NANLALAKI pa rin ang mga mata ko nang bawiin ni Janine ang mga labi niya. She is as red as a tomato. Parang nagkaroon siya ng red na red na blush-on sa pisngi.
Ako naman ay naramdaman kong uminit ang tenga ko. Malamang ay pulang pula na rin ang tenga ko dahil sa hiya at ilang.
We avoided each other's gaze. Ni hindi kami makatingin sa isa't isa. There is an awkward atmosphere between us. Awkward na nga talaga ang atmosphere sa aming dalawa pero mas naging awkward pa lalo.
Kailan kaya ulit 'yung time na wala nang awkward atmosphere sa paligid naming dalawa? I miss those moments na wala kaming hiya at ilang sa isa't isa. Ngayon kasi ay parang may unspoken rule na hindi kami pwedeng lumapit sa isa't isa.
"I'm sorry," saad ko.
"No, ako dapat ang mag-sorry. It's not my intention to kiss you," tugon niya.
I smiled bitterly at her. How I wish that it's her intention to kiss me. How I wish na gustong gusto niya akong halikan gaya nang dati.
Maibabalik pa ba ang dati?
"Uhm." She looked around us. Humupa na ang mga tao kaya malaya na kami. "Mauuna na ako."
I just watched her as she went out of the church. Gusto ko siyang hilahin. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero hindi pa ngayon ang tamang oras. I have to make everything right between the two of us first before I can do that. Ni hindi pa nga ako sure kung may nararamdaman pa rin siya sa akin. Maybe her feelings faded as time passed by.
IN THE EVENING, pumunta ako sa isang restaurant. Wala pa ang kasama kong kumain nang dumating ako kaya naghintay muna ako nang ilang minuto.
I stared at the menu in front of me. Hindi ako maka-order dahil baka hindi magustuhan ng kasama ko ang o-order-in ko.
"Dito tayo, Janine." Napalingon ako sa may gilid ko at nakita ko si Janine na kasama si MJ. Umupo silang dalawa isang table lang ang layo sa akin.
I just stared at them. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang titigan pa silang dalawa kahit na may nararamdaman akong kirot sa dibdib ko.
"'Di ba, favorite restaurant mo 'to? Ikaw na ang pumili ng kakainin natin," sabi ni MJ.
My forehead creased. This is not Janine's favorite restaurant as far as I remember. KFC ang favorite restaurant ni Janine. Hindi ba 'yon alam ni MJ? Well, baka nga naman nag-iba na ang favorite restaurant ni Janine. Ilang taon na ang nakakalipas at wala na akong update sa buhay ni Janine except na lang sa mga sinasabi niya sa akin.
Masakit tanggapin ang katotohanan na wala na lang ako sa kan'ya ngayon. I am just a stranger to her now. Hindi na ako 'yong kasama niya sa saya at kalungkutan. How I wish that it is still me.
I just laughed bitterly.
"How's work?" tanong ni MJ.
"Medyo mahirap kasi nag-a-adjust pa ako sa bagong environment. You know, tatlong araw pa lang ako doon sa bago kong trabaho tapos medyo busy rin kasi maraming clients," kwento ni Janine.
"Magkasama kayo ni Aiden sa trabaho, 'di ba? Ginugulo ka ba niya?"
"Hindi naman. Kinakausap lang ako ni Aiden kapag kailangan sa work. Hindi na kami close, MJ. Para namang hindi mo alam 'yon."
"Alam ko na hindi na kayo close pero nagseselos pa rin ako na magkasama kayo sa trabaho. Si Aiden 'yon, eh. Wala akong palag kapag siya na ang pumorma sa 'yo. Talong talo ako sa kan'ya," saad ni MJ.
Gusto kong matawa. All this time ay ganito pala ang tingin niya sa akin. Sad boy pala 'tong si MJ, eh.
"Hindi pa kita pinapayagang manligaw, MJ, pero pinanghihinaan ka na kaagad ng loob? Hindi ka ba lalaban? Doon ka pa natakot sa taong hindi naman nanliligaw sa 'kin, doon pa sa taong parte lang ng past ko."
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...