CHAPTER 21

117 7 0
                                    

Nagising ako dahil sa sakit ng katawan. Mas masakit to kaysa nung naramdaman ko noong nasa probinsya pa kami nila Manang. Ang bawat paggalaw ko sa higaan masakit. Hindi ko na muna pinilit ang sarili kong bumangon, kasi hindi ko talaga kaya. Para akong nasagasaan. Pinikit ko na lang ang mata ko ulit. Iniisip ko kung paano ba ako makakatayo ng hindi nakakaramdam ng sakit.

At sa pagpikit ko ding iyon naalala ko kung ano ang nangyari kagabi. Matapos ng sinabi ni Ryker or Ry, tumakbo kaagad ako sa counter para kuhanin ang inorder kung cake at bumalik na sa couch kung nasaan sila Ezzy. Kinakabahan talaga ako sa sinabi ng Ry na yun.

What on earth he knows that I'm a cazador? Is he one of us? Kabilang ba siya sa organisasyon ng Juego De Caza? How come I didn't know him? Hell! Hindi ko nga naman pala kinikilala ang bawat myembro ng organisasyon na yun.

Pagbalik ko sa kinaroonan nila Seph na dala ang cake nagsimula na yung party talaga namin. Mas wild pa kaming pito kaysa doon sa mga nasa dancefloor, naririnig naman kasi ang tunog dito kaya nagsasayaw kami. Nilamutak pa namin yung cake. Nagpaserve pa si Seph ng ilang case ng mga inumin, mga hard liquior pa. Tinamaan na talaga ako ng alak.

"Hey, let's rest." Kinagat ni Ezzy ang tenga ko bago bumulong. Tumango naman ako. Sa aming pito, bukod sa aming dalawa ni attorney, dalawa na lang ang nakatayo, knock-out na yung tatlo.

Before we stand-up on our sit, we kissed and the next thing I know nasa kwarto na kami, ginagawa ulit kung ano ang ginawa namin sa kotse niya kanina.

Pinilit ko bumangon sa kama at kinuha ang damit ko na nakakalat na lang sa sahig. Medyo nalukot na yung na yung damit ko pero keri lang, kailangan ko muna magdamit, nilalamig na ako eh. I'm naked right now, yung comforter lang ang nakabalot saakin. Si Attorney Ezzy, hindi ko alam kung nasaan na. Wala na siya dito pagmulat ko at mukhang wala ding tao sa labas. Nagkakalat pa din sa sahig ang ginamit namin an condom, ayoko na bilanggin basta ko na lang yun pinulot at tinapon sa basurahan bago pumasok sa cr.

Nagbihis lang ako at naghilamos, hinanap ko yung pouch ko at natagpuan ko yun sa ilalim ng kama. Pahirapan pa ako sa pagkuha kasi ang sakit nga. Tinawagan ko na lang yung driver namin na sunduin ako, ayoko magdrive nanghihina pa ako. Basta ang alam ko nasa isang condo kami, but I bet kay Attorney Ezzy na condo ito.

Paglabas ko ng kwarto ko, nagtaka ako sa naabutan ko. Akala ko wala na talagang tao pero nandito sila, si attorney lang ang wala. Nakayuko silang lahat na animo'y nagdadasal.

"Wow! Hindi ako inform na nagkakaroon pala ng prayer meeting after ng party," sarkastiko kong sambit kaya kaagad silang napalingon saakin.

"Agueda..."

"Ohh. Ba't parang gulat kayo na makita ako dito? Nakalimutan niyo bang nandito din ako kagabi?"

Naglakad ako papunta sakanila, may isang cup ng starbucks sa lamesa kaya kinuha ko na at ininuman. Mabuti na lang at hindi na yun ganoon kainit at wala akong pakialam kung kanino man yun, hindi pa naman ako mamamatay sa laway nila. Muntik ko ng mabugahan si Seph ng may sabihin siya.

"Agi, ayos ka lang?... Ba't parang pipilay-pilay ka? Anyare sayo? Sa pagkakatanda ko wala kang injured kagabi nung pumunta ka dito."

Hindi ko alam kung ano isasagot ko sakanya, ayaw ko naman sabihin na may nangyari ulit saamin ni attorney. Habang nag-iisip ako ng idadahilan sumabat si Jos.

"Nadulas ka kagabi ano? Nakarinig kasi ako ng may lumagapak sa kwarto na yan kagabi.... Ayos ka lang?" Kamot batok niyang saad pero parang gusto kong sabihin na hindi nadulas dahil kami ni Attorney yung lumagapak, nahulog kami sa kama kagabi, isa pa yun sa dahilan kung bakit masakit ang katawan ko.

"H-Ha? Oo eh. Nadulas ako sa cr kagabi. Ang panget nga ng bagsak ko mabuti na lang nakakalakad pa ako ngayon." Sinakyan ko na lang siya. Wala na akong maisip na idadahilan.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now