A/N: Happy 1k waiers! At oo, masaya na ko sa 1k ╰( ̄▽ ̄)╭ Mababa kaligayahan ko eh,sorry kung korny yung tawag sa readers nitong story wala kasi ako maisip eh ≧﹏≦
Anyway, thank you po sa patuloy na pag-suporta kahit para sakin parang ang lame ng story ko (Lol, humble pa) Hinabaan ko na po yung update na to kasi matatagalan nanaman bago ako makapag-update ulit! May JS Prom kasi kami eh, kaya sorry po talaga _(._.)_
~
THIRD PERSON'S POV
Kinakabahan at di malaman ni renee kung paano niya haharapin ang nanay niya.Sa totoo lang nawawalan na siya ng pag-asa kaya malaki ang expectations niya sa stepmom ng kaibigan niyang si taffyda.
"Tita romela and dad? I'd like you to meet my bffs--"
"Mommy! Ikaw nga"
Niyakap ng dalaga na si renee ang stepmom ni taf.Laking gulat nito at biglang tumingin sa direksyon ni taf, nagkibit balikat lang ang dalaga.
Laking gulat naman ng aura ni jiro na nakaupo pa din sa sala,hindi makapaniwala na buhay pa nga ang nanay ni renee.Isang malaking IMPOSIBLE ang nasa mukha ni jiro ngayon.
"Uh. Hija? Sorry pero hindi ako ang mommy mo."
"Mommy ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na to, nung sabi ni blue sakin? Nagka-kutob na ko na ikaw ang mommy ko.Siya pa nga mismo nakahalata eh"
"Hindi kita maintindihan hija"
"Atlast! Nakita na din kita mommy, namiss kita! Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita?"
"Sorry my dear but I don't know you.."
"H-huh? Imposible mi eh.."
(A/N: Mi. Short for Mommy.K.)
"Excuse me, taffyda? Anong ibig sabihin nito?"
"D-dad..ano kasi.."
"Tito wag niyo po pagalitan si taf,sadyang laking tuwa ko lang po kasi nakita ko na ulit si mommy!"
"Sorry sa mommy mo hija pero hindi ako yun eh.Maaaring magkamukha nga kami pero hindi kami iisa.Pasensya kana kung nabigo kita.." sabi ni romela habang hinihagod ang likod ni renee.
"No! Don't reject your own daughter! Don't you ever reject me! Please.. I beg you mommy..bumalik kana samin ni dad." Pagmamakaawa ni renee.
"Renee..halika na tumayo kana diyan.." sabi ni jiro habang tinatayo si renee dahil nakalumpasay na ito sa lapag.
"Mi.."
"Taf ilabas mo na yang kaibigan mo dito, ginugulo niya lang ang tita romela mo."
Hindi nagpapilit si renee at kusang lumabas ito sa bahay.
"Renee sorry kay dad..I'm sorry din kasi hindi siya ang mommy mo,bet pa naman kita maging stepsister.."
"Hindi..alam ko sa sarili ko na siya ang mommy ko! Hindi pwedeng hindi!"
"Renee! Gumising ka nga! Sa totoo lang patay na ang mommy mo eh! Hindi ko alam kung anong meron sa mundo at may nabubuhay pang kamukha niya! Wag kana umasa renee! Please lang.."
"Ano? Alam kong hindi totoo yan jiro! Sinasabi mo lang yan para hindi ko ipagsiksikan ang sarili ko sa stepmom ni taf!"
"No renee..Totoo yun lahat.."
"Paano mo nasasabi lahat yan ha?! Paano!"
"Hindi pa tamang panahon para sabihin sayo lahat.."
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Teen FictionA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?