KABANATA 01
Ilang beses na ba tayong nahulog sa karakter ng mga libro?
Ilang beses na ba nating nasabi ang salitang 'sana tunay sila?'
Ilang beses na ba tayong naghangad na magkaroon tayo ng katulad ng sa libro kung saan may magandang kwento?
Pero, minsan ba ay naisip natin kung anong kwento ang meron sa likod ng sumulat ng mismong kwento? Kung ano ang nagbigay dito ng inspirasyon para maisulat ang librong nagpakilig, nagpatawa at nagpaiyak sa atin?
"Thalia, you have to study your lessons." mabilis kong isinara ang laptop ko ng marinig ko ang seryosong boses ni papa.
Nilingon ko siya at nandoon siya sa amba ng pintuan ko at nakahawak sa doorknob ng pinto habang nakatingin sa akin. Medyo napangiwi ako dahil nahuli na naman ako ni papa.
"Okay po,"
"Malapit na ang exam niyo. Review." Matigas niyang utos kaya tumango ako bilang sagot bago niya ako iniwan.
Kahit gusto kong ituloy ang tina-type ko sa laptop ko ay napilitan akong itigil yun at sumunod na lang sa utos ni papa. Itinabi ko ang laptop ko at kinuha ang notebook at libro ko at nag review, malapit na ang exam sa school kaya kailangan kong mag-aral.
11 pm na ng matapos ako sa pag review ko. Parang nangangati ang kamay ko na kunin ang laptop ko at ituloy ang isinusulat kong kwento pero pinigilan ko ang sarili ko, baka mahuli na naman ako ni Papa.
Isa akong manunulat ng mga kwento. Well, parang hobby ko lang siya kaya hanggang sa laptop ko lang ang mga ginagawa ko kung saan walang nakakabasa at walang nakaka appreciate. Mas focus kasi ako sa studies ko dahil iyon ang gusto ng parents ko. Kaya kahit gusto kong maghapon at magdamag na sumulat ng mga kwento ay hindi pwede. Pero kapag may oras akong sumulat ay nagsusulat talaga ako kahit hindi naman mababasa ng ibang tao ay tuloy lang ako dahil doon ako masaya e. Writing is my only escape in this world full of judgment.
Habang kumakain kami kinabukasan ay ipinakita ni Ate Althea and report card nito at sobrang lawak ng ngiti nila ni papa at mama dahil sa taas ng mga grado ni Ate Althea. Lagi naman e.
Ate Althea is already a college student and currently taking an Engineering course. Matalino si ate, lagi nga itong ipinagmamayabang nina mama at papa sa ibang tao. Habang ako? Never mind na lang. Hindi naman ako nangungulelat sa klase, sadyang matalino lang si ate Althea.
"Thalia, Good luck sa exam," wika ni Mama sa akin habang inihahatid niya ako sa school. Tumango lang ako kay mama at lumabas na ng kotse.
My parent's are both lawyers. Kaya naman mataas ang tingin ng mga tao sa pamilya namin dahil kilala ang pamilya Suarez sa probinsyang ito dahil pamilya kami ng mga may pangalan. My grandparents are doctors. May tito din akong Engineer at isang doctor, habang may pinsan din ako na malapit na ding maging doctor. Kaya gusto ni papa at mama na maging successful din katulad nila, ang mga pinsan ko ay katulad din ni ate na matatalino at may malinaw na kurso ng gustong kunin sa college, habang ako ay wala pa din akong maisip na gusto kong maging sa hinaharap.
Sa school na ito din nag-aral si ate Althea at mga pinsan ko kaya naman kahit wala na sa school na ito si Ate ay madalas pa din akong ikumpara dito, matalino daw si ate at maganda ang pangarap sa buhay, bakit daw hindi ko gayahin ang kapatid ko? Like, wtf?!
My teachers never gave me any recognition based on my abilities, lagi na lang nilang idinidikit ang pangalan ni ate sa akin at mga pinsan ko. Katulad na lang noong nanalo ako sa isang quiz bee sa English, namana ko daw kay ate Althea ang galing ko sa English. Seriously?
My classmates were also giving me hard times because of my family background, kung mag do-doctor ba daw ako tulad ng pinsan ko o Engineering o mag la-lawyer din.
BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (✔️)
Teen FictionA Writer's Love Story Si Nathalia Suarez ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. She loves to write stories based on her creative imagination. And her dream is to become a writer someday. A writer who can inspire people thru her books. Ngu...