KABANATA 02

60 5 0
                                    

KABANATA 02

The next day ay naging madali lang ulit ang exam para sa akin. At muli akong binigyan ni Jiro ng rose na muling nagpaingay sa mga kaklase ko.

Napangisi ako dahil dun. He is improving huh?

"Thalia! Let's go, ililibri pa tayo ni Jiro!" malakas na sigaw ni Alissa sa akin kaya tuloy napatingin sa amin ang ibang mga kaklase namin.

"Oo na, wag ka ng sumigaw diyan." irita ko siyang tinignan at kaagad na kaming lumabas ng classroom. Saktong nandoon si Jiro na mukhang hinihintay talaga kami ni Alissa.

"Tara?" He asked. Namumula na naman ang mukha niya, lalo na at inaasar kami ng mga kaklase namin na dumadaan.

"Let's go!" Alissa exclaimed. Napailing na lang ako sa asal ng kaibigan ko, minsan ay walang hiya talaga si Alissa.

Sa Mcdo kami dinala ni Jiro.

"Buti at naisipan mo kaming ilibre?" Alissa asked while we're waiting for the food to be served.

"Hmm, wala lang. Gusto ko lang,"

"Sana all nanlilibre kasi gusto lang," I asserted while looking at Alissa. Si Alissa na kuripot.

"Sorry my friend, nag iipon ako ng pambili ng ticket para sa pagdating ni Lee Min Ho. Alam mo naman, baka magtampo ang asawa ko." maarte nitong sabi kaya parehas kaming natawa ni Jiro sa kanya.

"Isaiah!" Biglang tawag ni Alissa sabay kaway kay Isaiah na kapapasok lang sa Mcdo. Lumingon si Isaiah sa amin at nangunot ang noo ng lumipad ang tingin niya sa akin at sa katabi kong si Jiro. Naglakad ito palapit sa amin.

What a coincidence.

"Kakain ka din? Sabay kana sa amin," ani Alissa. Hindi kaya naiintimidate si Alissa kay Isaiah? Kung titignan kasi si Isaiah ay para itong galit dahil sa seryoso nitong mukha. Pero sabagay... walang hiya naman kasi itong si Alissa.

"Okay," tanging tugon naman ni Isaiah at umorder narin ng pagkain.

"Ang gwapo ni Isaiah, kaso masyadong seryoso sa buhay," Alissa commented.

"Pero mabait siya," usal ko. Ewan ko bakit ko nasabi yun. Feeling ko mabait naman siya, tahimik lang talaga.

Tumawa si Alissa dahil sa sinabi ko at hinampas pa ako sa braso. "Sus, sabihin mo crush mo kasi." si Jiro naman ay tumingin sa akin na nagtataka.

"Crush mo si Isaiah?" Laglag balikat na tanong ni Jiro na kaagad kong itinanggi.

Pang gawa talaga itong si Alissa kahit kailan.

Pagbalik ni Isaiah ay umupo siya sa tabi ni Alissa at kaharap ako. Tumingin siya sa akin, mabilis ko naman iniwas ang mata ko dahil hindi ako komportable sa mg titig niya. Ilang sandali lang ay dumating na ang order namin.

Habang kumakain kami ay nag kwentuhan kami. Parehas kaming curious ni Alissa kay Isaiah, pero si Alissa lang ang may lakas ng loob para tanungin si Isaiah tungkol sa buhay nito. Si Jiro kasi ay matagal na naming kaklase kaya madami na kaming alam tungkol dito.

"Buti at lumipat ka dito kung nasa Manila naman pala ang parents mo?" Alissa asked. Sandaling natigilan si Isaiah sa tanong ni Alissa pero kaagad din itong ngumiti at nagkibit balikat. Ayaw niyang sagutin ang tanong.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng makita kami ng iba pang mga kaklase namin na nandito din sa Mcdo at kakadating lang.

"Isaiah! Nandito din pala kayo." ang lawak ng ngiti ni Kim ng lumapit ito sa table namin at kay Isaiah ang tingin, kasama nito ang dalawa pa nitong kaibigan na sina Paris at Jasmine. Ang tatlong maarte ng klase.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon