Starry Night

54 0 0
                                    

CHAPTER 1

Naglalakad lakad si Romeo upang magpalipas ng oras. Magulo pa ang isip niya dahilan sa mga di inaasahang bagay na nagdaan sa buong araw. Higit pa doon , masama ang pakiramdam nya dahil sa biglaang pakikipag hiwalay ng kanyang nobya. Sa totoo lang hindi nya talaga alam ang kanyang dapat gawin. May mas sasakit pa ba sa sakit na dulot ng wagas at totoong pag-ibig na binalewala lamang? Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat. Ginawa niya lahat ng bagay na makapagpapasaya sa babaeng lubusan nyang minamahal ngunit ito lamang ang kanyang napala.

"May kulang pa ba? Anong kulang? May nagawa ba akong mali? Naging masama ba ako?"

Paulit ulit ang mga tanong sa kaniyang isipan , ngunit hindi niya mahanap ang mga kasagutan. Mariin niyang kinagat ang kanyang labi upang pigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. Sa bawat pagpikit ng kaniyang mata, paulit-ulit nyang nakikita ang babaeng kanyang mimahal na nakikipaghiwalay sa kanya at lumalakad palayo. Unti-unti nalasahan niya ang sarili niyang dugo mula sa kanyang mga labi.

Sinalampak niya ang sarili sa bakanteng upuan sa parke. Madilim ng paligid at kaunti na lamang ang mga tao. Salamat na rin sa kumukurap na liwanag sa poste na bahagyang iniilawan ang upuan. Ilang sandali rin siyang tulala , wala sa sarili at balisa. Dama nya ang lamig ng bawat ihip ng hangin ngunit halos manhid na siya sa sakit  na nadarama.

Maya maya ay napatingala siya, tiningnan ang mga butuin, napatulala, at wala sa sariling nasabi "napakaganda ng bituin sa gabi". Naalala niyang muli ang babaeng minahal niya. Ang bawat masayang alaala na gumuguhit sa kalawakan ay lalong nagdulot sa kanya ng pighati. Hindi niya namalayan ang unti unting pagdaloy ng luha na kanina pa niya pinipigilan. Umagos ang mga luha kasabay ng sakit na kaniyang nararamdaman.

"Gumuguho ang lahat ng pangarap ko... lahat ng mga planong magkasabay nating binuo. Bakit? Bakit mo ako iniwan? Saan ako nagkulang? Bakit?"

Kasabay nito, ang mga luha ay masaganang dumaloy. Halos mabuwal siya sa kaniyang pighati. Muli tinitigan niya ang mga butuin na kumikislap sa dilim ng kalangitan.

   Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at patuloy na naglakad. Kung saan man siya mapadpad, nakasalalay na lamang sa kanyang mga paa. Ngunit nanghihina na siya. Huminto siya at isinandal ang nanghihinang katawan sa pader.Patuloy niyang tinitigan ang mga bituin na waring binibilang ang distansiya niya mula sa madilim na kalangitan. Pilit niyang pinapasaya ang sarili sa mga bituin na natatanaw sa langit. Ngunit dahil sa dilim ng gabi hindi nya mapigilan ng nagsusumigaw na damdamin ng kalungkutan.

"if i can only see my heart... I'm sure it is darker inside."

Muli niyang iniangat ang kanyang ulo at tiningnan ang mga bituin at buwan na waring pinasasaya siya sa kabila ng pighating kanyang nadarama. Totoong madilim ang gabi ngunit ang bawat bituin ay nabibigay ng kaunting liwanag sa mga gabing ito. Kumukutitap ang mga liwanag sa kanyang mga matang lumuluha. Napaupo siya sa di mawaring pakiramdam ns pinaglalaruan siya.

"Baliw na ata ako. Hindi ko na maintindihan ng gagawin ko."

"Kapalaran nga naman , ang hirap sakyan. Hmm. Minsan talaga, kung ano ng iniiwasan mo, iyon ang mangyayari sayo."

