Kate's POV
Hindi pa man sila nakakalapit sa amin ay alam ko na ang nasa isip ni Lance. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at hindi nga ako nagkamali ng hinala. Nawala ang malawak na ngiti sa mga labi niya. Siguradong hindi niya nagustuhan ang nakikita niya ngayon.
"Hi Kate! Ang akala ko ay kung napano ka na. Ilang minuto lang akong nawala sa bar tapos pagbalik ko ninakaw ka na sa amin." Sabi ni Kath. Yes sila Kath nga ang dumating dito. Kasama niya sila Mike, Lexie at Charm.
"Hi there! My rumored fiance." Bati ni Kath kay Lance. Pareho silang nakashades kaya naman hindi ko makita ang mga mata nila. "I didn't know you have the guts to steal someone away from me." Dagdag pa niya.
"What do you think you're doing here? Get lost. I don't want to see you." Lance is so rude. Hindi ko gusto ang mga sinabi niya. Boss ko si Kath at magkaibigan rin kami.
"Excuse me lang ha? Anong get lost? Baka gusto kong makatikim neto?" Iniharang ni Lex ang kamao niya kay Lance. Nalimutan kong may galit pala sila kay Lance dahil sa ginawa niya sa akin noon.
"Oo nga. Eto din. Kambal na suntok ang makukuha mo sa amin." Segunda naman ni Charm.
Napakamot na lang sa ulo si Lance. Inalis niya ang shades niya at tumingin kay Mike. Wala namang magawa si Mike kundi ang lumapit sa boss niya at magpaliwanag.
"I'm sorry Sir. I failed my mission. Hindi sila pumayag sa plano niyo." Narinig kong bulong ni Mike kay Lance. Gusto kong maawa kay Mike pero gusto ko ring matawa sa itsura niya ngayon. Para kasi siyang naipit sa pagitan ng dalawang tigre na nag-aaway.
"Tama na muna yan. Magpapaliwanag kami ni Lance." Sabi ko. Lahat naman sila ay nakatingin na sa akin.
"Omg Kate! Hindi ko alam na malaki pala ang impluwensya ko sayo. Look parehas tayong may shades!" Masayang sabi ni Kath. Natawa naman sila Lexie sa kanya. Inalis ko ang suot kong shades at saka ako humarap ng maayos sa kanila.
"Kath I'm sorry kasi hindi ako nakapagpaalam ng maayos sainyo. Lex, Charm pasensya na dahil hindi ko na kayo nakontak kanina. Ang totoo niyan kasama ko si Lance ngayon dahil nagbalik na ang alaala niya." Paliwanag ko.
"What happen? Is he sick?" Si Kath ang unang nagtanong. Hindi ko pala nasabi na nagka amnesia si Lance.
"Naaksidente kasi si Lance three years ago. At nang magising siya nawala ako sa alaala niya. Pero ngayon muli ng nagbalik lahat sa memorya niya ang lahat tungkol sa akin." Sagot ko sa tanong ni Kath. Nagpatuloy ako sa paliwanag ko hanggang sa masabi ko sakanila ang lahat pati na ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon. Nakita ko naman na hindi kumbinsido sila Lex sa mga sinabi ko. Nakashades pa rin si Kath kaya hindi ko alam kung ayos lang sakanya ang lahat ng mga sinabi ko. Magsasalita na sana si Lance nang bigla akong hinila ni Kath palapit sakanila at tuluyan na akong napalayo kay Lance.
"Well, let's see how you can prove your love for her. Girls, " Lumingon siya sa gawi nila Lexie at Charm. "From now on we are Kate's Angels. No matter what happen we must protect her." Sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko ng makitang napasmirk yung dalawa kong kaibigan. Oh no! This is not good. I'm feeling it. Something unexpected is about to happen.
Lance's POV
I expected Lex and Charm to act this way. But Kath is a different story. Talagang iba ang awra nilang tatlo ngayon. I don't know why I'm not feeling good right now. Parang may masamang balak sa akin ang tatlong babaeng ito.
"Kate pasensya na pero hindi pa kami pumapayag na magbalikan kayo ni Lance." Sabi ni Lex na ikinagulat ko.
"What are you saying?" Kunot noong tanong ko.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Cerita PendekSa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...