Chapter 11

106K 1.1K 85
                                    

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 11

“Be a friend to the one you love.”

George

That night was the best so far. Why was I so happy and giddy after that? Kasi nakasama ko siya, ang lalaking puwede ko nang sabihing pinapangarap ko. Siya na ginagamitan ko ng 10 steps on how to have a boyfriend mula sa spam message na I must say dahilan kung bakit nagkakakulay ang buhay ko ngayon. Nakasabay ko siyang kumain, nakasayaw, nakakuwentuhan, at nahawakan ko ang kamay niya.

‘Yong feeling na, napakalaking bagay na niyon para sa’kin. Kasi‘yong feelings ko parang nagle-level up.

Padalas nang padalas ang hindi pagkalma ni Heart. Lagi na lang may dumadagundong sa dibdib ko. Whenever he’s near, I feel like I’m flying. Laging kakaiba. Parang ang saya-saya na kinakabahan na hindi ko maintindihan talaga! I’m getting weirder and weirder.

I was like…in love? No, yes, maybe. I sighed.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko at pagre-reminisce ng mga nangyari sa night ball, tumunog ang cellphone ko. It was Blesie.

Yes, hello?

SISTER! Kumusta ka na? Nami-miss na kita.

Blesie, grabe, a! Isang araw pa lang tayong ‘di nagkikita.

Kasi naman, e. I always wanna see you. And Fafa George also. I miss you both! LOL. Haha

Ang landi mo, B! Hehe. Why you so conyo?  Ikaw, kumusta?

I’m doing good. As always.

Buti naman kung gano’n.

Bestfriend, move on!

Huh?

Move on to the next level!

Ano?

Ang slow?

I don’t get you, B!

I mean, next step na! Aba nama,n o. Magpa-Pasko na.

Oh, I see.

Number 7 ka na, Girl. Kaunti na lang. Kung babagal bagal ka, e naku! Walang mangyayari sa’yo! Wala ka pa ring boyfriend sa 2013!

Number 7: Make him feel important. Pa’no? Sa 26 pa ulit resume ng work. Baliw ‘to.

Sus. Ano naman ngayon. E di mag-date kayo!

Date? No way! We’re not lovers for us to have a date!

Yes, you are. You really look cute together. Believe me.

I cannot continue the steps this break.

Yes, you can. I’ll help you. Super Blesie is your super hero!

Paano naman, aber?

I’ll text you later. Bye! Mwah! I miss you, G. I love you, bestfriend! Advanced Merry Christmas!

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon