My fingers flew across my keyboard as I type furiously. Damn thesis. Wala naman akong kaalam alam dito. Idagdag mo pang ang ingay sa canteen, lalo akong walang maisulat.
"Vanessa, anong chapter nga ulit yang ineedit mo?" tanong ng leader namin.
"Chapter 1" tipid kong sagot. Wala naman akong matinong ginagawa dto eh, pinapalitan ko lang ng mga synonyms yung mga words.
"Ganon? Sige si Albert nalang yung sa chapter 3" sabi niya sabay tawag sa isa pang batugan naming kagrupo.
I never help in these shits, I was even about to cut class earlier. Wala naman akong pakialam kung bumagsak ako sa subjects ko.
Pero naharangan ako ni Joy kanina, yung leader namin. Tatakasan ko nalang sana siya kung hindi ko lang nakita yung pinakamamahal ko na tablet na nasa kamay niya. Hayop, ginawa niya pang hostage.
Kung tutuusin, ang dali lang sanang kunin nung tablet ko sa kamay niya kaya lang parang paiyak na si lider eh. Stress na stress sa thesis.
"Oh." Sabi ko sa kanya sabay lapag ng flashdrive sa harap niya.
I've done my part, siguro naman pwede ko nang kunin yung tablet ko?
Isinaksak niya muna yung flashdrive sa laptop niya, siguro para icheck yung edit na ginawa ko. Bago pa niya nabuksan yung file, umalis na agad ako, dala dala ang tablet.
"Vanessa! Ano to?" tanong niya.
Research yan Joy, di mo alam? Pero sayang, hindi ko na siya masasagot kasi nakalayo na ako sa kanila
"Hoy Vanessa! Bumalik ka nga dito--, teka PAANO MO NAKUHA YANG TABLET? VANESSA!!!"
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad, parang walang narinig.
Niiiice, freedom finally. Malapit na sana ako sa gate nang may humarang na naman sakin.
Ano bang meron sa mga tao ngayon at palagi nila akong hinaharangan? Gusto ba nilang masagasaan ha?
"Hey Van!" a random guy approached me.
I just looked at him with a bored expression. Sino ba to? Kung networking to, isasaksak ko talaga sa bunganga niya yung flyer niya.
Pero mukha namang hindi? He doesn't look like he can convince someone. He actually looks kinda cute if not for the fact that he's wearing glasses and his hair is fully arranged you can't see a single strand standing.
"Ah, hehe pwede ka bang makausap?" Tanong niya sabay kamot sa batok na parang nag aalinlangan.
Tinaasan ko lang siya ng kilay, a sign asking 'what the fuck do you want?'
"Can I talk to you in private?"
"No." a simple answer for a simple question. Lalampasasn ko na sana siya nang hinarangan na naman niya ako.
"Teka sandali. Van it's not what you think."
But I'm not thinking anything, though? Gusto ko lang umuwi.
"I just... I need your help on something."
"I don't do helps, boy" sagot ko sa kanya. Ang ayoko sa lahat, yung hinaharangan ako.
"Please? It's a life and death situation."
Seriously, this guy is getting on my nerves. Ano bang pakialam ko sa 'life and death situation' niya?
"Yeah, and I don't care." I tried walking past him and finally, hindi na niya ako hinarangan.
Hindi nga niya ako hinarangan pero sinusundan niya naman ako.
"My sister is getting married the day after tomorrow. It's actually an arranged marriage, I know it's already 21st century and all, but yeah, it still exists." Simula niya. Hell yeah, like I care.
"She didn't want to get married to a total stranger so she wanted to run away as soon as possible. But the problem is, my parents locked her up in her room and I can't help her out since I don't even know where the key is."
If he thinks I'm listening, then he is damn wrong. Sinasayang niya lang ang laway niya.
"She can only escape on the exact day of her wedding. I already booked a flight for her on that day pero yung flight niya is 20 minutes pa after the wedding ceremony. If my parents find out that my sister's plan, they will do all means, and I mean all means, to stop her. Kaya kailangan hindi malaman nila mama at papa na aalis si ate, at least hanggat hindi pa nakakaalis yung eroplano."
Patuloy pa rin ako sa paglalakad habang siya ay patuloy sa pagsunod sa akin
"This is where you come in. You have to pretend to be my sister and stall the ceremony for at least 20 minutes. That way, hindi malalaman nila mama na umalis si ate."
"You have the same height and body build with my sister. Hindi nila mahahalata. Plus, you'll be wearing a thick veil."
"I can't think of anyone else who's capable of doing this Van."
I don't want to get violent, but if ever he says one more word, I swear I'll—
"30,000 pesos"
That made me stop. Usapang pera na eh, so of course I have to listen.
"I'll give you 30,000 in exchange of ruining my sister's wedding."
Now that's what we're talking about. Kung kanina niya pa yun sinabi edi sana nakinig ako sa story-telling niya.
I faced him with a smirk on my face.
"Besides, you love making troubles, right?" pahabol pa niya, medyo hinihingal pa nga siya eh. Ang konti lang nung nilakad namin, hingal na siya dun?
"Make it 50,000" sabi ko. I would've accepted the 30,000 earlier pero nainis kasi ako sa panghaharang niya kanina.
Arranged marriages are a thing for rich families, so barya lang yang hinihingi ko para sa kanya.
"What? But that's too much." Reklamo niya
I shrugged. "Your call." Kung ayaw niya, edi wag. Madali lang naman akong kausap.
"WAIT!" natataranta niyang sabi
"Can you promise me you'd do all possible ways to stall the wedding?" tanong niya.
Oh c'mon! wala ba siyang bilib sa akin?
"I don't do promises," I have to make it clear to him first. "and I don't need all possible ways. I only need one way, and that is Vanessa's way."
He gulped first, like he's about to make a deal with the demon
"Then it's a deal." Oh right. You're actually making a deal with a demon.
He reached his hand, offering a handshake. Napatawa naman ako ng konti sa ginawa niya. Uso pa pala yun?
Pero dahil ang cute niya, at bibigyan niya ako ng 50k, tinanggap ko nalang rin ang kamay niya. Baka mangalay yung bata eh, kawawa naman.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Shoooocks! This is actually harder than I thought :<
Bear with me please, I'm still adjusting. Still, please vote and comment guys! It'll mean a lot ^_^
BINABASA MO ANG
Unsocioway
Novela JuvenilRuining a wedding for 50,000 pesos? Hmm, not bad. It's not everyday you get to ruin someone's special day, not to mention you'll get paid for it. Creating troubles is a piece of cake for Vanessa Flores. After all, that's what she's been doing since...