AGUEDA LOUCIANNE IZABELLELumipas ang mga araw na unti-unti na akong nasasanay sa gawaing pang opisina. Maganda naman pala, hindi masyado nakakapagod pero namimiss ko na magsuot ng uniform ko na may scarf, makipagplastikan sa mga pasahero at maghila ng maleta.
Napabuntong-hininga na lang at tumanaw sa dagat. Nandito ako ngayon sa probinsya ni Manang, sumama ako kahit ayaw niya ako isama. Thrice in a month lang siya nakakauwi dito, doon siya saamin dahil nakakapagod naman kung kung uuwi siya dito, araw-araw. Ang layo pa naman. Wala namang problema sa kompanya kaya sumama ako sakanya, ayaw ko naman kasi upo ng upo at pirma ng pirma. Nakakabagot.
Kasama ko din si Miggy dahil hindi pa sinama nung nanay dahil pupuntahan pa raw sila. Ginawa niya na talaga ako na babysitter ng anak niya. Mabibigla rin kayo kapag sinabi kong nandito din ang anim na mga gago. Sumama din sila nung malaman nila na sasama ako kay Manang Hulya pauwi dito sa probinsya niya. Mag-outreach program daw sila. Parang talkshit pero tignan na lang natin kung totoo ba iyon.
Syempre tutol ako nung una kasi saan naman sila matutulog, sakto lang naman kasi sa pamilya ni Manang ang bahay niya at isa pa panggulo lang sila. Wala akong nagawa ng pumayag si Manang pati na rin ang magulang ko. Pinagkaisahan na nama nila ako.
Ngayon, naliligo sila sa dagat kasama si Miggy at ibang anak ni Manang. Ako nakaupo lang sa maliit na kubo na ginawa ng asawa niya. Madami silang nakatira dito sa tabing-dagat, at parang gusto ko na din magpatayo ng bahay dito. Ang ganda kasi at presko pa, malayo sa pollution at toxic. At hindi din mga plastik ang tao.
Narinig kong naghiyawan sila ng umahon si Attorney. Hindi ko mapigilan na tumitig sakanya, kanina nakasuot pa sila pare-pareho ng damit na pare-parehong puti rin tapos trunk shorts. I stared at his face, he looks so good when he has this wet disheveled hair, but my eyes began to around his body, lalo na sa abs niya, may eight pack abs ang fafa. I don’t know how he managed to work out when he had always a busy schedule. Akala ko kung saan lang siya pupunta pero nagulat ako ng tumapat siya saakin. Tumingin ako sa malayo. Huhuhu parang hihimatayin ako sa presensya ngayon ni Attorney.
"A-Ano bang g-ginagawa mo d-dito? M-Maligo ka na doon..." pagtaboy ko sakanya. Kulang na lang itulak ko siya para umalis siya sa harapan ko. Nahihirapan ako magsalita, ewan ko ba kung dahil ito sa nakita ko ang abs niya o mayroon pang iba.
Huwag ngayon Attorney, nakakarupok yang mga abs mo. Baka hindi ko mapigilan at kainin ko yan. Napakagat labi na lang ako sa biglang pumasok sa isip ko.
"Why?" walang kwentang tanong niya. Para saakin walang kwenta yan.
"B-Basta! Umalis ka na sa harapan ko!" tinulak ko na siya pero hindi naman siya natinag. Nakatayo pa din siya sa harap ko.
"W-What's your problem? Aayain lang naman kitang maligo." may tumulo pang tubig dagat mula sa buhok niya.
"Huwag ka ngang pakialamero... Ayaw ko maligo!" singhal ko sakanya. Wala lang siyang emosyon doon.
"GO ATTORNEY!"
"KAYA MO YAN PRII!"
"BABAE LANG YAN!"
"DALHIN MO NA DITO!"
Narinig kong sigaw nila, sisigaw din sana ako para sitahin sila pero huli na dahil natagpuan ko na lamang ang sarili ko na buhat-buhat ni Attorney na parang sako. Ano pa nga ba? Mabuti na lang at hindi ako nagdududa kung Attorney nga ba siya o kargador.
"Huy! Ibaba mo nga ako! Ayaw ko sabi maligo!" pinalo ko pa yung likod niya at kinagat ang tenga niya. Siniguro ko naman na hindi siya masasaktan sa kagat kong yun, baka kung ano pang mangyari sa tenga niya kapag nagkataon.
YOU ARE READING
Skies Of Mistakes
Художественная прозаAgueda makes an effort to hunt an attorney because it is her job at Juego de Caza. While she is in a restaurant, a man in a suit becomes her new target. Attorney Ezekias that despises meddling in other people's lives. But Agueda's job is to get him...