Chapter 6

69 5 0
                                    

Same routine the next day. Exactly 3:40 pm ay nasa kumpanya na si Kalonice. Ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay nakita niya si Midas sa labas, nakasimangot at para bang may hinihintay. Lalampasan na sana niya ito nang hinalihin siya ni Midas pabalik.

"Where do you think you're going? Can't you see I'm waiting here!?"

"Malay ko ba kung ako pala ang hinihintay mo?" kalmadong pahayag ni Kalonice at binawi ang braso.

Nairita si Midas dahil may punto naman ang babae sa sinagot nito. "Whatever. Come with me. Dad wants me to show the house to you. At kailan ka daw ba lilipat? Ugh! Laging ako ang inuutusan niya!"

"Bakit sa akin ka nagrereklamo? Kasalanan ko ba?" napapahawak sa dibdib na sabi ni Kalonice na nagsasalubong ang kilay.

"Of course, it your fault! He's been ordering me around because of you! So, it is indeed your fault!" asar na asik ni Midas at bumaba sa hagdan. Lumapit ito sa kaniyang kotse. Agad namang sumunod si Kalonice sa binatang araw-araw na lang ay mainit ang ulo.

"Saan ba naka-destino ang bahay?" tanong ni Kalonice at isinuot ang seat belt.

"Makati."

"Ah, okay." Tango niya at inilabas ang cellphone saka naglaro ng snake.

Nabigla siya nang ibato ni Midas ang cellphone nitong may gintong case sa hita niya. "Put your number there. Para sa susunod alam mo kung may iuutos ako sa iyo." Utos ng binata habang nagda-drive.

Nanginginig ang kamay ni Kalonice nang ito'y dinampot. Magaan lamang ang cellphone. Sinuri niya ang napakagandang case nito. Gawa talaga sa ginto. Pinitik-pitik niya. The gold case reflects her stupid face.

Hinarap niya ang screen nito at pinindot isa-isa ang buttons sa gilid. Bumukas ito; bumungad sa kaniyang ang litrato ng anim na sanggol na sobrang cute.

"Mga anak mo?" tanong niya kay Midas at itinuro ang anim na sanggol sa wallpaper nito.

"Stupid. They're my siblings!" Midas sneered bago umirap.

"Ang cute naman nila." Ngiti ni Kalonice at nag-swipe-swipe.

"Ugh, just press the home button, woman!"

"Wow. Ang galing naman ng cellphone mo. May sariling bahay. Saan dito?" manghang sabi ng babae na siyang nagpalaglag sa panga ni Midas.

"Stupid! The circle one! Below!" Midas hollered in annoyance.

Kalonice sighed. "Pasensya na. Hindi mo kailangang sumigaw. Give me consideration dahil ngayon lang naman ako nakahawak nito," pakiusap niya at pinindot ang home button. Lumabas ang password.

Pinindot niya agad ang '123456' ngunit nag-vibrate ito sabay labas ng 'Again'. Nagpipindot ulit siya, hanggang sa nag-countdown ito. Hinintay niya itong matapos bago nagpipindot muli ng numbers. This time, isang minuto na ang countdown. She waited, and did the same thing, hanggang sa isang oras na ang hihintayin niya.

"Ganito ba talaga 'to? Kailangan ko pang maghintay ng isang oras," sabi niya, naguguluhan, bago ipinakita kay Midas ang cellphone nito.

Pinasadahan ito ni Midas ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya at wala sa oras na naapakan ang preno.

"WHAT THE---!? Why didn't you asked me the passcode, woman!?"

"H-Ha? A-Akala ko huhulaan ko lang, eh---"

"GOD!" nasabi na lamang ni Midas at nahilamusan ang mukha. Napalabi siya at naikuyom ang mga kamao sa inis.

"You---You are---" napa-iling siya. Kinuha niya ang cellphone at inilagay sa dashboard. "Dammit. Let it be."

Midas' Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon