Chapter 42

45 4 0
                                    

The airplane landed. Caedmon took his bag at isa sa mga naunang bumaba ng eroplano. Nagtuluy-tuloy siya sa paglabas. Nakita niya agad ang kaniyang driver. Ibinigay nito sa kaniya ang susi ng kaniyang kotse. He threw his bag in at pumasok sa loob. He drive and headed to Kalonice's house.

Kakatok na sana siya sa pinto nang bumukas ito. Inilyuwa nito ang isang matandang babae. Nagtaka siya at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

"Uhm, where is Kalonice?" tanong niya. Nasorpresa si Rita.

"Nasa loob ang anak ko. Natutulog."

Pero mas nagulat si Caedmon dahil sa itinawag niya kay Kalonice. Nagsalubong ang kaniyang kilay at matalim na tumingin kay Rita.

"What are you doing here!? What did you do to Kalonice, you bitch!? KALONICE!"

He pushed Rita hard na siyang ikinatumba nito. Humangos siya sa loob at hinanap si Kalonice. Umakyat siya sa itaas. Binuksan niya ang unang pintong nakita. Natigilan siya nang makita ang payapa ang tulog na si Kalonice.

Naalimpungatan ito at binuksan ang mga mata. They went wide. Napabalikwas ng bangon si Kalonice na gulat na gulat.

"C-Caedmon!? What are you doing here!?" Pagpapanic niya. Umiwas ng tingin si Caedmon.

"Get dressed. Let's talk downstairs," sabi niya at isinarado ang kaniyang pinto. Bumaba siya. Nagkasalubong niya sa baba si Rita. Sinamaan niya lamang ito ng tingin. He waited outside her house at sumandal sa kaniyang kotse. Lumingon siya sa bahay ni Midas. Wala ang kotse nito. Hindi na lamang niya pinansin pa at itinuon ang atensyon at Kalonice na papalapir na.

"Caedmon, anong ipinunta mo dito? May problema ba?" tanong niya habang nag-aalala.

"I don't have a problem. You do. You called me while crying at binabaan agad ako. I was worried so I instantly booked a flight para puntahan ka. Why? Why is your mother here, Kalonice? I will call the police---"

"Huwag! Huwag, Caedmon! Pakinggan mo muna ako, okay?" Pigil ni Kalonice at hinawakan ang kamay niyang kukuhanin na ang kaniyang cellphone. Hindi niya naman ginawa at tumango.

"I saw her yesterday in the park with Midas. She asked for forgiveness and told me na magbabago na daw siya. Nagsisisi na daw siya at gusto nang bumawi sa aming magkakapatid. We want to start a new life, a better and happy one. Tinanggap ko siya, kasi gusto rin namang maayos ang pamilya namin at bigyan siya ng tiyansa. Sana maintindihan mo. Oo nga't marami siyang nagawa sa akin, pero sana maintindihan mo kung bakit ko napagdesisyunan ito, Caedmon."

"You're kidding me, right?"

Umayos ng tayo si Caedmon at bumuga ng hangin. "Kalonice, she's unforgivable! She sold your soul and dignity to some asshole! Halang ang bituka ng ina mo! Paano mo naman nasabing magbabago na nga talaga siya? Malamang sa malamang ay may gusto 'yang makuha sa iyo. Successful ka na. Mayaman ka na. Peperahan ka lang niyan! Paalisin mo siya. Tatawagin ko ang mga pulis at ipapadampot ang Mama mo!"

"Caedmon!" Pasinghal na sigaw ni Kalonice. "Alam kong may nagawa siyang masama sa amin noon, pero gusto na niyang magbago at gawing tama muli ang lahat! Wala ba siyang karapatang magbago? Naiintindihan kong galit ka. Pero desisyon ko ito. Magtiwala ka sa akin. Alam ko ang ginagawa ko. Mama pa din namin siya. Deserve niyang mapatawad. I will give her a chance. She's my mother. It was my decision, my choice. If things goes rough, it'll be my responsibility,"

"Wala na sa lugar ang kabaitan mo, Kalonice! Wala na!" Nasuntok ni Caedmon ang kaniyang kotse at nahawakan ang ulo. Bumuga ng hangin si Kalonice.

"Let's go somewhere more private. Let's have breakfast together. My treat."

"M-Magpapaalam lang ako kay Mama at kay Midas---"

"He's out. I don't know where. Wala ang kotse niya," he preceded at itinuro ang bahay sa kaniyang likod. Natigilan si Kalonice at tumingin sa bahay ni Midas. At totoo nga.

Naguguluhan man kung bakit ay pumasok siya sa loob upang magpaalam sa ina. Pumayag naman ito. Umakyat si Kalonice sa kaniyang kwarto at dinala ang kaniyang wallet at cellphone saka bumaba upang samahan si Caedmon. Sa pinakamalapit na restaurant lang sila pumunta upang kumain.


Pumasok si Midas sa kwarto ni Jarrah sa ospital. Agad itong napatingin sa kaniya.

"Midas---"

"Let's put an end to this so called affair of yours, Jarrah." Pangunguna niya na siyang nagpamilog sa mga mata ng babae.

"W-What? Midas, I thought you still love me?" Bumangon ito at umupo. Umiling si Midas.

"It was all an act to fool you and hurt you too, Jarrah. I don't have any feelings left for you anymore, you bitch. Whore, what made you think that I will come back to you after what you did to me? I'm not stupid, you are. I can't stand seeing Kalonice hurt, and I don't want to cheat on her too. Fuck my revenge and fuck you. We're done."

"Y-You can't do this to me, Midas. H-Hahaha! You are mine!"

Tumalikod na si Midas at lumabas sa kaniyang kwarto. Isinigaw ni Jarrah ang kaniyang pangalan ngunit hindi siya nilingon ni Midas at nagtuluy-tuloy sa paglalakad.

Yes. This is right. He ended it. Wala nang dahilan para masira pa sila ni Kalonice. He will settle down with her for good. No Jarrah in his life. He won't look back anymore, Kalonice is more than enough. He will give his everything to her and lobe her for the rest of his life. That's his plan. And he's one step closer to making it true and real.


Sumakay na siya sa kotse niya upang makauwi. Maaga pa. Tulog pa panigurado si Kalonice. He will ask her for a breakfast date and tell her that he ended his link with Jarrah for real.

But in his way, may nahagip ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung totoo ba ang kaniyang nakita, but he was sure that it was Caedmon.

With Kalonice.

Mabilis siyang napalingon at iniliko ang kaniyang kotse upang sila'y sundan. They stopped by the nearby restaurant. They went inside together. He does not know why Caedmon is suddenly here, and he does not know why Kalonice went out with him without asking him.

Thoughts flooded his mind. He stayed on his car, watching the two of them settle on a table and ordered. He can clearly see Kalonice's front and Caedmon's back. During this time, he doesn't know what to feel. Nangunguna ang kaniyang galit. Nangingilid ang kaniyang mga luha. He opened his phone, hoping that there will be a missed call or a message from Kalonice but none.

It was like what happened before to him with Jarrah. But this time, with a different woman but same man, and different scenario.

His chest feels so heavy. Kung kailan namang tinapos na niya ang lahat ng maaaring makasira sa kanilang dalawa ay saka naman papasok si Caedmon. She looks so entertained as they talk. Ibang-iba si Kalonice kapag kasama niya si Caedmon sa mga oras na kasama siya nito. She's attentive, all ears, and so entertained.

CAEDMON IS BETTER THAN ME.

It keeps on repeating inside his head and he's going crazy. Hinampas niya ang manibela ng kaniyang kotse at tinawagan si Kalonice. He saw that she looked at hwr phone, but after looking at Caedmon, she let it ring and ring until it ended.

Nanginig si Midas. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman. Anger, jealousy, feeling cheated, and betrayal. He could feel it all all at once, and it fogs his mind, thinking that she was cheating on him with Caedmon as her revenge to what he did with Jarrah.


Bumuhos ang kaniyang mga luha at pinanood silang dalawa hanggang sa sila'y matapos. After their dinner, akala niya ay uuwi na sila pero hindi pa pala. They went to a park and go for a walk. In his perspective, Caedmon kissed Kalonice but what really happened is Kalonice was crying as she tell him what happened Caedmon is simply comforting as he listen to her story, understanding every detail.

Napuno na si Midas. He couldn't stand such sight and headed home. He packed his things while cursing nonstop and stormed out. He wipe his tears and drove as he cry in hatred. He couldn't believe that she could actually do that to him. Blankong-blangko na ang utak niya at puro negatibo ang naiisip. Isa na doon ang mga salitang: hindi naman talaga siya mahal ni Kalonice at pinaglalaruan lamang siya.

Tumigil siya sa Airport. He called his driver to fetch his car. He left his car open with its key inside. He doesn't care if it will be lost. Mahahanap din naman agad ang kaniyang kotse kung may magnanakaw dito dahil sa tracker na nakakabit dito.


As he book a flight that will be in just an hour, he tried calling Kalonice again. He tried and tried but she never answered his calls. He accepted his ticket. Habang naglalakad ay tinatawagan niya ito. He still have time. He will tell her how she made him feel so useless and how loser he was.


"Salamat sa pag-unawa, Caedmon. Maraming salamat talaga," ani Kalonice at matamis na ngumiti sa binata.

"Anytime, Kalonice. Anytime. Have a good time with your mother. If every you need someone, I'm here. I have your back," he assured and it made Kalonice's smile wider.

She nodded and watch him leave. Pumasok na siya sa loob at naabutan ang mga kapatid na nanonood ng tv. Ngumiti siya sa mga ito at umakyat sa kaniyang kwarto. Agad niyang chinarge ang kaniyang cellphone na nalowbat. Naalala niyang kanina pa tumatawag si Midas sa kaniya. Sana naman ay hindi ito galit.

She let it charge. She entertained her self by drawing plans in her tablet. After an hour, her phone was full. Binuhay niya ito at sumalubong sa kaniya ang napakaraming missed call mula kay Midas. Ang huling tawag nito ay ilang minuto na ang nakakalipas.

Nagtaka siya at tinawagan ito pabalik. Agad naman itong sumagot.

"Hello, Midas? Nasaan ka?" tanong niya agad at sumampa sa kaniyang kama. Walang sumagot.

"Midas? Hey? Nasaan ka?" pag-uulit niya. She could hear inaudible sounds on the other line, and a voice that mad eher heart beat fast.

"Midas, nasaan ka? Nasa Airport ka ba?" Again, hindi sumagot si Midas.

"Midas, ano ba!? Sumagot ka nga! May susunduin ka ba d'yan kaya kanina ka pa wala? Kanina pa kita hinihintay at hinahanap---"

[Are you more happy with Caedmon, Kalonice?]

Natigilan siya. Gulong-gulo ang kaniyang isipan. Hindi niya alam ang nangyayari. Pero nasorpresa siya dahil alam nitong magkasama sila ni Caedmon kanina. O hindi?

"Ano bang pinagsasasabi mo? Oo, nandito si Caedmon kanina---"

[That's not what I am asking,]

Nagsalubong lalo ang kaniyang mga kilay. "Midas, may problema ba? Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Nasaan ka? Na kay Jarrah ka ba?"

[Don't drift the subject to me, Kalonice. I couldn't believe you. How could you do that to me? I thought we are good? Was it all just a show too? Kalonice, how could you play with me? Why? Kalonice, why?]

"M-Midas, a-ano bang pinagsasasabi mo? Nasaan ka ba kasi? Pag-usapan natin kung ano man ang problema mo, Midas---Midas? Midas!"

Umawang amg bibig ni Kalonice matapos siya nitong babaan ng tawag. She tried calling him ngunit hindi na daw ito ma-reach.

Napasandal siya sa kaniyang kama, naguguluhan at nagtataka she tried and tried and tried on calling him pero wala.

Napakamot na lamang siya sa pisngi. Hihintayin na lamang niya itong umuwi para makapag-usap sila ng maayos at mapayapa. Mukhang tinotoyo lang ito. Napaka-moody pa naman ni Midas. Dinaig pa siyang babae. Or baka gusto lang ng atensyon at gustong magpa-baby.

"Hay nako, Yzaguirre. Parang ikaw pa ang babae sa ating dalawa," tawa niya at ibinaba ang telepono saka ipinagpatuloy ang pagdo-drawing.


Ngunit lumipas ang mga oras, walang kotse ang dumating. Walang Midas ang sumulpot at umuwi sa katapat niyang bahay. Doon na siya nabahala at nag-alala. She tried calling him again. Hanggang sa hapunan ay tinatawagan niya ito. Napagsabihan na nga siya ni Rita dahil kahit sa hapag-kainan ay nagga-gadget siya imbis na magpokus sa pagkain.

Hindi siya tumigil sa pagsubok na matawagan si Midas. Kahit sa kama ay katabi niya ang cellphone. Pumipikit-pikit man ang mga mata ay imumulat niya ito at muling tatawagan ang number nito. Hindi niya maipaliwanag ang lumbay sa kaniyang dibdib. Ipinikit niya ang mga mata; tumulo ang kaniyang mga luha.

She prayed that Midas will finally talk to her. She doesn't know what was his problem, pero sana naman ay magsabi ito nang kanila itong mapag-usapan.


Maaga siyang nagising kinabukasan. Naabutan niya si Rita na nagluluto na ng kanilang umagahan. Binungaran siya nito ng ngiti.

"Magandang umaga, anak. Gisingin mo na sina Ali at Francis. Mag-umagahan na tayo," aniya at isinalin ang sinangag sa malalim na plato. Saka naman pumasok ang magkapatid.

"Nandito na po pala sila, Ma," sabi ni Kalonice at pinagmasdan ang mga kapatid. Nagsi-upo ang mga ito, tahimik.

She sighed at sila'y sinamahan sa lamesa. Inasikaso sila ni Rita bago ito umupo sa kaniyang pwesto. "Nga pala, anak. Wala na tayong stock. Ako na lang ang maggo-grocery," wika ni Rita.

"Huwag na po, Ma. Ako na lang po. Bibisita din po kasi ako sa kumpanya," tanggi ni Kalonice.

"Sigurado ka? Wala naman akong gagawin dito bukod sa paglilinis. Ako na lang, anak," pagpupumilit ni Rita na inilingan naman ni Kalonice.

"Hindi na po. Magpahinga na lang po kayo pagkatapos niyong maglinis. Ako na pong bahala."

"O sige,"

Rita rolled her eyes at the back of her. Hinayang na hinayang. Ito na ang huling araw ng itinakdang araw ng kaniyang pinagkakautangan para siya'y mabayaran. Wala pa din siyang nakukuhang pera mula kay Kalonice. Hindi niya maisingit ang paghingi dito dahil baka makahalata agad ito at siya'y iwan o ipakulong nang tuluyan.


Nagpaalam na si Kalonice at tumawid. Tumungo siya sa bahay ni Midas. Walang lumabas, walang sumagot. Mukhang wala na naman ito dahil wala rito ang kaniyang kotse. Bagsak ang mga balikat siyang lumabas ng kanilang subdivision at sumakay ng taxi upang makapunta sa kumpanya nila at doon siya hanapin.

"Ay, hindi po. Hindi po pumunta dito si Sir Midas kahapon at ngayon," sabi ng guwardiya.

"Ganun po ba?" Sumilip sa loob si Kalonice. "Sige po. Salamat po." Ngiti niya sa guwardiya at bumuga ng hangin. Sumakay ulit siya sa taxi at nagpahatid na sa mall.

She tried contacting him but he's still not answering her. Cannot be reach, it said. Kaya naman si Larry na ang kaniyang tinawagan, nagbabaka sakaling alam nito kung nasaan ang anak.

"Hello po, Tito. Pasensya na po sa abala. Itatanong ko lang po kung alam niyo kung nasaan si Midas?" tanong niya sa magalang na paraan.

[Midas? No, hija. Aren't you two together?]

She bit her lower lip.

[Is there a problem?] dugtong nito. Agad niya namang naalala ang mga pagbabanta ng mga ito kay Midas kung sakali mang magloloko ito.

"Ah, wala po, wala po. Okay na po pala. Na-lowbat lang po pala siya," palusot niya at tumawa.

[Oh, I see. Have fun, you two.]

"Opo. Salamat po. Pasensya na po ulit."

[Don't mind it. See yah!]

She let him be the one to end the call. Naibaba niya ang kamay at bumuntong hininga. She paid the driver at pumasok sa loob.

Meanwhile, Jarrah was feeling hell. She couldn't accept that Midas dumped her for Kalonice. She couldn't believe it. He paid her back. Pero kung iniisip nito ay titigil na siya, he should think twice again.


Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang number ni Larry. She began her acting.

[Yes, Jarrah?]

"Midas! How could you do this to me!? How could you! This baby is yours and you know that! Take the responsibility! I need you, Midas!" She cried, making her self sound so desperate and mad.

Napatayo si Larry dahil sa narinig.

"I don't want it to grow up without a father. Please, panagutan mo ako. Anak mo 'to! I told you, we could keep this a secret. Huwag mong takbuhan ang responsibilidad mo bilang ama ng batang dinadala ko!"

[What the hell are you saying, Jarrah?]

Larry paced back and forth while massaging his temples. Jarrah paused and smirks.

"T-Tito Larry?"

[What's the meaning of this!? You're pregnant!?]

Imbis na sagutin ay ibinaba niya ang tawag. She press the Airplane Mode to turn it on at pawang baliw na tumawa. Sigaw naman ng sigaw si Larry sa kaniyang pangalan.

Tumigil siya sa pagpapalakad-lakad at nasuntok ang kaniyang lamesa. Its glass cracked. Agad niyang tinawagan ang mga kaibigan.

"Octavius!"

[Hey, hey. Why are you shouting? Is there a problem?] sabi agad nito ba nangingiwi. Nanlisik ang mga mata ni Larry.

"Find Jarrah. She just called me and told me she was pregnant with Midas' child! Fucking---fuck them! Find her! Ginagago nilang dalawa si Kalonice!"

[WHAT THE FUCK!? ARE YOU SERIOUS!?] Singhap ng dalawa na mga nabilaukan pa.

"I'm not fucking kidding! Just find your fucking daughter and I will find mine and KILL THE HELL OF HIM!"

He ended the call. Muntik na niyang maibato ang kaniyang cellphone ngunit pinigilan niya ang sarili. Muli niyang nasuntok ang kaniyang lamesa at mabibilis ang mga yabag na bumaba mula sa kaniyang opisina.

Midas entered their mansion. Natigilan si Larry sa pagmamadali. Nagkaharap silang mag-ama. Walang emosyong tumingin sa kaniya si Midas. Agad na nagsisanib ang mga demonyo kay Larry.

"Larzen? Larzen, why are here? Tapos na ba kayo? Where is hija?" tanong ni Gwynedd na may hawak na barbecue. Kasunod niya si Contessa na puro sauce ang bibig at mga kamay.

Larry called hid men. They approached him. "Take my kids and wife upstairs," utos niya at unti-unting nilapitan si Midas. Naalarma si Gwynedd. Lumapit sa kanila ang mga tauhan ni Larry at sila'y iginiya paakyat.

"And one more thing," huminto ang mga ito at siya'y nilingon. Larry smiled devilishly. "Call my parents. Tell them that we have someone to kill right now. And it's my beloved son," aniya at huminto sa harap ni Midas na naguguluhan sa mga nangyayari. Hinawakan siya ni Larry sa balikat.

"Innocent Larzen Yzaguirre, you're a fucking ASSHOLE."

"L-Larry? Larry, what are you doing? What's going on!? Larry----LARRY!" Napasigaw si Gwynedd matapos niyang masaksihan kung paano suntukin ni Larry ng ubod lakas ang sikmura ni Midas.

Namilipit sa sakit si Midas at napaluhod habang hawak-hawak ang tiyan.

Dinakma siya ni Larry sa buhok bago itinayo at ubod lakas na sinuntok sa mukha.

"NO! LARRY! OH MY GOD! LARZEN! LARZEN!"


Natawa si Larry at hinilot ang kamao. Tumingin siya sa anak na nagdurugo ang labi at ilong. He went close to him but Midas crawled away from him.

"Where are you going? We still have something to talk about. In our torture room. Something.to.talk.about."

Inapakan niya ang mukha ni Midas. Nagwala si Gwynedd habang dinadala siya ng mga tauhan ni Larry sa itaas.

"Start praying and calling all the Gods in every religion because I'm telling you," diniinan niya ang pagkakapaapak sa mukha nito. Midas groaned.

"NOBODY'S GOING TO SAVE YOU, MY GOOD SON."




"Ma, nandito na po ako," sabi ni Kalonice at pumasok sa loob ng kanilang bahay. Dumiretso siya sa kusina at ipinatong ang mga dala niyang plastic sa lababo. Tumingin siya aa paligid.

"Ma?" tawag niya ulit at lumabas sa kusina. Umakyat siya. Nakita niyang bukas ang pinto ng kaniyang kwarto.

Siya'y naestatwa sa kinatatayuan nang tumambad ang napakagulo niyang kwarto sa kaniya.

"M-Ma!?"

Pumasok siya sa loob. She checked every corner of her room. Her cabinets are opened and so her drawers. She checked her things and found out that her jewelries are missing, ganun rin ang bank book niya kung saan nakatago ito sa loob ng kaniyang maleta.

"ALI!? FRANCIS!? MA!" Malakas niyang sigaw at pinuntahan ang kwarto nila Ali at Francis, ngunit wala siyang naabutan.

Nalaglag ang kaniyang panga at ito'y natutop.

"MA!" Malakas niyang sigaw at napaluhod. Nagsitulo ang kaniyang mga luha.

"ALI! FRANCIS! AAAAAHHHH!!!" Nasabunutan niya ang sarili at nasuntok ang hangin.

They're gone. Her siblings are gone. Rita have them. She brought them with her, para sila ang gawing pambayad sa kaniyang mga utang.


"PAPATAYIN KITA, MAMA!" Hagulgol ni Kalonice at tumayo. Nagmamadali siyang bumaba, dumiretso siya sa kusina at kinuha ang malapad na kutsilyo. Lumabas siya at tumungo sa guard house.

"Kuya! Kuya, nakita niyo po ba ang mga kapatid ko? Kuya, kinuha po sila ng Mama ko! Tulungan niyo po ako! Kuya, tulungan niyo po ako!" Halos lumuhod siya sa harap ng mga ito.

"Ma'am, nakita po namin ang Mama niyo na dinadala ang mga kapatid niyo. May sumundo po sa kanilang van kaya hindi na po namin naabutan. Pare, tumawag ka na ng pulis! Sa Silangan sila tumungo. Paabangan mo! Iche-check ko ang plate number ng van para maipaalam agad sa mga pulis, dali!"


Tumigil sa pag-iyak si Kalonice. Tumingin siya sa hawak na kutsilyo. The knife reflected her face. Umangat ang sulok ng kaniyang labi.

"Ma'am, ito po!" tawag sa kaniya ng guwardiya.

Lumapit siya sa guwardiya at tiningnan ang monitor ng computer. Izinoom nito ang litrato sa plate number ng van na agad niya namang nasaulo. Ngumiti si Octavia sa kanila. Nagtinginan ang mga guwardiya sa isa't isa, dahil parang kanina lamang ay naghihisterikal ito ngunit ngayon ay napakakalmado.

"Thank you, boys. May I borrow that?" aniya at itinuro ang lumang motor na nakaparada sa tabi. Tumango ang may-ari at ibinigay ang susi sa kaniya. Binigyan niya ito ng pera nilamg kapalit at ito'y sinakyan.


Tumungo siya sa silangan kung saan hindi umano dumaan ang van. She overtake the ones ahead of her, reaching the forbidden speed limit of traffic law.

Nalampasan niya ang mga pulis na sa palagay niya ay silang rumesponde sa sumbong ng mga guwardiya.


Pinaningkit niya ang mga mata. Napangisi siya nang makita ang van. Sinabayan niya ito at tinanaw ang mga nasa loob. Nanlaki ang mga mata ni Rita. Naghihisterikal nitong pinagmadali ang driver hanggang sa nagtalo na silang dalawa.


Inunahan ni Octavia ang van at huminto sa harapan nito. Malakas niyang itinapon ang kutsilyong dala sa salamin nito. Ito'y nabasag at agad na tumarak sa noo ng driver. Nailiko nito ang manibela at nagdire-diretso sa mga batong humahati sa mga linya.

Bumaba si Octavia sa motor at lumapit sa van. Bumukas ang pinto nito at lumabas ang magkapatid na Ali at Francis. Umiiyak ang mga ito habang tumatakbo palapit sa kaniya. Lumabas si Kalonice at sila'y sinalubong ng yakap.

Mahigpit niyang niyakap ang mga kapatid. Takot na takot ang mga ito at hindi mapatid sa kakaiyak. Dumating ang mga pulis at pinalibutan ang van. Hindi nagawang makatakas ni Rita at agad siyang pinosasan.

Pinanlisikan ni Kalonice ng mga mata si Rita bago ito sinugod at sinabunutan.

"Naniwala ako! Naniwala ako sa iyo, Rita! Sabi mo magbabago ka na! Pinaniwala mo ako! Demonyo ka! MABULOK NA SA KULUNGAN!" Pagwawawala niya at kimalmot-kalmot siya. Wala namang magawa si Rita. Hindi siya makapalag dahil nakaposas patalikod ang kaniyang mga kamay.

Pinaghiwalay silang dalawa ng mga pulis.

Binalikan ni Kalonice ang mga kapatid at sila'y mga niyakap.

"I'm sorry, Ali, Francis. Patawarin niyo si Ate. Nagkamali ako. Patawad. Patawad..." Lumuhod siya sa harap ng mga ito at sila'y hinawakan sa mga balikat.

Pinanood niyang dalhin ng mga pulis si Rita sa loob ng kotse. Muli niyang niyakap ang mga kapatid at inigting ang panga. Nagsisisi siya. Tama nga sina Midas at Caedmon. Dapat ay naniwala siya sa dalawa. Dapat ay nakinig siya at hindi pinairal ang kaniyang puso. Mabubulok si Rita sa kulungan ay sisiguraduhin niya ito.

Midas' Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon