22

851 55 179
                                    

It was awkward. After that night we never talk about that kissed again..

Pero tang-ina! Ako lang ba?? Hindi mawala sa isip ko at pakiramdam ko nakadikit pa rin ang labi niya sakin..
I can't even look at her without popping that scene in my head..

Tapos ngayon ang araw ng Quiz bee ni Ate. Siya ang nagsabi sa akin na manuod kami, how can i invite her? Kasi sobrang casual na lang kami mag-usap talaga for the past days.. Mag-uusap lang kami kapag mahalaga.

Hindi ko alam kung sino ang umiwas. Ako ba o siya? O baka parehas kami. I'm not sure basta nang umaga ring iyon hindi kami nakapag-jogging dahil parehas kaming tinanghali ng gising. Sunod na araw gising na ako pero tulog pa rin siya kaya naisip kong baka ayaw niyang mag-jogging. Hindi ko na siya ginising nun.. Then, we are never the same like before.

Nag-aayos na ako para sa pagpunta sa Quiz Bee ng pumasok si Shana.. She look at me so i looked away.

"Achi.. Pupuntahan mo ko?.. Bakit?.. San tayo pupunta?.." so upon hearing those words. Alam ko ng hindi ko na siya dapat pang ayain.

May lakad sila ni Achi. Eepal pa ba ako?
Umalis na ako ng kwarto ng hindi nagpapaalam sa kanya.

Dumiretso ako sa venue ng Quiz Bee..
Malaking auditorium ito.

Nakita ko na agad sa stage ang mga podium ng participants. Andun na ang sa ibang school pero wala pa ang sa amin.

Naupo ako sa may gilid at medyo malayo sa stage.
Ilang saglit pa ay nakita ko na si Ate. Seryoso lang siyang tumayo sa podium at hindi man lang tumingin sa paligid.

May timer per question at isusulat ng mga contestant sa white board ang sagot then sabay sabay nilang itataas ang white board.

Sa easy round ay dikit pa ang 12 schools.. Walang gustong magpaiwan sa kanila at hindi mo pa masisigurado sino ang mananalo.

Pagkatapos ng average round ay limang school na lang ang dikit na naglalaban. Currently tabla si Ate at yung isang contestant sa number 2 spot pero di malayo ang lamang ng nangunguna sa kanila.

I wast quietly praying for my Ate. Alam kong pinaghandaan niya ang laban na ito.
And when the quiz bee finally over, my ate grab the gold medal!!

Nag champion ang ate ko!
I am so proud. Nilabas ko ang phone at vinideohan si Ate habang sinasabit sa kanya ang medal.

Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na kumuwala sa mata ko.

I posted on IG the video. I captioned it "Champion ang ate ko!" hindi ko na siya tinag kasi baka magalit siya sakin.

After the event ay umalis na ko. Baka masira ko ang araw ni Ate kapag nakita niya ako.

Nang makapauwi ako sa flat ay bumungad sa akin si Shana pagbukas ko ng pinto..

Pumunta ako ng kanan at dun din siya pumunta, pumunta ako ng kaliwa at ganon din ang ginawa niya.

Fuck! This is so awkward..

I side step and made a way for her.

"Salamat.." mahinang saad niya at lumabas na ng pinto..

Napabuntong hininga ako bago pumasok sa loob..

"May problema ba kayo ni Jelay?" salubong sa akin ni ate Alyssa..

"W-wala.." pagtanggi ko

"Napapansin kasi ng Team na since last week hindi kayo nagpapansinan."

"Sa amin na lang yun. Okay?" pabalang na sagot ko at umakyat na sa taas.

Pake-alam naman nila?! Di naman namin pinapabayaan ang laro namin. In fact, maganda ang connection namin ni Shana last game kaya nga nanalo kami. Tsk

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon