Ella's POV
Maaga akong nagising dahil ayokong mahuli sa klase lalo na't first day of class ngayon. Dali dali akong pumunta sa CR para maligo. Kahit antok na antok pa ako kasi anong oras na ako kagabi natulog dahil sa kakabasa ng libro. Pagkatapos ko maligo ay nagsuklay ako. Yes you heard it right kahit namn nerd ako ehhh marunong rin namn akong mag ayus ng buhok ko. Pagkatapos kung mag ayos ng buhok ay kinuha ko na ang makapal kung salamin sabay labas sa kwarto at pumunta sa kusina para magbreakfast.Pagkatapos kong kumain ay agad kong kinuha yung taperware na may lamang pagkain na inihanda ni mama para sa lunch ko mamaya. Nang marating ko ang bakuran ay agad kong nilagay yung bag ko sa basket ng bike ko at nag umpisang nagpedal papuntang paaralan.
Ilang minuto lang ang iginugol ko sa pagpedal dahil malapit lang namn yung paaralan ko sa bahay namin. Agad kong pinarke yung bike ko at kinuha yung gamit ko na nasa loob ng basket ng bike ko.
Habang naglalakad ako ay maraming studyante ang nagbubulong bulongan tungkol sakin at yun ang dahilan kung bakit napapayuko nalang ako habang naglalakad papunta sa classroom.
Pero hindi ko napansin na may kasalubong akong lalaki dahil nabunggo ko sya at nahulog yung lahat kong gamit sa sahig.
"Sorry". Sabi ko sa lalaking nabunggo ko.
Agad ko iyong pinulot pero sa hindi inaasahan ay agad na yumuko ang lalaking nabunggo ko para tulungan akong pulutin ang mga gamit kung nalaglag.
Magpapasalamat na sana ako ng mapatitig ako sa mukha nya. Ang gwapo nya mga bes! Uy kahit na nerd lang ako my taste rin ako noh! Pero agad rin akong nabalik sa wisyo at nagpasalamat sa kanya pero nagsmirk lang sya! Hmp! Akala ko mabait may pagkasuplado rin pala...
Hay... makapunta na ngalang sa classroom.Pagkapasok ko palang sa classroom ay agad na king napansin si kim na nakaupo malapit sa may bintana at mukang may iniisip na malalim.
Nang makarating ko malapit sa pwesto nya ay agad akong umupo, hindi niya iyon napansin dahil tulala ang loka hahaha....Tinapik ko sya sa balikat "uyy Kim ba't ka tulala dyan?" Sabi ko at agad din siyang humarap sakin.
"Wala." Sagot niya.
Napatango nalang ako at umayos ng upo.Maya maya napansin ko na madami na palang tao sa classroom pero merong nakaagaw ng pansin ko... alam niyo kung cno yun?...
Si Mister Sungit!!
"Psh. Kaklase ko pala sya?" Sabi ko.
"Pinagsasabi mo dyan Ella?" Sabi ni kim.
Agad ko syang nilingon "kilala mo ba yun?" Sabay turo dun kay mister sungit.
"Ahh si Lew. Bakit?" Sabi ni Kim na nakatingin rin kay Josh na natutulog sa unahan namin na malapit rin sa bintana.
"Ahhh..... kasi kanina nabunggo ko sya sa may hallway."
"Weh 'di nga? Totoo?" Ani ni kim na animo'y d makapaniwala.
Mukha ba akong nagloloko?"Oo nga.... nahulog pa nga yung mga libro an bitbit ko eh. Tapos tinulungan nya ako sa pagpulot nun" sabi ko.
Pagkakuwan eh nagulat nalang ako ng bigla nya akong pinaharap sa kanya. "Sigurado ka?" Sabi niya na parang d makapaniwala.
"Aish! Oo nga"
Sa huli ay umupo nalang sya ng maayos at parang may binubulong sya. Hays.... bahala nga siya.
Umupo nalang ulit ako ng maayos at tinignan si Lew na natutulog.Ano ba kasing meron sa Lew na yan at parang d makapaniwala tong si Kim na tinulungan akong magpulot ng mga gamit ko?
Lumipas ang ilang oras ay dumating na rin sa wakas ang adviser namin at nagpakilala sa amin. Syempre di mawawala yung "Introduce yourself" hahahaha....
Agad na tumayo ang unang row para magpakilala at sumonod rin kami.
"Hi. Good morning everyone my name is Ella Lopez, I'm 16 years old." Sabi ko at agad na bumalik sa upuan.
Sunod na nagpakilala ay si Josh na "Hi I'm Lew Agustin." Pagpapakilala nya at bumalik sa upuan.
Yun lang? Ang tamad namn neto magpakilala.
Natapos ang unang subject namin at ilang saglit lang dumating rin agad yung pangalawa naming subject teacher.
Natapos yung pangalawa naming subject ay recess time na!
Yes! Pagkain nanaman bruhhh hahahahah
30 minutes lang yung recess namin pero bumili lang ako ng kaunting pagkain sa canteen at agad na bumalik sa classroom para doon kumain.
Habang kumakain ako napansin ko na naduko pa rin si Lew mula kanina. Pero wag nalang natin siyang pansinin kumain nalang tayo dahil baka maabotan tayo ng time.
Natapos yung recess namin at third subject na namin.
Pakilala....
Discuss....
Fourth subject....
Pakilala....
Discuss....
Finally lunch na hayst nakakagutom magpakilala. Agad kong niligpit yung mga gamit ko at sumabay kay Kim papuntang canteen.
Pagkatapos bumili ni Kim ng lunch niya ay agad kami pumunta sa garden ng school. Doon kami tumatambay every lunch dahil refreshing, walang maingay, at walang mga chismosa.
Habang kumakain kami ni Kim ay napansin kong hindi masyadong nagsasalita si kim kaya naman tinanong ko sya.
"Psst. Uy Kim bat ang tahimik mo ata ngayon?" Tanong ko.
"Huh? Ahh wala may iniisip lang ako haha. Kumain ka lang dyan wag mo na akong intindihin" sagot niya.
"Ano ba kasi yang iniisip mo?"
"Ano kasi... ahmm kasi diba kanina sabi mo nagkabungguan kayo ni Lew."
"Oh tapos?"
"Ehh kasi ganito yan. Si Lew isa siya sa mga campus crush tsaka isa rin siyang varsity player ng Volleyball isa siyang setter kaya maraming nangangarap na mapansin niyan pero ikaw nabunggo mo siya at ang malupet pa dun ay tinulungan ka pa niya!."
"Ehh??"
"Oo pero bully rin yan minsan."
"Ahhh ganun bah?"
"Oo. Kaya nga mag ingat ka diyan sa kaniya. Pero ang alam ko mabait din daw naman yan pero alam mo naman na campus crush yan mas better na mag ingat ka pa den."
"Hayst oo na."
"Good. Pero sana walang mambully sayo"
"Sana nga hayst"
Hayst paano na yan sana walang mambully sakin kung hindi kataposan ko na huhuhuhuhuhu.
Natapos kaming kumain ni Kim na lutang ako d ko alam kung paano ako nakabalik sa classroom basta nakabalik wushooo.
Niligpit ko yung kalat na naiwan ko kanina sa table ko dahil maya maya lang ay darating na yung subject teacher namin sa P.E.
Pagdating ng P.E teacher namin ay binati nya muna kami at nagpakilala saamin.
Kumuha ako ng papel at ballpen para isulat yung grading system namin at pagkatapos nun ay in-explain nya yung mga sinulat niya sa board at nag paalam saamin.
Dumating yung history subject namin at ayun pakilala nanaman tapos discuss at nagpaalam.
Science teacher
Pakilala....
Discuss...
T.L.E teacher
Pakilala....
Discuss....
And finally uwian na! Agad akong n nag ayos at nagpaalam kay Kim na mauuna na ako sa kaniya sabay takbo papunta sa parking lot para kunin yung bike ko. Pagkakuha ko ng lock sa bike ko ay agad akong sumakay at nagpedal pauwi.
1140
Sa author na kilala ko dyan dahil pinupush mo talaga na ituloy ko 'tong story na 'to ohhh ayan na ha chapter 1 lang muna hahhha sana ok na sayo yan hahahah u know na kung cn o ka hahhha labyuhhh
Bibi_ella😚
YOU ARE READING
My First True Love
Teen FictionHindi mn ikaw yung pinangakuan ko nung una hindi mn ikaw ang first love ko ikaw naman ang pakakasalan ko at ikaw naman ang first true love ko