Chapter 26

36 3 0
                                    

"Welcome to our home, Sweetie. Feel like you're home," Gwynedd welcomed warmly with her arm clutched on Kalonice's.

Manghang-mangha ang magkakapatid dahil sa laki ng kanilang bahay. Nakapasok na dito noon si Kalonice ngunit gandang-ganda pa din siya sa kabuuan nito. Napakamoderno. Halata na ito'y matibay. Gawang Yzaguirre ba naman.

"Ate, ang laki!" singhap ng dalawa na nalulula sa kalakihan ng bahay. Ngumiti na lamang si Kalonice bilang sagot at tumingin kay Midas.

"Kalonice will have her own room and so her siblings." Gwynedd.

Tumaas ang kilay ni Midas sa ina. Tinaasan din siya nito ng kilay. "Why are you looking at me like that, Larzen? Do you object?"

"I do," matapang niyang sagot, "I want her in my room."

"No. No labels, no room sharing. Elaine, guide our visitors to their respective rooms." Yumuko ang katulong at nilapitan ang magkapatid. Sumama ito sa kaniya, ayaw kasing bitawan ni Midas si Kalonice na naguguluhan kung sino ang sasamahan.

"No! She will be in my room!"

"Young man, you're raising your voice at me now?" Matamis na ngumiti si Gwynedd sa anak. Midas hold himself at mabilis na umiling. Larry chuckled at him.

"We got rooms for them to occupy. We are tired from the flight. Let's call for another day. Be comfortable, hija."

Tumango si Kalonice saka ngumiti. Gwynedd smiled at her back at sumama kay Larry na nilalandi na naman siya. Tumingala si Kalonice kay Midas na napakasama ng loob habang nakasimangot. Mahina siyang natawa.

"God bless you," tatawa-tawa niyang sabi bago bumitaw sa kaniya at sumama sa isang katulong. Dinala siya nito sa isang kwarto na katabi lamang ng sa kaniyang mga kapatid. Nang ito'y kaniyang bisitahin ay mga natutulog na sila. Hindi na lang niya ginambala pa at nagkulong sa kwarto.

She dreamt of having a mansion before in a big city. But her preferences changed. She want to live somewhere far from the city, in provinces, have a barn and a farm, breathe the cold breeze from the green trees, and bath in a river, lake, lagoon, or watefalls. It will be peace, imagining her life alone in an isolated place is peace for her. Oh how good that will be.

When the sun radiated for another day, the family shared their great breakfast with Kalonice and her siblings. Midas came late, dressed in his uniform, at masama pa din ang loob sa ina kaya hindi ito hinalikan sa pisngi at binati ng magandang umaga.

"Ang gwapo mo naman sa uniform mo," mahinang sabi ni Kalonice. She's checking him out and she seems that she could not get enough of his decently well-mannered look. Midas in a school uniform hits her differently.

Midas was caught off guard by her compliment. His eyes went wide for a short moment, hanggang sa naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi.

Umiwas siya ng tingin at umupo sa harapan ng babae. "T-Thanks..." Nahihiya niyang pagtanggap. Inasikaso siya ni Gwynedd at nilagyan ng pagkain sa kaniyang plato. Hindi niya inimikan ang ina.

"Darling, masama pa din ata ang loob ni Baby Larzen sa 'yo. Ikaw kasi, hindi mo sila pinagtabing dalawa," malungkot ngunit nang-aasar ang intensyon na sambit ni Larry na akay ang anak na si Contessa at pinapakain itong paborito niyang baby food.

"Larzen," tawag ni Gwynedd sa anak. Narinig naman siya nito ngunit hindi naman siya tinapunan ng tingin.

"Ang babaw mo, Midas. Magkatapat lang naman ang kwarto nating dalawa," tawa ni Kalonice at sinubuan si Laryen na nagpapa-baby sa kaniya.

"If I said I want you in my room, I want you in my room," matigas nitong sabi at dinampot ang mga kubyertos. Nagtinginan sila Kalonice at Gwynedd.

Midas' Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon