Night Class

973 21 12
                                    

Night class

Malapit na ang undas at uso nanaman ang mga Halloween party. Syempre isa ang school namin sa nakiuso dito. Pag pasok ko ng school un agad ang usap-usapan.

“ Liam ppunta kaba sa party ? “ tanung ng isa kong kaklase.

“ oo kaso wala pa kong isusuot “ sagot ko naman. Sabay umupo na dahil paparating na ang teacher namin

Natapos ang class namin Ganun lang puro tanungan ng isusuot mga classmates ko talaga hapit sa Halloween mga mahilig sa katatakutan pero mabilis naman matakot hay

Uwian na ako naman nag pasya na manatili muna sa room namin wala lang boring kasi sa bahay at napag isipan ko na din na gumawa ng assignment ko . medyo maaga pa naman 7pm .

Busy akong nagsusulat sa may likod kung saan lagi aqng nakaupo nang biglang bumukas ang pinto . hindi ko naman ito pinansin kasi baka hinangin lang o may kung sinong nakasanggi .

Pero ang kasunod na pangyayari ang nagpatakbo sakin palabas ng classroom.

Natumba ang basurahan sa harapan . tumayo ako at inaayos iyon pag balik ko sa aking upuan bigla nalang akong kinilabutan parang may kakaiba akong nararamdaman ewan ko pero kinakabahan ako at hindi makakilos parang may nakatitig sakin na kung anu . dahan dahan akong  lumingon sa kanan ko at bigla ko na lang nakita ang isang babaeng nakaputi at duguan ang muka na sobrang lapit na sa akin.

Napatakbo ako at sumigaw ng malakas. Wala nang mga studyante ng mga oras na yun . its around 7:30 nadin cguro at napatakbo nalang aq sa may bodega ng school. Umiiyak at pawisan na . sobrang dilim at ang lakas pa ng ulan hindi ko na alam ang gagawin ko.

Umupo nalang ako sa isang sulok na takot na takot . nang bigla nalang akong may narinig na ingay o kaluskos na galing sa may kabilang gilid ng bodega. Nag lakas loob akong puntahan to para narin Makita kung anu man un.

Dahan dahan akong lumapit . “may tao po ba dyan? “

Wala naman sumasagot.  “ kung may tao man po tulungan niyo po ako. “

Wala padin sumagot takot na takot na talaga ako at nanlalambot ang tuhod ko. May narinig akong parang nag hehele . unti-unti pa akong lumapit boses ng babae . kinakabahan na ko bumibilis na ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa kinaroroonan niya .

Dalawang step nalang makikita ko na kung sino ang naghehele. Kinakaban na ko at sobrang takot nanlalamig na din ako. Isang hakbang ipipikit ko ang mata ko . nag aalangan pa akong humakbang at ipagpatuloy ok na siguro ito baka Makita ko na bibilang aq nang tatlo bago ko imulat ang mata ko.

Isa ……

Dalawa …….

Tatlo …….

Isang babae nakayuko . naka uniform namin . kapwa ko lang pala studyante nakapagdagdag kaba pa kanina. Tatakbo nako palabas dahil sa sobrang takot ko kanina sa nakita ko sa classroom total medyo humina nadin ng ulan

 Nang bigla siyang sumitsit .

“ ppssstt . “

Hindi ko naman ito pinansin .

“pppssstt “

Nilingon ko na siya nakayuko padin . lumapit ako pabalik .

“ ako ba yung sinisitsitan mo ? “

“ oo “ sabay angat niya ng ulo niya .

“ wwwwaaaahhhhhhh “ sabay takbo ko .

Ung babaeng duguan kanina sa classroom . siya un .

Binilisan ko ang takbo ko . habang papalabas ng campus hindi mawala sa isipan ko ung babaeng un . nakakapang hina nakakatakot sobrang bilis na ng tibok ng puso ko pati na din ang takbo ko

Biglang may humawak sa braso ko ang lamig ng mga kamay niya tapos ung buhok niya nararamdaman ko .

“ saan ka pupunta ? “

Ayoko lumingon hindi ako makatakbo sa sobrang takot . pumikit nalang ako dahil hindi ko alam ang gagawin.

Yun pala ……..

Panaginip lang ang lahat .

Buti nalang pero pag tapos ng panaginip na un parang ayoko na pumasok at mag aral sa school namin na yun . pag mapapadaan aq sa bodega natatakot ako ng sobra. Lumipat nadin ako sa first row dahil nadin sa panaginip ko.

Andito nako ngayon sa school.

“ Good afternoon class “ sabi ni maam glaiza teacher naming.

“good afternoon maam “ bati naman naming lahat

“ may bago kayong classmate .”

 Tumingin naman ako sa kasama niyang babae .

Ung babae. Ung babae sa bodega .

Nakangiiti sakin……….

Medyo matagal akong napatitig sa mukha niya at unti-unti kong naalala ang panaginip ko. Ang mukha niya sa panaginip ko na duguan …….

FIN.

night classTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon