Chapter 29

352 16 1
                                    

Chapter 29: The Info

Isang linggo ang lumipas at naging tahimik ang buong school. Lahat ng mga estudyante ay bumalik sa kani kanilang mga gawi.

Naging busy din ang Student Council dahil sa paparating na Red Holiday at ang pagpapa higpit ng seguridad sa eskwelahan.

Di ko pa rin alam kung ano ang meron sa Red Holiday. Nabasa ko na ang manual ng school at wala akong maalalang tungkol sa araw na iyon.

"Oh ano may nahanap ka ba?" tanong ko kay Yugen.

Kahapon lamang ang balik niya galing sa misyon na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Dad. Galing pa siyang France kaya napagod siya sa byahe. Buong araw kahapon ay natulog lamang siya.

"Ugh, I've already dig enough sites but there's still no results about the Red Holiday in Sylvian High" sagot niya.

Pinapa-search ko sa kaniya yung tungkol sa Red Holiday pero tila wala siyang nahanap. What's with that day at bakit parang ayaw ata nilang ipa alam sa labas ng school?

"Sa site ng Underground Society may nahanap ka?" tanong ko.

Kaagad naman siyang umiling. "Wala rin"

Umayos ng upo si Yugen sa kaniyang kama at nag-inat. Tamad siyang tumingin sa akin.

"How about Shaun? Nagtanong ka ba sa kaniya tungkol doon?" tanong niya.

I shook my head. "Wala. Simula nung insidente tungkol sa namatay na babae last week ay naging busy siya sa Student Council" sagot ko.

Kumunot naman ang kaniyang noo. "I thought you're his PA? Ba't wala kang alam?"

"I don't know either. Ayaw niyang ipaalam sa akin" sagot ko.

"That's suspicious. What's with the Red Holiday and why everyone's keeping that a secret to us? I mean duh, we're also a student here in Sylvian High" aniya.

Umiling na lamang ako at humiga na sa kama.

"Whatever. Bahala sila kung ayaw nilang ipaalam. I'm going to sleep now" paalam ko.

Narinig ko ang pag ingay ng kama ni Yugen. "Goodnight"

Kinaumagahan ay ganon pa din ang naging eksena. Naging busy ang mga teachers kaya puro activity lamang ang iniiwan nila sa amin. Pati na rin ata ang mga estudyante ay nagiging busy.

I tried asking questions about that day to my classmates but they are all ignoring me! Ugh, bahala talaga sila. I just want to know but if they won't tell me then fine!

Naging normal naman ang buong hapon ko. Kakatapos lang namin sa last subject namin at ngayon ay hinahanap ko si Yugen. Sabi niya ay dito kami magkikita sa harap ng room ko since mas maaga ang uwian nila kesa sa amin ngayong araw.

I've already tried calling her but she's not answering her phone. Naghintay pa ako nang twenty minutes pero ng hindi pa rin siya nagpakita ay dumiretso na lamang ako sa Student Council Meeting room.

Bahala nga siya. Mamaya ko na lang siya tatanungin kung saan siya pupunta. Sa ngayon ay kailangan kong kausapin si Shaun tungkol sa Red Holiday.

It's not like i'm trying to be nosy but I also have the right to ask. Estudyante rin naman ako dito sa Sylvian High ah.

Kumatok ako ng dalawang beses bago binuksan ang pinto. Tama tamang patapos na sila sa meeting nila. Nagpaalam na aalis na sila Ethan at Chase sa akin kaya tumango na lamang ako at nginitian sila. Habang si Athena naman ay inirapan ako at nilagpasan.

Napailing na lamang ako. Sanay na ako sa ugali niya kaya di ko na lamang din siya pinapansin.

Lumakbay ang aking tingin sa kung nasaan si Shaun. Nakita ko siyang kausap si Zachary, Garett, at Nathalie. Base sa kanilang seryosong mga mukha ay mukhang importante ang kanilang pinag-uusapan.

Sylvian High: School for Underground  Society ✔Where stories live. Discover now