"AIDEN? Pare?"
Sino pa ba naman ang tatawag sa akin? Walang iba kung hindi si MJ, na ngayon ay boyfriend na yata ni Janine. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng kakapalan ng mukha para tawagin akong "pare." We are not close at lalong hindi kami magkumpare.
I turned to face them. "Oh, hi. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. I don't want to talk to him pero ayaw ko rin namang maging rude.
"Ako?"
Hindi, 'yung nasa likod mo 'yung kausap ko.
"Oo."
"Sinusundo ko si Janine. Nililigawan ko na kasi siya, eh. You know, doing something to get her prescious 'yes,'" sagot ni MJ.
I fakely smiled at him. "Good for you." I glanced at Janine. "And for you, Janine, too."
I clenched my jaw. Selos na selos na ako ngayon. That should be me by Janine's side. That should be me... kung hindi ko lang ginusto na putulin ang kung ano'ng meron sa aming dalawa.
"Aiden, tara na!" sigaw ni Pat. Tinalikuran ko na silang dalawa at sumunod kay Pat sa parking lot. Ihahatid niya ako sa sakayan.
While in Pat's car, lumilipad ang isip ko. Bumabalik sa utak ko ang mga nangyari sa nakaraan. Those memories came like a flashback.
DALAWANG araw na akong nasa hospital. Naglaslas lang naman ako ng pulso ko pero sobrang tagal ko na dito. I almost came here dead. I lost a great amount of blood. Kung hindi ako nasalinan ng dugo kaagad ay baka patay na ako ngayon.
"Kumain ka na, 'nak," sabi ni nanay at sinubuan ako ng pagkain.
"Kaya ko namang kumain, 'nay. Hindi naman ako naputulan ng kamay," saad ko.
She looked at me with worry and pity in her eyes. Lumihis ang tingin ko dahil ayaw kong makita ang mga emosyon sa mata niya. Mas lalo akong nagi-guilty sa tuwing nakikita ko ang malungkot na expression sa mukha niya.
I heaved a sigh. "Hindi mo na po ako kailangang bantayan 24/7, 'nay. I won't do it again. I promise. Pwede mo na po akong iwan at bantayan 'yung mga kapatid ko. Baka nagtatampo na 'yong mga 'yon dahil ako na lang lagi ang inaalagaan mo, 'nay," litanya ko.
I know that she is still worrying about be. Natatakot siyang mag-suicide ako ulit. Natatakot siya na baka sa susunod ay hindi na niya ako masalba.
She was the one who barged in to my room last time. Siya 'yong nakakita sa akin sa ganoong kalagayan. It must have hurt her big time. It must have shuttered her heart in pieces.
Pagdating ng hapon, ako na lang mag-isa ang natira sa kwarto. Umuwi muna si nanay para tignan ang kalagayan ng mga kapatid ko.
I went out of my room. Kasama ko ang IV fluid na nakasabit sa pole o kung ano mang tawag doon. Luckily—or unluckily,—Janine's room is just beside mine.
I knocked on the door. "Come in!" she shouted. Pumasok ako sa kwarto niya. This is my first time to visit her after her accident.
She was shocked to see me. Agad na namasa ang mga mata niya nang makita niya ako. Alam ko namang alam niya ang nangyari sa akin. Alam niyang nag-suicide ako pero hindi natuloy. She was the first one to reply to my suicide message.
"A-ayos ka lang, Aiden? Sobrang pinag-alala mo 'ko," she said, wiping her tears.
"Janine," I called her.
"Bakit, Aiden?"
"I want to cut our ties with each other," seryoso kong sambit. I gathered all my courage just to say that. Ilang araw kong pinag-isipan 'to. Ilang oras kong inisip ang mga sasabihin ko. Ilang beses akong nagtangkang puntahan siya pero sa tuwing nasa may pinto na niya ako ay bumabalik lang ako sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...