Isang Maikling Kwento

4 1 0
                                    

Sa matagal na matagal na panahon. Naimbento ng mga siyentista ang isang uri ng mataas na teknolohiyang gadyet na kung tawagin ay "Full Dive Virtual Reality Nerve gear" na kung saan ay makapupunta ka sa isang mundong gawa ng teknolohiya. Nagagalaw mo ang iyong sariling katawan sa mundong iyon kahit hindi gumagalaw ang tunay mong katawan dahil sa suot na 'Nerve Gear'.
Isang araw may isang lalaking nakasuot ng magarbong damit at pinuntahan ang isa sa mga pinakamagaling na lalaking manlalaro na si Zephyr. Pumunta muna sila sa isang kainan at doon na pinagusapan ang kailangang tulong ng lalaki. "Ako si Gabriel, mayroon akong kaibigan na naglalaro ng Gun Mavens, isang uri ng cd na ginagamit sa 'Nerve Gear'. Habang naglalaro siya sa isang isa laban sa isa't isa, may isang lalaking nakabalot ang buong katawan at mukha ang bumaril sakanya gamit ang isang pistol. Kaunti lamang ang nabawas sa kanyang buhay sa laro ngunit bigla na lamang siyang nawala sa laro. Ako'y kinabahan kaya nag 'Log out' ako sa laro at tinawagan siya ngunit hindi siya sumasagot. Kinabahan ako kaya pumunta ako sa kanyang dormitoryo at nakita kona lamang siya na nakahiga sa kama ngunit walang kibo at nakatiril ang kanyang mga mapupulang mata. Ginigising ko siya at yinuyugyog ngunit walang kibo. Kinabahan ako lalo at hinawakan ang kanyang pulso, ngunit wala akong naramdaman! Agad-agad kong tinawagan ang pulis at ambulansiya. Sinagot ko rin ang mga tanong ng pulis at sinabihan na lamang na hintayin ang 'autopsy report' upang malaman ang sanhi ng kamatayan. " nanginginig na kwento ni Gabriel kay Zephyr. Napalalim naman ang kanyang pag iisip dahil imposibleng nakamamatay ang 'Nerve Gear'. Pagkatapos ng matagal na pag-iisip ay nag desisyon siya na maglaro ng Gun Mavens upang maimbestiga ang mga pangyayari." Sige pumapayag nako." tugon ni Zephyr. Masayang ngumiti si Gabriel sa nalamang balita at agad siyang pinasasalamatan. " S-salamat! Huwag kana mag-alala, binilhan na kita ng Gun Mavens na cd." tuwang tuwang sabi niya at iniabot ang cd. Lumabas na sila sa kainan at nag-aantay na lamang na makatawid sa daan. Bago sila nag hiwalay ay sinabi ni Gabriel na pupuntahan niya si Zephyr sa lugar kung saan nabubuhay ang mga baguhang manlalaro. Kinuha na din nila ang numero ng isa't isa. Kauwi ni Zephyr ay inalis niya ang cd na Legend's Ravine at ipinalit ang Gun Mavens. Sinuot niya ang 'Nerve Gear' at humiga. Pumikit siya at pinindot ang START button. Pagbukas ng mata niya ay nasa isang harap siya ng isang maliwanag na skrin. Nakalagay dito ang username at gender. Kaagad naman niyang pinindot ang mga letra upang mailagay ang nais na username, ang 'HaydenShiun'. Pinindot niya ang male sa gender at pinindot din ang CONFIRM. Pumikit ulit siya at pagmulat niya nasa isang lugar siya na maliwanag at maraming mga gusali at establishimento. Habang tinitignan niya ang kanyang sarili sa salamin, ay biglang may kumalabit sa kanya. "Oi Hayden, tara sumama ka sakin tuturuan kita kung paano humawak ng baril sa mundong ito." sabi ng isang lalaking nagngangalang Gabby sakanya. Nalaman niya agad na siya si Gabriel dahil sa kanyang username. "Sige tara na!" masiglang sigaw niya dahil ngayon palang siya nakapaglaro ng barilan sa Nerve Gear dahil madalas puro espada, pana at palaso, at mga tungkod ang kanyang gamit sa pakikipaglaban. Habang sila ay naglalakad, ipinaliwanag ni Gabby ang nangyayari." May nalaman akong impormasyon mula sa isang kaibigan na may pinatay ulit na tao ang lalaking nakabalot ang buong katawan, tinatawag siyang Reaper dahil sa kanyang pagpatay." pabulong na ikinwento ni Gabby sa kanya. "Reaper? Parang... Kamatayan!" biglang naisip ni Zephyr. "Oo, ganun na nga, at pinapatay niya ang mga sikat at magagaling na mga manlalaro." sagot naman ni Gabby. "Bali ang gagawin ko ay maging sikat upang maagaw ang atensiyon ni Reaper?" tanong ni Zephyr. "Oo at dapat kang mag-ingat, hindi natin alam ang kayang gawin ng taong iyon." sagot naman ni Gabby. Natahimik ang kapaligiran at matapos ay nakarating na sila sa isang pamilihan. Napakamagarbo at maraming modelo ng baril ang makikita. Matapos ang pag tingin tingin sa mga baril ay pinili niya ang isang sniper rifle na kung tawagin ay PGM Ultima Ratio Hecate II na napaka lakas ngunit mabigat. Si Gabby ang bumili ng mga pangangailangan ni Zephyr tulad ng, kutsilyo, diratrat na baril, magaan na kalasag, at granada. Pagkatapos nila bumili ay pumunta na sila sa isang sanayan, tinuruan ni Gabby si Zephyr na humawak at gumamit ng baril. Tumungo naman sila sa isang lugar na tinawag na Event square. Dito nagtitipon-tipon ang mga manlalaro para magpartisipa sa isang paligsahan na kung saan matira ang matibay. Bigla nalang may isang magandang babae ang sumigaw at tinawag si Gabby. "Hoooy! Gabby!!" sigaw ng babae habang tumatakbo papunta sa kanilang dalawa. "Ikaw pala Lyra, ito nga pala si Hayden ang kinekwento ko sayo." sabi ni Gabby habang tinuturo si Hayden. "Hayden, ito naman si Lyra, gumagamit yan ng Shotgun! Astig diba!" sigaw ni Gabby. "Shhh wag ka maingay, hindi dapat malaman ng kalaban kung anong baril ang gamit mo diba?" naiinis na sabi ni Lyra. Tuwang tuwa naman si Zephyr na nanonood sa kanilang dalawa dahil sa matalik nilang pagkakaibigan. "Oh Lyra, ikaw na bahala sa kanya ha." sabi ni Gabby at papaalis na, mukhang nag mamadali. "S-sandali!" sigaw naman ni Zephyr. Bigla namang umakbay si Lyra kay Zephyr kahit na mas matangkad ang binata sa kanya. "Ako na bahala sayo, mayroon siyang kailangang asikasuhin eh." nakangiting tugon ni Lyra. "S-sige tara na, at habang may oras pa ay ipaliwanag mo sakin ang mga patakaran at gagawin sa laro." sagot ni Zephyr. "Oo naman, kaya tara na!!" masiglang sabi ni Lyra at naglakad na sila upang ilista ang kanilang pangalan para makasali sa pinakamalaking event na magaganap sa susunod na isang oras. Hindi kagaya sa tunay na mundo, mas mabilis ang oras dito. Ang isang minuto sa tunay na mundo ay sampung minuto na sa laro. Kaya maghihintay na lamang sila ng limang minuto. Habang sila ay tahimik na nakaupo, pinagmasdan niya ang dalaga sa harap niya. Siya ay may maputing balat, kayumangging buhok at mata. Samantalang siya naman ay maputi rin ang balat, may lilang buhok at lilang mata sa laro. Humarap sa kanya si Lyra at sinabing magkalaban sila sa event na ito ngunit kung kailangan nating mahuli si Reaper ay dapat magtulungan sila. Pumayag naman siya at makalipas ng apat na minuto ay sila ay nasa lugar ng labanan. Magkalayo layo sila at hindi alam kung sino ang makakatapat. Ito'y labanan ng isa sa dalawamput siyam na manlalaro. Mabuti na lamang at siya'y nasa dulo ng mapa, kundi lugi siya dahil isa siyang sniper, o isang taong bumabaril mula sa malayo. Siya ay tumakbo muna sa pinakamalapit na burol at nagmasid sa paligid, makalipas ang dalawang minuto ay may dalawang manlalaro na nagbabarilan, kinalaunan ay napatay na ang isa at tinutok naman ni Zephyr ang kanyang baril sa isa pang manlalaro at ito ay natamaan niya sa ulo. Patay! Ayon sa paliwanag ni Lyra sa kanya ay nakikita mo at naririnig ang 'brrr' ngisang pulang linya na nakatutok sayo kapag may hahawakan ang trigger ng baril, makikita ang lahat ng mga lugar na tatamaan ngunit hindi kabilang ang unang bala sa magazine ng isang sniper rifle. Tumingin si Zephyr sa kanyang cellphone at nakita niyang dalawamput pito na lamang silang natitira. Kaagad siyang lumipat ng lugar dahil ayon kay Lyra ay maririnig at makikita sa mapa ang mga manlalarong nagpapatayan sa loob ng sampung segundo. Tumingi siya sa mapa ng kanyang cellphone at lumipat sa isang lugar na kung saan may tatlong nagbabarilan, nag pwesto siya sa isang mahalamang bahagi dahil siya ay may suot na camouflage na kapa, hinanda niya ang kanyang baril ngunit bigla siyang may narinig na maraming brrr sa tabi niya. Kaagad siyang gumulong at kinuha ang pistol niya sa kanyang bewang at nagtago sa isang puno, nakita niyang nagbabarilan pa rin ang tatlo sa likod niya kaya hinanap niya ang bumaril sa kanya kanina. Hindi siya masyadong makakita dahil galing sa isang madilim na bahay ang bumaril. Mabilis niyang dinukot ang cellphone niya at nakitang walang kibo ang bumaril sa kanya kanina. Kumuha siya ng granada, pinindot ang isang button at hinagis ito ng malakas sa bintana, pagkatapos ng limang segundo sumabog na ang granada at namatay ang nasa loob. Nang tumingin si Zephyr sa tatlo kanina ay nakatutok na agad sa kanya ang isang baril, agad siyang dumapa at gumulong papunta sa isang puno upang maiwasan ito. Ngunit nadaplisan siya at nabawasan ang kanyang buhay. "Grabe naman ang labanan dito, hindi ka makakapag-pahinga ng matagal." bulong niya sa kanyang sarili. Makalipas ang ilang segundo ay dumapa siya at hinanap ang kanyang baril. Dahan dahan siyang nagtungo sa kanyang baril at kinuha ito, sinabi na niya ito sa kanyang likod at tumakbo papaalis na. Tumingin siya sa kanyang cellphone at nakitang dalawamput isa nalang ang mga natitirang manlalaro kasama siya. Tumakbo na lamang siya sa gilid gilid papunta sa isang lugar na halos walang mga puno, burol lamang ang makikita dito at mga maiikiling damo. "Naku po!" bulong niya sa kanyang sarili habang tumatakbo. Nagulat na lamang siya ng biglang mayroong mga pulang linya sa kanyang harapan. Agad naman niya itong iniwasan at pinaputukan ng madami ang bumabaril sa kanya. Natamaan niya ito ngunit buhay pa kaya tatakbo na lamang siya ngunit biglang may narinig siyang putok at namatay ang bumabaril sa kanya kanina. Humarap siya sa taong pumatay nito at nakita si Lyra hawak ang kanyang malaking Shotgun. "Yo!" sigaw ni Lyra habang iwinawagayway ang kanyang kamay. Mabilis silang tumakbo sa isang malapit na bahay at nagtago muna doon. "Buti nalang at alam ko ang mga putok ng baril, kundi hindi na kita nakita." bulong ni Lyra sa kanya "H-ha? Anong ibig mong sabihin?" bulong pabalik ni Zephyr. "Nakikita sa mapa ang mga putok diba? Kadalasan ang mga mababagal na putok ay mula sa sniper, nadaanan ko pa ang mga mararaming sniper ngunit napatay ko na sila at ang natira na lamang ay ang sayo. Tignan mo ang iyong cellphone. Labing-siyam ang patay na, pinatay ko ang tatlo diyan kanina na mga sniper. Napaka swerte ko dahil tabi-tabi sila! " masayang bulong ni Lyra sa kanya." Kung gayon ay magaling ka palang manlalaro! " bulong ni Zephyr. "Oo naman! Matagal na akong manlalaro nito eh!" pagmamayabang ni Lyra kay Zephyr habang nakanguso pa ito. "Nabawasan pala ang iyong buhay, iturok mo ito sa iyong katawan, mawawala ang gamit ngunit babalik ang iyong buhay." bulong ni Lyra at ibinigay sa kanya ang isang malaking karayom. Itinusok niya ito at bigla nga itong nawala ngunit bumalik ang kanyang buhay. Tinignan ni Lyra ang kanyang cellphone at sumilip si Zephyr, nakita niya na labing-apat nalang ang natitira. Agad-agad na silang tumakbk dahil sa pag bawas ng mga manlalaro, lumiliit ang mapa. Kapag lumagpas ka sa linya sa dulo ng mapa ay mababawasan ka ng buhay. Ito ay para maiwasang magtago na lamang ang mga manlalaro. Napunta sila sa isang bundok at tinignan ang mapa. Napansin nilang mau dalawang nagbabarilan sa mapa. Kinalaunan ay napatay na ang isa at nagtatago ang kalaban sa isang tulay. Makalipas ng ilang segundo ay bigla na lamang siyang bumagsak. Nakarinig din sila ng isang putok ng baril. Bigla na lamang nawala ang manlalaro. Nagulat sila dahil kadalasan sa mga namamatay sa laro ay matitira ang kanilang katawan. Bigla silang nagulat nang may lumabas na naka balot ang buong katawan ng mga damit. Binaril ito ni Zephyr ng anim na beses ngunit agad-agad itong nawala at hindi na makita sa mapa. Pinalitan na ni Zephyr ang kanyang mga bala sa baril. Habang naghahanap ng magandang pwesto si Lyra. "Tara na! May nakita akong magandang pwesto para sa mga sniper." mahinang sigaw ni Lyra. Tumango na lamang si Zephyr at tumakbo na kasama si Lyra papunta sa isang desyerto. Pinaliwanag ni Lyra kay Zephyr na hahanapin niya saglit si Reaper at manatili muna siya sa isang napakataas na gusali at kung sakaling siya ay mamatay magkalabanan man sila ni Reaper ay maaaring ma baril ni Zephyr si Reaper mula sa malayo. Pumayag naman si Zephyr at humayo na sila papunta sa kanilang destinasyon. Nang makarating si Zephyr sa taas ay agad-agad niyang tinignan ang cellphone niya. Nakita niyang apat nalang silang natitira at iyon ay sina Zephyr, Lyra, Reaper, at isa pang hindi nakikilala. Binantayan naman ni Zephyr si Lyra na nagmamatyag sa paligid. At makalipas ng ilang segundo ay biglang may mga nagpaputok. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. Tinignan ni Zephyr ang kaliwa at nakita niya si Reaper, sa kanan naman ay isang lalaking may hawak na isang magaan na sniper rifle. Tinignan naman niya si Lyra at nakitang nagtatago siya at sugatan. Binigay na pa naman ni Lyra kay Zephyr ang kanyang mga lunas para sa buhay. Agad niyang tinutok ang kanyang baril sa lalaki sa kanan at pinatay na niya ito. Saktong-sakto sa ulo. Sunod naman niyang pinagbabaril si Reaper ngunit nakakailag ito. Nagpalit ng bala si Zephyr at nagulat na lamang siyang nakatutok na din sa kanya ang P90 na baril ni Reaper, nag sabay silang bumaril. Ngunit dahil sa nerbyos ay nadaplisan niya lamang si Reaper sa tagiliran habang siya ay nasira na ang scope at sugatan na. Nagmadaling bumaba si Zephyr sa gusali at hawak hawak ang kanyang dalawang baril. "Kailangan kong puntahan si Lyra!" bulong niya sa sarili ngunit natandaan niya ang nangyari noong naglaro siya ng Legend's Ravine na noong ginawa niya yun ay pareho silang namatay kaya naisipan niya na lamang na umikot papunta sa likod ni Reaper at tinurok ang karayom sa kanyang braso upang magka buhay. Mukhang tama naman ang desisyon niya dahil nagbabarilan sila ni Lyra. Nabaril siya bigla ni Lyra sa katawan ngunit kalahati pa lamang ang buhay ni Reaper dahil hindi masyadong nakakatama ang shotgun sa malayo. Babarilin na sana ni Zephyr si Reaper ngunit bigla itong humaral sa likod at nagpaputok na. Naputol ang kaliwang kamay ni Zephyr at nagtatago siya sa likod ng bato. Naalala niya na may kutsilyo pa siya kaya ibinalik niya ang kanyang pistol sa baywang at kinuha ang kutsilyo. Nagbilang siya ng isa dalawa tatlo at tumakbo papunta kay Reaper. Nagulat si Reaper kaya nabaril siya ni Lyra at kaunti na lamang ang buhay niya. Pinagmasdan niyang mabuti ang mga bala at ginamit ang kutsilyo para ipang hati sa mga balang pinapaputok sa kanya. Pagkatapos ng maraming putok ay halos wala ng buhay si Zephyr ngunit nasaksak niya ang dalawang braso ni Reaper at pinutol ang mga ito. Binitawan niya ang kanyang kutsilyo at kinuha ang baril sa baywang. Itinutok niya ito kay Reaper at binaril na sa ulo. Sawakas! Tapos na rin. Tumakbo si Lyra at yumakap ng mahigpit at masaya si Zephyr. "Ang galing mo Hayden! Hindi na ako magtataka dahil galing ka sa Legend's Ravine!" masayang sabi ni Lyra. Napangiti naman si Zephyr at kinalaunan ay tinanong niya si Lyra kung paano matatapos ang laro kung matira ang matibay. "Dalawa ang maaaring manalo dito, kailangan sabay sila mamatay kaya halika." tugon ni Lyra. Nagbukas siya ng isang granada at linagay ito sa pagitan nilang dalawa. Sumabog ito at napunta na sila pabalik sa Event square. Madaming tao ang sumisigaw at bumati sa kanilang pagkapanalo. Sila'y nag log out na. Inalis na ni Zephyr ang kanyang Nerve Gear at tinignan ang orasan. Alas siyete na at medyo madilim na sa labas. Magluluto na sana si Zephyr ng hapunan ngunit may kumatok sa pinto ng kanyang dormitoryo. Sinilip niya ito at nakita si Gabriel na may dala-dalang pagkain kaya pinapasok niya ito at sila'y naupo sa mesa. "Binabati kita sa iyong pagkapanalo, ayon sa autopsy may nakita silang napakaliit na butas sa katawan at doon nakaturok ang mga lason." paliwanag ni Gabriel. Ngunit napansin ni Zephyr si Gabriel na kanina pa nakahawak sa kanyang bulsa kaya naghanda siya ng maigi. Bigla-bigla ay sumugod sa kanya si Gabriel na may nakatutok na karayom. Sumisigaw ito at sinasabing "MAMATAY KANA! MAMATAY KANA!" galit na sigaw ni Gabriel at biglang may dumating na babae at sinipa si Gabriel. Tumingin ito ng masama sa babae at tinurok ang karayom sa kanyang dibdib. Dahil sa takot ay dinukot ni Zephyr ang isang Buddha at pinukpok ito kay Gabriel. Nahimatay ang binata at nagulat na lamang siya ng maayos pa rin ang kalagayan ng dalaga. "H-hoy Hayden, wag ka nga OA, naka silicone pad ako kaya buti nalang at yun ang natamaan." tugon ng babae sa kanya. Bigla siyang nagulat at nakitang may pagkahawig ang babae kay Lyra kaya napangiti siya at yinakap ito. Matapos nila magyakapan ay dumating ang pulis at kinuha si Gabriel, nag tanong din sila. Simula noon ay magkasama kami ni Lyra palagi na nalaman kong Lyralei ang tunay na pangalan. Makalipas ng dalawang taon ay binisita namin si Gabriel sa Mental Hospital. Nakikita namin na may pagbabago na sa kanya at sumisigla lalo ang kanyang itsura. Humingi siya ng tawad sa amin at pinatawad ko agad siya. Alam kong muntik na niya kaming mapatay ngunit napilitan lamang siya dahil sa kanyang kuya na mahilig pumatay. Dahil sa pagmamaltrato sa kanya ng kuya niya ay inakala niyang ako ang kanyang kuya at sinumpong siya kaya sinugod niya ako. "Magpagaling ka ha." sabi ni Lyralei sa kanya. "Oo papagaling ako, ingat kayo sa pag-uwi ha!" sigas niya habang papaalis na kami. Tumango na lamang kami ni matalik kong kaibigan ni si Lyra at iwinawagayway ang aming kamay sa kanya.

Ang Misteryosong KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon