Minsan naghahanap tayo ng perfect time, perfect place at perfect person. Pero paano kung wrong timing yung mahal mo, hihintayin mo ba si Mr. Perfect, eh nandiyan naman si Mr. Wrong na willing maging wright?
Hi! Ako nga pala si Nicole Kim Rivera. Fourth year highschool na ako. As a graduating student, nagfofocus ako ngayon sa pag-aaral ko. Ewan ko nga riyan sa mga kaibigan ko eh! Kahit hindi sila nagsusunog ng kilay para makakuha ng matataas na grades ay malalaki naman ang mga marka nila. Inspired daw sila eh. Nubeyen! Hindi ako makarelate :( Joke lang haha :D Masaya naman ako sa piling ng mga kaibigan ko eh :)
Nandito ako sa room ngayon, syempre nag-aaral, estudyante kaya ako :P Nakaupo ako sa may likod ng room. Habang nakikinig ako kay sir ay bigla siyang tumigil sa pagdi-discuss.
"Mr. Abella, this is the third time I caught you talking. You're disturbing my class!" sabi ni Sir Tolentin.
"Ahm sir, eh kasi po. . . . ahm. . . eh" pautal-utal na sagot ng kaklase ko.
Nubeyen! Istorbo naman tong si Jayrus oh. Ang ganda na nong discussion ni sir eh. Napakadaldal talaga -.-
"You transfer to the sit beside Ms. Rivera so that you can avoid talking again." dagdag na sabi ni sir.
Napakamot na lang ng ulo ang kaklase ko at nagsimulang lumapit papunta sa tabi ng upuan ko.
"Hi" bati niya sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya bilang ganti.
Parang ngayon lang nagkakilala noh? Haha. Classmate po kami niyang si Jayrus since first year. Hindi lang talaga kami close. Sa ibang salita, hindi ko kaclose ang mga lalaki. Opo, tama yong nabasa niyo.
Natapos ang araw na iyon na puro discussion.
Sa sumunod na mga araw, di ko namalayan na naging close na pala kami ni Jayrus. Napakadaldal niya kasi talaga eh. Gusto ko kasi kausap yong taong may sense of humor. Dahil sa palaging pag-uusap namin, minsan na kaming nahuli ng Sir namin. Habang nag-uusap kami, di ko namalayan na nakatingin na pala ang mga kaklase at titser ko sa'min.
"Mr. Abella at Ms. Rivera, mukhang nagkakamabutihan na kayo ah." may ngiting sabi ng guro namin.
"Ayeeeeeeeeee......." hiyaw ng mga kaklase ko.
Napayuko na lang ako sa hiya. Feel ko kasi namumula na ako eh. Pero itong seatmate ko ay tumawa lang.
Lumipas ang mga araw ay naging mas close pa kami ng seatmate ko. Ang saya niyang kasing kasama eh. Isang beses nong umabsent siya ay nalungkot talaga ako. Ewan ko kung bakit. Baka nasanay lang ako sa presensya niya. Ang tamlay ko talaga ng araw na iyon.
"Hoy Nicole, ang close niyo na ni Jayrus ha. Minsan ka na lang sumasama sa amin." sabi ni Jhonna.
"Oo nga." may pagtatampong dugtong ni Noemi.
"Pasensya na kayo ha? Ang sarap kasing kasama si Jayrus eh." may ngiting sabi ko.
"Eh bakit kami? hindi? :(" sabi ni Noemi.
"Hindi naman sa ganun. Eh kasi...."
"Sabihin mo na lang kasi na may gusto ka don kay Jayrus." sabi naman ni Shaira.
"Wag ka nga! Ano bayang pinagsasabi mo?" pagsisinungaling ko.
Oo. Inaamin ko na may gusto na ako kay Jayrus. Bigla ko na lang kasi iyong naramdaman eh. Ewan ko ba. Hindi ko nga gusto itong nararamdaman ko eh. Hindi pa ako ready sa ganyan. Bahala na lang si Batman sa akin. Haha (close kami ni Batman :P)
Dumating ang araw na hindi ko inaasahan. Bigla kasing nagtanong sa akin si Jayrus habang nakikinig ako kay teacher.
"Niki, papayag ka ba na ligawan kita?"