11

1 1 0
                                    

Naupo ako sa bench nung tuluyan ako iniwan ni jiyeon. "pambihira" i scoffed. bumalik na ako sa dorm dahil nawalan rin naman na ako ng gana kumain pa. pagkarating ko ng dorm ay nahuli ko ang kawal ni jiyeon na lumabas sa kwarto ko. "anong ginawa mo sa kwarto ko?" agad kong tanong sakanya at pinagliitan ito ng mata. "wala" simpleng sagot niya at nagmartsa paalis. sinundan ko ito ng tingin. "wala raw..tsh!" bulong ko at pumasok ng kwarto. hinanap ko ang spell book ko at hinanap ang spell para makita ang mga kaganapan dito simula nung umagang wala ako.

"ito" bulong ko at chinant ang nabasang spell. pinanood ko iyon simula nung umaga hanggang sa pagpasok ng kawal ni jiyeon. may hinahanap ito sa kwarto ko. natigil iyon nung pagkapasok ko sa kwarto. "anong hinahanap nun?" tanong ko sa sarili ko. "ingatan mo ung pin mo ah, laging mong suotin yan" rinig kong sinabi ni dongmyeong sa utak ko. unconsciously hinawakan ko ang pin sa may braso ko at kinuha iyon. naalala ko rin ang sinabi ni jiyeon tungkol sa pin na ito, at ang sulat ni mama..

lumabas ako ng kwarto at kinatok ang pinto ng kwarto ni jiyeon. "jiyeon! jiyeon!" tawag ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto nito. masa ang tingin niya sa akin nung pagkabukas niya ng pinto. "ano?!" she small yelled. "ung kawal mo ba pinagkakatiwalan mo talaga?" tanong ko. tinaasan niya ako ng kilay. "sa purple castle ito nagmula, simula nung nakoronohan ako bilang prinsesa ng buong isla, siya na ang naging kawal ko. bakit?" mahabang niyang sinabi. umiling ako, "pinagkakatiwalan mo ba talaga siya?" tanong ko ulit. "kawal ko siya kaya di niya kaya gumawa ng masama" aniya. bumuntong hininga ako at bumalik sa kwarto ko.

kinuha ko ang box sa drawer ko at nilagay doon ang star na nakuha ko sa skilled test kanina. kinuha ko ulit ang spell book dahil di na ako kampante sa kawal ni jiyeon. nagdagdag ako ng proteksyon rito sa kwarto ko, lalo na at gabi. matutulog ang lahat kaya dapat mas doble inggat. pagkatapos ko lagyan ng protection ang kwarto ko ay pumunta na ako ng banyo para maglinis at magpalit ng pantulog.

.

.

kinabukasan nagising ako ng maaga ang bumungad sa akin ang magulong kwarto. ang mga libro ko ay nagkalat sa lapag. bukas ang closet ang ang drawers ko. "sh-" i cursed at sabay kuha ng box sa drawer. nakahinga ako ng maluwag nung makita nandun pa ang mga nakuhang stars. ang pin ay nasa ilalim nun, ay nandun rin kaya agad kong niyakap ang box na iyon.

napabuntong hininga ako at niligpit ang mga nagkalat na libro. "kung sino man ang nakapasok rito.." bulong ko habang inaayos ko ang mga libro. pagkatpos ko mag rant habang nagaayos ay naghanda na ako para sa klase.

bago ako lumabas ng dorm ay nilagyan ko ulit ng lock spell ang kwarto ko para wala ng makapasok na ibang tao. "oh, bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kawal ni jiyeon. nakasalubong ko kasi siya. di niya ako sinagot bagkus ay naglakad lang ito palabas ng dorm. "ang weird mo kahit kaylan" inis kong bulong saka naglakad papuntang unang klase.

"congrats sayo!!" bati sa akin ni hyeop, sila ang nakakasama ko tuwing archery lesson, tapos si alex naman tuwing kay miss hyuna. magsasalita na sana ako kaso may lumapit na babae saamin. "uy, congrats alex.." masaya nitong bati "at sayo rin" sabi niya sa akin, tulad ni alex ay naka purple overall ito. "salamat ate yeonhee" sabi ni alex. "kayong dalawa pagsikapan niyo na," sabi nito at tinuro si hyeop at si minseo. "mahirap kaya ung amin.. palibhasa malapit ka na makapasok sa competition." ngusong tugon ni minseo. "sus, drama ka pa!" ginulo ni yeonhee ang buhok nito.

napangiti ako sakanila. kasama rin pala namin si yeonhee kay miss hyuna, siya yung tinawag nito nung nakaraan. kaya pala mukha siyang pamilyar. at sila rin yung tumakbo para icongratulate si juri. "uy ayan na yung trainer" sabi ni yeonhee kaya tinigna ko ang usual na pwesto ni jiyeon. pero nadismaya ako na hindi siya ang nakatayo roon ngayon. "trainer jiyeon is not here today, ang sabi niya nagawa niya na ang dapat niyang gawin. di ko lang sure kung babalik pa siya o hindi na." explain nito. "im the countess in purple castle," she introduce and i heard yeonhee gasp. "countess sulli?" patanong nitong bulong, sakto para kami lang ang makarinig.

"i heard my name, who said it?" sabi ng babae pumalit kay jiyeon. nagtaas ng kamay si yeonhee at nahihiyang ngumiti. napangiti naman ang babae, yung ngiti pati mata ay parang nakangiti rin. "tama, im countess sulli. you may call me trainer ssul dahil nandito tayo sa training ground. pero outside, im countess sulli for you" mahabang explain niya. i raised my hand at nag excuse. "san ka pupunta?" bulong na tanong sa akin ni alex habang kinukuha ko ang gamit ko. "may titignan lang ako." palusot ko at umalis na.

kung wala rito si jiyeon, dapat wala rin ang kawal niya dahil malang kawal niya yun. bakit naman maiiwan ang kawal na iyon dito, dapat kung nasaan si jiyeon ay nandun rin siya.

"xion!" rinig kong tawag sa akin ni cya na kasalubong ko pero di ko iyon pinansin at dumeretso sa dorm namin. nilaksan ko ang pakiramdam ko pagkapasok pa lang ng dorm. "nandito ka ba?" tanong ko at hinanap siya. "huy, sino hinahanap mo?" tanong ni cya, di ko namalayan sinundan niya pala ako. "huli ka." ngising kong tugon at nagaim sakanya ng arrow. "harap dito." tugon ko doon sa kawal ni jiyeon, sinunod naman niya ako. tinignan ko ito sa mata. bago pa ito kumilos ay pinalipad ko ang arrow sakanya. "sira ka ba-" di na natuloy ang panenermon sa akin ni cya nung nakita niya rin ang buan. "isang buan.." bulong nito. nagkatinginan kami ni cya at para bang nagusap ang mata namin at parehas ang tumatakbong plano sa utak namin.

"cya, di nakakapagsalita ang mga buan?" tanong ko rito habang mabilis naglalakd papuntang opisina ng mga reyna. "tama," aniya. natigil kami nung narating namin ang opisina nila. si cya ang kumatok. naabutan namin na naguusap ang mga reyna, nandun rin ang head mistress jieun. "ano iyon,?" tanong ni reyna yongsun. nagkatinginan at nagkaturuan pa kami ni cya.

"si jiyeon ho nasaan?" pagaalinlangan kong tanong. queen hwasa and queen moonbyul smile playfully. agad ko naman shinake ang kamay ko at umiling, "hindi ho, ang ibig kong sabihin-" naputol ang pageexplain ko nung nagsalita si head mistress jieun. "bumalik na ito. pero babalik naman daw siya" aniya. "kasama niya ang kawal niya kung ganun" tangong sinabi ni cya.

"bakit ba ganyan kayo? ano ang nagyari?" tanong ni reyna wheein. i lick first my lower lip before magsalita. "may buan na umaaligid sa dorm namin. nag-anyo ito bilang kawal ni jiyeon, kanina" sabi ko. "kung ganun ay marami na sila rito. tama lang na nailagyan na agad natin ng proteksyon ang training ground" tango ni queen yongsun. sumang-ayon sakanya ang tatlong reyna.

"may tanong ho ako, paano niyo malalaman kung ito ay isang buan o nagpapalit anyo lamang?" tanong ko. "di sila nagsasalita. may makikita ka na imperfection sakanila. kung weird ang kilos nila, malamang buan na iyon na nagpalit o nangaya ng anyo." sabi ni queen wheein. "ang pagpapalit ng anyo ay mahirap. usual ang mga nasa red castle ang katangian na ito, pero limit ang may kaya ng kapangyarihan na iyon." explain ni queen hwasa. "maari nilang gayahin ang anyo ng isang tao, ang prinsesa kei ay may ganitong kapangyarihan kahit hindi siya nagmula ng red castle." dagdag pa nito.

bago kami lumabas ni cya sa opisina nila ay yumuko muna kami. naglabas ako ng buntong hininga. "cya, wag mong sasabihin to kahit kaynino ah." sabi ko. "punta tayo dun" aya ko sakanya. pumunta kami sa mapunong bahagi ng training ground. nagbabakasakali ako na nandun pa rin ang ibon na nakita namin ni dongmyeong nung nakaraan, ang ibon na sinumpa ni jiyeon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

OneWhere stories live. Discover now