Chapter 16

13 4 0
                                    


10 years later, year 2031...

PAPALABAS na ako ng bahay ng tawagin ako ni nanay. "Nakalimutan mo 'tong packed lunch mo, 'nak!" sigaw ni nanay.

Bumalik naman ako at kinuha ang packed lunch ko. Maaga pa pero kailangan ko nang lumakad dahil baka ma-traffic pa ako papunta sa Manila kung nasaan ang work ko.

"Thank you, 'nay," I said and kissed her on her cheek. "Alis na po ako." Tumango naman siya. Sumenyas ako kay tatay na nakaupo sa sala.

"Ingat, 'nak,' saad niya. "May allowance ka pa ba? Gusto mong bigyan kita?"

"'Wag na po, 'tay. Marami pang natira sa sweldo ko."

Many things have changed in the past ten years. I graduated college and I am the Magna Cum laude of our batch. May trabaho na rin ako at isa na akong Architect.

The most important event that happened in the past is the reconciliation of me and my father. After years of having unspoken beef with each other, nagkabati na rin kami. Nagbago na talaga siya. In fact, naging close pa nga kaming dalawa ni tatay matapos naming magkabati.

Umalis na ako sa bahay at nag-commute papunta sa work ko. Araw-araw akong nagco-commute papunta sa work dahil wala naman akong kotse. Buti na lang at may transportation allowance na binibigay ang company.

Hindi muna ako dumiretso sa office. Pumunta muna ako sa coffee shop na nasa ground floor ng building na pinagtatrabahuhan ko.

"What's your order, sir Aiden?" tanong ng babaeng barista.

Dahil sa lagi kong pagpunta dito, naging ka-close ko na rin ang employees nitong coffee shop.

"One americano please," I said to her and smiled.

She blushed. Hindi naman na lihim sa akin na may gusto siya sa 'kin. She confessed her feelings to me, but I said that I can only offer her friendship.

Aminin ko man o hindi, may tinitibok na ang puso ko. First love never dies, I guess.

"Sir, nabalitaan mo na ba na may bago kayong katrabaho?" sabi niya habang ginagawa ang americano ko.

"Really? Nakilala mo na ba?" tanong ko.

Tumango-tango naman siya. "Oo, sir. Ang ganda nga, eh! Akala ko nga artista kasi pang-artista 'yung ganda. Madilat 'yung mga mata tapos parang anghel."

Tumango-tango naman ako. Hindi ako interisado kung may bago man akong katrabaho, pero may taong pumasok sa utak ko nang i-describe niya ang tinutukoy niyang bago kong katrabaho.

"Nandoon siya, sir, oh!" Tinuro niya pa ang isang table sa may corner ng shop. Hindi ko makita ang mukha ng tinutukoy niya dahil nakatalikod ito sa amin.

"Ito na ang order mo, sir." Iniabot niya sa akin ang order kong americano.

Lumabas na ako ng shop. Isang tingin pa ang ibinigay ko sa magiging katrabaho ko, ngunit hindi ko na naman makita ang mukha niya dahil nakatalikod na naman siya sa akin.

I went to my cubicle. May tatlong meeting pa ako mamaya kaya inayos ko na ang mga kailangang papeles.

I am making a digital blueprint when my supervisor summoned me. "Aiden, pwede bang ikaw muna ang mag-tour sa bago nating interior designer dito sa buong building? May urgent na gagawin pa kasi ako kaya hindi ko siya masasamahan," paki-usap niya.

"Okay lang, Ms. Pat. Mamaya pa naman ang meeting ko," sagot ko at nginitian siya.

Mahina niyang hinampas ang balikat ko. "Sabi ko naman sa 'yo na 'wag mo na akong i-'miss.' Limang taon lang naman ang tanda ko sa 'yo at parang magkapatid na tayo, 'no!"

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon