CHAPTER 43

32 5 0
                                    

CHAPTER 43 - Adios

Maze's POV

"Happy birthday, love!" Kian greeted me, forcing his lips to curve a smile. I looked into his eyes trying to figure out his intention. After a moment, his smiling lips trembled into a miserable smile. Agony and hesitation is evident in his eyes while he is trying to open his mouth for words. But as I try to make a step closer to wrap him in my arms, a tear fell from his eyes. "I-I'm breaking up with you." He said as he slowly let go of my hands while averting his gaze from me.

I felt numb. As much as I want to hug him, I cannot move. My feet is glued sa kinatatayuan ko no matter how hard I try to make one step closer to him. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. I am confused. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko. What is he trying to imply? I want to say something, pero parang walang lumalabas na mga salita sa bibig ko. Hindi ako galit, hindi ako masaya, hindi ako malungkot, pero... Takot ako. Takot na takot akong hindi panaginip 'to.

Napatawa ako bigla dahil hindi ko maintindihan si Kian. Nabibingi na ba ako? Tama ba ang narinig ko? "What the heck, Maxzielle! You're hearing things!" I scolded myself while doing a hysterical laugh.

"Elle, tama na—" Kian whispered at a distance.

Nag-umpisa nang tumulo ang aking mga luha. Sobra akong nasasaktan sa inasta niya. Parang walang tigil na pinapatay ang puso ko. Paulit-ulit na hinihiwa ang puso dahil sa sinabi niya. Maraming karayom ang nakatusok sa puso ko dahil bumitiw na siya. Ang sakit-sakit. Kahit paglapit sa'kin o yakapin man lang ako, hindi na niya magawa.

I closed the distance between us. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumingin sa mga mata niyang nagsasabing hindi ito ang gusto niya. "I'm sorry, what did you say? Tama ba ang narinig kong—" I asked him trying to remain calm and composed, but thinking what I'm going to say next breaks my heart even more. 

Tiningnan ko siya pero hindi ko kinaya. Binitawan ko ang mga kamay niya upang ipahid ang mga luha kong unti-unting nang dumadaloy. Nag-aalangan siyang hawakan ako. Sa huli, hinayaan niya nalang ako. Humagulhol ako ng iyak pero pinipilit ko pa ring manatiling kalmado habang nakatingin sa kaniya. Kinuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang aking luha. Nanginginig ang mga labi ko na halos walang lumabas na boses nang sabihin kong... "Makikipaghiwalay ka na sa'kin? Hindi mo na ba ako mahal?"

He did not answer me at once. Nanatili kaming tahimik. Nakatingin lang siya sa'kin na parang hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Sinusubukan niyang maging matatag at matapang pero alam kong nasasaktan din siya. Alam kong mahal niya pa ako at mahal na mahal ko rin siya. Kaya ko siyang ipaglaban ngunit mukhang ayaw na niya. Wasak na wasak na ang puso ko. Hihintayin ko pa ba ang sagot ni Kian kung alam ko namang pagod na siya? Baka hindi ko na kayanin.

I stepped a step back. Tumalikod na ako sa kaniya. Napahinto ako nang marinig ko ang kaniyang hagulhol.

"I-I'm sorry, Elle." Kian said while facing down. Damn! Sobrang sakit! Nanginginig na ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko siya nilingon. Ayokong makita siyang nasasaktan dahil mas masasaktan lang ako. "Elle—" Kian said between sobs. Nanginginig na ang mga tuhod ko. I might collapse anytime soon.

"Please don't break up with me." I whispered habang nanatiling nakatayo at nakatalikod sa kaniya, nagbabakasakaling magbago ang desisyon niya. I did not manage to stop the tears from flowing from my eyes. Nang hindi siya sumagot, I turned around and tried my very best to walk towards him. I did not mind my trembling knees, ang nasa isip ko lang ay si Kian. Muli kong hinawakan ang mga kamay niya. "Please love, stay with me." I cried, begging desperately. Akala ko magbabago na ang isip niya pero hindi pala. Pumiglas siya sa hawak ko at tinalikuran ako.

Ang Girlfriend Kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon