Lahat naman tayo naranasan ang unang tibok ng puso. Unang pagkabog nito para sa taong di natin inakalang maaakit tayo. Sa sitwasyon ko, itoy tumibok sa "katulad" ko ng kasarian. Oo, kasi nasa Pilipinas tayo kaya "katulad" ko. Kung ating bubuksan at mas lalawakan ang kaisipan, ito'y normal lamang gaya ng sa babae at lalaki. Ang kaibahan lang ay di ito pasok sa koseptong nakalakihan ng karamihan.
Ako nga pala si Ruis, 22 years old.
I wanted to be called Ruissa or Issa for short. Ganda diba? Babaeng babae 😅So ayun na nga. Tumibok yung puso ko nung pagkatungtong ko ng unang taon sa highschool.
If I remember it right, pagkababa ko ng tricycle, dun ko sya nakita sa may bandang entrance ng school na papasukan namin nakasuot sya ng green and white shirt at umiinom ng tig-5 pesos na slurpee na mountain due yata yung flavor.
Entrance exam kasi noon. Pero shet mapapa-pass na ko agad dahil di ko inexpect na ganoon agad yung mararamdaman ko.My first love indeed 💕
BINABASA MO ANG
BITUWIN
Short StoryIto ay kuwento ng isang transgender woman na umibig, nagtiwala, umasa at nasaktan. Yes! Just like any other else, nararanasan din ito ng taong part ng LGBTQ+ community. Normal. Typical Love Story. Pero may kwento at aral.