CHAPTER 10

16 4 0
                                    

A/N: HAPPY NEW YEAR!! Thank you for reading. Enjoy❤





UNTI UNTI AKONG nagmulat at ang unang-una kong nakita ay si Hector na nasa paanan ng kama, titig na titig sakin.

Buset talaga bang tinititigan niya ako habang natutulog? Tss!

Agad akong bumangon at sumandal sa headbord ng kama. Tiningnan ko ang relo ko at halos 2 hours akong nakatulog.

Mag fo-four o'clock na kasi.

"How's your sleep?" Nakangiting tanong niya.

"Ayos lang naman" bumuntong hininga ako. "Nakatitig ka lang ba sakin habang natutulog ako?"

Tumango siya. "Sorry hindi ba pwedi? I can't get enough kasi e you're too cute when you're sleeping" ngumiti siya.

Tss! Kung matulog nalang kaya ako lagi para sabihin niyang cute ako? Huh asa. Kahit dilat na dilat mata ko cute naman ako 'di na kailangan uy.

"Hindi na masyadong ma init Yrah baka gusto mo maglakad-lakad sa labas" suhestiyon niya.

Tumango nalang ako sa kanya.

Nandito kami ngayon sa tabi ng dagat naglakad lakad. Syempre nagpalit ako ng maong shorts at t-shirt noh. Mahirap maglakad ng naka dress sa tabi ng dagat.

Binili niya tong suot ko ngayon habang natutulog ako. May pares rin ng tsenelas kaya ayos.

Medyo malayo na ang nalalakad namin kaya inanyayahan ko muna siyang ma upo.

Habang nasa tabi kami ng dagat ay tahimik lang akong nanonood ng mga alon.

"Ang sarap ng buhay mo Yrah noh" nangunot ang noo ko nang sabihin niya iyon.

"Bakit mo naman na sabi?" Naguguluhang tanong ko.

Ang yaman-yaman kaya nila tapos sasabihin niya sakin yan. Sigurado naman akong masaya yung buhay niya ah Tss!

Nakaramdam ako ng kalungkutan nang makita kong naging malungkot ang kanyang aura. Kahit nakangiti siya ay bakas sa mga mata niya ang kalungkutan. I felt sad seeing him like this.

"Kasi na enjoy mo yung kabataan mo" walang buhay niyang sabi.

Mas naging malungkot pa ang mga mata niya kahit ngiting-ngiti siya. Bakit siya ba hindi? Wala ba siya ka experience mag duwa sa gawas?

"Bakit ikaw ba hindi?" seryosong tanong ko.

Umiling siya pero nakatingin lang siya sa malayo. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya. Hindi ko lubos ma isip na may dinadala pala siya sa buhay.

Kasi, ang buti niyang tao ngayon. Usually kasi kapag ginaganyan ng parents ay nag rerebelde ang anak nila.

"I never had the chance to play outside, to bond with friends. Well I don't even have friends" umiling siya bago ngumisi ng bahagya. Parang tinatago niya yung nararamdaman niya yet nararamdaman ko naman na malungkot siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Malungkot ngunit naguguluhan kong ani.

Siya lang rin yata yung taong nakilala ko na walang kaibigan.

Nakakalungkot kaya yon. Ako nga kung wala si Eve siguro ay wala rin akong kaibigan.

"Only child ako and mommy is over protective to the point na ayaw niya akong palabasin baka anong mangyari sakin" umiling siya. "Damn lalaki ako and kaya ko ang sarili ko pero hindi ko pa rin siya maintindihan" bumuntong hininga siya.

Nanatili nalang akong nakinig sa kanya.

"Home school ako since kindergarten to elementary to high school" patuloy niya. "I thought in college papayagan na niya akong mag-aral sa university but I was wrong. She still chose na mag home school parin ako" kwento niya.

The Man from Different World | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon