"Ano Ele tapos ka na?" Napatigil agad ako sa paglalagay ng mga damit sa bag ko nang sumilip si Janine sa pintuan ko.
"Malapit na." Ngiting sabi ko, napabusangot naman ang mukha niya
"Bilisan mo, tagal nito." Ismid niya sa akin, tinawanan ko lang ito at bumalik na sa ginagawa nang umalis na siya.
Mag b-boracay kami ngayon ni Janine mabuti na nga 'yon kaysa maglasing kami. Iniba ni Janine ang plano niya dahil na rin tumawag sa kaniya si Azi at ayon, kaya hindi na raw siya maglalasing at pinagpapasalamat ko iyon dahil kung hindi dahil do'n baka mapuno nga ako no'ng red mark na sinasabi ni Sy. Hindi pa ako handa at nakakakaba rin.
Argh, kahit anong gawin ko hindi yon mawala-wala sa isipan ko, everytime na naiisip ko 'yon namumula na lang bigla ang mukha ko, gaya ngayon. Tigilan mo rin kasi kakaisip, Ele!
Pinilig ko ang ulo ko at pinagtuunan na lang ng pansin ang paglalagay ng kailangan dalhin baka naiinip na sa paghihintay doon si Janine, eh.
Nang mapuno ko na ang bag at mapagpasyahang nando'n na lahat ng importanteng gamit ay bumaba agad ako. Bumungad agad sa akin ang iritadong mukha ni Janine na nakapamewang pa talaga.
"Baka may naiwan ka pa, take your time." Sarkastikong sabi niya na ikinatawa ko na lang, iinilingan ko lang siya.
"Wala na po, ayos na." Sabay ngisi ko rito, inirapan niya ako at kinuha na rin ang mga bag niya.
"Hoy, dito tayo." Napahinto ako sa paglalakad papuntang front door nang hilahin ako ni Janine sa back door. Napakunot naman ang noo ko.
"Huh?" Naguguluhang sabi ko.
"Dito tayo dadaan kako." Tumaas ang kilay ko. I smell something fishy here.
"At bakit naman tayo dito dadaan kung pwede naman sa front door?" Nakataas na kilay kong tanong, naplunok naman siya at pilit na ngumisi sa akin.
"Trip ko lang, ba't ba?" Sige lang Janine mag sinungaling ka pa.
"Ah talaga? sigurado ka bang nagpaalam ka talaga kay Sy?" Nang sinabi ko iyon ay napalunok siya ulit. Sinasabi ko na nga ba, eh hindi nga ito nagpaalam.
"Syempre, tara na nga baka ma-late pa tayo." Sumunod na lang ako sa kaniya pero aastang papasok na kami sa sasakyan ay may humila sa akin pabalik.
"Where are you two going?" Maotiridad na tanong ni Sy, nakataas ang kilay nito sa akin pero no'ng balingan niya si Janine ay nanlilisik niya itong tinignan.
"Oh, sy? aalis kami bakit?" Inosenteng sabi ko, sakyan na lang natin ang sinabi ni Janine na nagpaalam daw kuno siya kay Sy.
"Oo nga kuya, ba't bumaba ka pa? Busy ka 'di ba!" May diin na sabi ni Janine sa salitang 'busy', gotcha! hindi nga talaga nagpaalam nang mapansin kung kumunot ang noo ni Sy sa sinabing busy daw kuno ni Janine.
"Really? did I told you that I a'm so busy to not come with my baby?" Nakataas na kilay ni Sy, napangisi naman ako ng patago.
Patay ka na janine. Sige at ayusin mo 'yang palusot mo.
"Kuya, the company needs you so no need to come with us. " Ayos, hindi niya na napigilan at sinabi niya na talagang hindi siya nagpaalam kay Sy.
"No, I will come with you two. Simon can handle the company " Simon?Parang lumiwanag ang mukha ko, inaamin ko na miss ko siya, kay tagal na no'ng nagkita kami. Pwede rin kaya siyang sumama sa amin para catch up lang?
Napatingin ako kay Sy nang maramdaman ko ang naiinis nitong tingin sa akin, tinaasan ko siya ng kilay.
"No! Simon will not come with us so stop smiling." Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang sinabi niya, napapout agad ako, inirapan lang ako ni Sy at nagsisimula nang maglakad paalis.
"Just wait me here."
"Kuya, no need na talaga!" Malakas na sigaw ni Sy, umiling lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.
"Fuck!" Rinig kong malutong na mura ni Janine sa tabi.
"What's wrong?" Nagtatakang tanong ko rito at tinaasan siya ng kilay, umiling iling lang siya na para bang hindi siya sang-ayon sa sinabi ni Sy.
There's something wrong here, and I need to know that 'something'.
Damn, kuya is really crazy, alam niya nang pabagsak na ang kompanya pero bakit ang tigas ng ulo niya. Pabagsak na ang kompanya kaya nga subrang busy ni kuya sa nagdaang araw at kaya ko rin inaya si Portia na mag boracay kami dahil gusto ko siya ilayo kay kuya. Bakit? dahil alam naman nating mas gugustuhin pa ni kuya na nasa tabi siya ni Portia kaysa sa isalba ang kompanya.
Distracted siya kay Portia kaya kailangan kong ilayo siya kay kuya pero ano 'to? nalaman pa rin niya kahit anong gawin ko.
Gusto na niya atang mawala ang kompanyang iniingatan niya at pinaghirapan niya. Kasama ako no'ng inoferan siya ni mommy at daddy na siya na ang mag take over nang family company namin pero hindi niya iyon tinggap, gusto niya kasing siya mismo ang gagawa ng sarili niyang kompanya na walang halong apelyido namin.
Kasama din ako no'ng sinisimulan pa lang ni kuya ang kompanya niya at masasabi ko lang na naghirap siya ng husto at hindi ko pababayaang mawala sa kanyang ang kompanya.
Kung kailangan kung ilayo si kuya kay Portia gagawin ko.
Hindi ko alam pero talagang may mali sa pag-aya sa akin ni Janine, para bang gusto niya akong ilayo sa kung sino man. Hindi naman pwedeng si Sy dahil alam naman niya kung gaano ka gusto ni sy sa tabi ko.
"Argh, nakakalito!" Inis kong sinabunotan ang sarili ko. Wala na rito si Janine dahil pumunta ito sa cr saglit, si Sy naman wala pa rin dito, hindi pa ata tapos sa pagliligpit.
"Now, let's go." Prenteng sabi ni Symon. Napatingin agad ako rito at ngumiti, mabilis naman niyang kinain ang nakapagitan sa amin at kaagad niya akong inakbayan at pinadaos-os ang kamay niya sa akin.
"Okay, let's go." Nakangiti kong sabi, ngumiti rin siya sa akin. Inalalayan niya akong makapasok sa sasakyan at mabilis na umikot agad siya para maupo sa tabi ko.
"Wow, hindi niyo manlang ako hinintay." Naiinis na sabi ni Janine at padabog na umupo sa tabi nang driver, tinawanan lang namin siya. Lumapit pa sa akin si Sy at nagulat na lang ako ng angkinin niya ang labi ko.
"Mhh" Irita ko siyang tinignan dahil kinagat niya ang labi ko, ngumisi lang siya sa akin at inakbayan ulit ako. Inirapan ko ito.
"Sana all!" Rinig kong bitter na sigaw ni Janine.
"Tara na manong baka hindi na tayo matuloy at gustuhin na lang nang dalawang nasa likod na magkulong sa kwarto." Iling-iling na sabi ni Janine, namula naman ako dahil do'n, ngumisi lang si Sy.
Mayamaya ay umandar na ang kotse. Napatingin ako kay Sy na nakapikit na ngayon, inilingan ko ito at kinuha ang cellphone at sinaksakan ng headset. Nagulat na lang ako nang kunin ni Sy ang isa at inilagay sa tenga niya at muling pinalig ang ulo sa balikat ko. Hindi na lang ako kinibo at ipinikit ko na lang ang mata ko at tuluyan ng nakatulog.
Napamulat ako nang maramdaman kong may gumalaw, bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Sy na nakatingin sa labi ko. Napakagat labi ko na lang siyang tinignan.
"Does it still hurt?" Nag-aalalang tanong niya, umiling lang ako.
"Good, then I can take a bite again." Naglaglag ang panga ko.
"Perv!" Naiinis na singhal ko, tinawanan niya lang ako. Agad akong bumaba sa sasakyan at bumungad sa akin si Janine na tinitignan ang paligid. Nang mapansin niya ako ay napatingin agad ito sa akin.
"May dala ka naman sigurong bikini, 'di ba?" Nakataas na kilay na tanong niya, tumango lang ako.
"Good then." At saka siya umalis, napatingin agad ako kay Sy nang akbayan niya ako.
"Don't you dare wear a bikini." Nanlilisik na matang sabi ni Sy saka naglakad paalis, nagulat ako no'ng bigla siyang humarap sa akin.
"Or else you will say hi to your body, full of red marks." Napaawang ang labi ko sa gulat.
Sabi ko nga hindi na magsu-suot ng bikini. Mamatay na mag-suot ng bikini.
A/N:
Tabi Ele ako na HAHAHAHA. Don't forget to follow me here to be updated, tysm.
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...