry tapped her shoulder and went on his way with her beside her.
"It's fine. Are you comfortable with your uniform? You should have talked better with the Tailoring Team. That will be a huge distraction. Especially that my son is going through his mating stage. HAHAHAHA!" Tawa nito. Maliit namang napangiti si Kalonice.
"Okay lang po. Ito na lang daw po kasi ang natitirang nagkasya sa akin since na-out of stock na daw po ng ibang sizes."
"Miss, reason why I hired tailors is to make uniforms for my employees. The reason justifies nothing. Do not worry, I will talk to them later. You may use the restroom in my office. You may go inside." Ngiti ni Larry kay Kalonice at pinagbuksan pa ito ng pinto. Nagpatango si Kalonice at binigyan ng ngiti ang napakabait na CEO at bumalik sa loob.
BINABASA MO ANG
Midas' Touch [COMPLETED]
RomanceNothing is scarier than the voices and personalities inside your mind.