Sinapo nya ang mukhang basang basa sa luha. Napangisi siya sa mga kabaliwang nasasabi niya.

"Ang gandang pagmasdan ng langit hindi ba?", bigla niyang narinig mula sa isang babae sa kanan na nakaupo malapit sa kanya.

Napatitig siya sa babaeng nasa tabi niya. Pilit niyang kinikilala ang babaeng kinakausap siya. Hinuhulaan niya kung sino ba ang babaeng ito.  Ngunit hindi niya kilala ito kahit ang boses nito. Ni hindi pamilyar ang babaeng ito sa kanya.

 “Is there something wrong?" tanong ng babae habang tinititigan siya.

"NOTHING" mariing sagot ni Romeo.

Wala siyang panahon makipagkuwentuhan sa kahit sino. Hindi siya interesadong makipag-usap sa kahit kanino.

"I bet something's bothering you? pwede mo bang i-share sa akin ?"

Walang isinagot si Romeo at patuloy na yumuko.

"Promise you'll be in comfort after telling me" sabi ng babae.

Ngunit tinitigan niya lamang ito.

"Sige ka? Alam mo ba na ang mga taong nagkikimkim ng sama ng loob at problema ay namamatay ng maaga? Ikaw din? Alam mo, wala namang masama kung ilalabas mo yng nararamadaman mo. Hindi rin makakatulong kung magmumukmok ka diyan at parang batang magtatago dito sa parke. "

Tumungo si Romeo at ang bawat salita ay kusang namutawi sa kanyang labi.

"I just had a break up with the most precious girl in my life. In fact, we are nearly having our wedding for the next year. Akala ko, ayos ang lahat sa amin. Akala ko kami na ang para sa isa't-isa. I never expected we'll end up like this."

For what reason? Why she broke up with you" the girl asked.

"Iyon na nga ung masakit dun, wala siyang sinbing dahilan nung nakipag hiwalay siya. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit niya ginawa iyon. Iniisip ko ng paulit ulit kung ano bang mali ko." at unti unting kumawala ang nagpupumiglas niyang luha sa pait ng kanyang nadarama.

"Just think that maybe she's not the right girl for you. Malay mo may taong mas nararapat sa knya na makapag papaligaya sa kanya. At may babae ding nakalaan para sayo na kailangan mong makilala. Sabi nga  nila, If you lost something, a better one is coming." sabay ngiti nito.

Napatitig sa kanyang mg ata si Romeo. Napakaganda ng babaeng ito lalo na ng humarap sakanya at matamaan ng liwanag mula sa poste. Kasing kinang ng bituin ang kanyang mga mata at ang aliwalas ng kanyang mukha ay higit pa sa langit. Mala anghel ang kanyang mukha at ang boses niya ay kasing lamig ng hangin. Matamis ng kanyng ngiti at nakakahumaling siya. Siguro nga hindi siya masama at naparoon siya upang kalmahin ang naghihinagpis na damdamin ni Romeo.

"Salamat" tanging nasabi ni Romeo nang bumalik siya sa sarili.

"Welcome. If you are sad look up above and smile." sabi nito n nakangiti sa kaniya.

Ngumiti na rin naman si Romeo. Kahit alam niyang mukha siyanv bata na inaalo ng kanyang ina. Mlki ang pasasalamat niya sa babaeng ito  dahil pinakinggan nio ang kanyang damdamin.

"I got to go. Bye" at unti unting nawala ang babae sa kanyang paningin.

Saka lamang niya naalala... "Anu nga pala name niya?"

Iniangat niya ang ulo at hinagilap ng kanyang mga mata ang babae.Wala na ito. Tumakbo siya papunta sa direksyong tinahak ng babae ngunit hindi na rin niya ito inabutan. Ngumiti nalang siya at nagpasyang umuwi.

"Magkikita rin kami ulit," nasabi niya sa kanyang sarili.

Tumingala muli siya sa langit. Noon niya lamang napansin na pasikat na ang araw at ang kadiliman ay unti-unting naglalaho sa liwanag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Starry NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon