EPILOGUE

126 8 0
                                    

Iminulat ni Midas ang mga mata. Tumambad sa kaniya ang pamilyar na kisame. Tumingin siya sa paligid at napagtantong nasa kwarto niya pala siya. Napansin niya rin ang tangke   ng oxygen sa kaniyang tabi at ilang makina.

Inalis niya ang mga ito at bumangon. Lumabas siya ng kaniyang kwarto at bumaba. Napakatahimik. Nabibingi siya sa katahimikan. Para bang may namatay na hindi niya maintindihan.

Wala ang mga katulong. Wala rin ang kaniyang mga magulang. Tumingin siya sa oras. Magtatanghali na. Nasa kumpanya kaya ang mga ito? Bakit walang kalaman-laman ang kanilang bahay? At nasaan din ang kaniyang mga kapatid? Nasaan ang kaniyang ina?

Tumungo siya sa pinto at ito'y binuksan. Natigilan silang pare-pareho nang makita ang isa't isa. Gulat na gulat ang mga ito ngayong gising na siya, habang siya naman ay nagtataka dahil sa suot nilang puti. All of them are wearing white, eyes are swollen and red.

"Where have you been? And...what's with that get up? I am not dead?"

Hindi sumagot ang mga ito. Yumakap si Laryen sa hita ni Gwynedd at muli na namang umiyak.

Hinawakan ni Larry ang kaniyang balikat. Nagulat siya nang hilahin siya nito at mahigpit na niyakap. Naguguluhan siyang tumingin sa ina niyang nakaiwas ng tingin habang pinupunasan ang mga luha.

"Kalonice... Kalonice is dead, Midas. She's gone..." Garagal na bulong nito sa kaniya na siyang ikinatulala niya.

Naitulak niya ang ama.

Bumilis ang kaniyang paghinga. Hindi makapaniwala siyang tumingin sa mga ito. Natakpan ni Gwynedd ang bibig at tumango upang sabihing totoo ang mga sinabi ni Larry.

"Y-You're kidding me. You're kidding me!"

Hinablot niya ang susing hawak ni Larry at tumakbo patungo sa kotse. Agad siyang sumakay dito at umalis. Tumutulo ang kaniyang mga luha habang pinapaniwala ang sarili na hindi iyon totoo. Ayaw niyang maniwala. Hindi pwedeng mawala si Kalonice. Magkasama pa sila kanina. Masaya. Kaya paanong mawawala ito?

Nakaabot siya sa sementeryo. Hinanap niya agad kung saan may bagong libing. Naihinto niya ang kotse nang makita ang mga pamilyar na mukha. Siya'y bumaba at natulala sa kanila.

Una siyang nakita ni Caedmon. Kumuyom ang kaniyang mga kamao nang siya'y makita. Unti-unti siyang lumapit. Napansin niya si Octavius na nakaluhod at hindi gumagalaw. Tinapik ni Cain ang balikat ng kaibigan. Tumingala ito bago lumingon kay Midas. Siya'y napatayo at tumabi.

Midas saw Kalonice's picture above the tomb. She was smiling beautifully, sweetly.

"Kalonice... Kalonice... KALONICE!!!" Malakas niyang sigaw at napahagulgol ng iyak. Lumuhod siya sa harap ng libingan nito at hinawakan ang kaniyang lapida. Halos mabaliw siya sa kakaiyak at pagsigaw nang makita ang pangalan ni Kalonice roon. Kinuha niya ang kaniyang litrato at mahigpit itong niyakap.

"WHY! PLEASE, NO! KALONICE! KALONICE, NO! AAAAHHHHHH!!!! WHAT HAPPENED! WHY IS SHE DEAD!? WHY!?" Tumingin siya sa mga taong nasa kaniyang paligid.

Sumubsob siya sa lapida ni Kalonice at nagpatuloy sa pag-iyak. Larry came alone. Hindi na niya isinama ang asawa't mga anak. Agad niyang nilapitan ang anak na naka-hospital gown pa.

"Why! Who killed her! Who killed Kalonice! Why!" Sigaw nito habang nagdadalamhati. Dinamayan ni Larry ang anak at pilit itong itinatayo palayo sa puntod ni Kalonice but he refused.

His left hand was holding her picture for he use his right hand to dig the soil again.

"MIDAS! STOP THAT!"

"NO! NO! KALONICE IS ALIVE! SHE'S ALIVE! I CAN HEAR HER! SHE'S CALLING ME! KALONICE! KALONICE! HOW DARE YOU BURY HER! KALONICE! HOLD ON! KALONICE, I'M HERE! I'M HERE!" Sigaw niya at nagpatuloy sa paghuhukay, hanggang sa dalawang kamay na ang ginamit niya.

Midas' Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon