A/N: Sorry po if may wrong typos.....sana po maintindihan nyo....😁😁😁Takbo............yan lang ang ginawa ko. Patuloy lang ako sa pagtakbo na parang wala nang bukas. Kailangan kong takasan ang mga humahabol samin.Pero bakit........................,.............................
Bakit nila kami hinahabol?
Sino sila? Ano bang kasalanan namin?............."Ericka! ano na bang gusto mong gawin ko sayong bata ka!. Puro ka na lang sakit sa ulo. Ginagawa ko naman ang mga gusto mo......binibigay ang pangangailangan mo....ba't naman ganto...." napahilot pa si Dad sa noo nya.
Animo'y isa akong malaking problema. Ako naman ay patuloy lang sa pagpapanggap na akala mo'y di nakakarinig.
'Well......ganyan naman sya parati. Ano pa bang aasahan ko?. Bukod sa wala eh wala talaga......'
"Ipinatawag ako kanina sa school nyo......" Napabuntong hiningang aniya.
Tsk.......alam ko.....Parati namang ako ang dahilan nyan.
"At bakit mo naman ginawa yun? Bat mo inumpog sa pader ang kaklase mo.......??" nagpipigil na sabi nya.
Andito ako sa kwarto.......nakahiga at nakatitig sa kisame.
Habang si Dad naman ay nasa may gilid ko........nagsesermon. Na paulit-ulit nyang ginagawa."Its her fault Dad..." katwiran ko.
Totoo namang kasalanan ng babaeng yun ang lahat, kaya dapat lang yun sa kanya."Its her fault?!?!?!. My god Ericka!.....kasalanan na pala ngayon ang mag tanong kung nasaan ang answer sheet nya" di makapaniwalang aniya.
Napairap ako sa inis.
Ano pa nga bang aasahan ko?...palagi naman akong Mali."Dad......Hindi sya nagtatanong........she's accusing me..." katwiran ko pa kahit alam ko na kung saan ito papunta.
Well.............sanay na ako. Actually kakauwi lang ni Dad ngayon.....dapat eh pagod sya pero ayan sya't nakapamewang pang nagsesermon. "My gosh Ericka.......di sana nag paliwanag kang wala sayo.....Hindi yung inumpog mo yung bata....ayun........nasa hospital pa hanggang ngayon. Mabuti na lamang at under age ka pa. Kung hindi eh sana nakulong ka na sa ginawa mo.."
"Why Dad? Papayag kang makulong ako?.. Dapat nga magpasalamat sya't naospital lang sya.....di pa sya natuluyan." napapairap na sabi ko. Napabuntong hininga si Dad at muli nanamang napahilot sa sentido nya. "Damn Ericka!ba't ba ganyan kang mag isip! I can't believed you..... Kung kelang lumaki ka eh saka ka naman maging maloko.... kailan ka ba babalik sa katinuan!?".
Unti-unting nabalot ako ng inis.. Muling bumalik sa aking alaala ang nangyari. Bumaha ang emosyon kong sinusubukan kong malimot. Padabog akong bumangon at tinitigan sya ng masama. Kita ko naman ang gulat nya sa inasta ko. Di ko nga maintindihan kung ba't nagugulat pa sya. Parang bago pa sa kanya to ah..
YOU ARE READING
DAWN SEEKERS (Completed)
Mystery / ThrillerIsang grupo ng kabataan ang naisipang mag camping upang mabawasan man lang ang stress nila sa kanilang buhay. Pero hindi nila inaasahang may mas nakakastress pa sa mga problema nila.......... At yun ay ang pagtakbo upang mailigtas ang sarili nila. A...