(The settings, plots, conflicts, themes, and characters in this story are pure IMAGINATION of AUTHOR (me). If there will be happenings or events to the story that may similar to other stories I assure that it is just an COINCIDENCE and nothing else. Thank you. ^_^ -C)
May Sagot Ka Na Ba? (One Shot Story)
"Stop whispering to your seatmate! Just answer your own paper!" Sita ng teacher namin.
SURPRISE QUIZ kasi namin ngayon. No one expected this dahil wala naman masyadong nakinig sa lessons ni Ma'am. Kaya ayan, tanungan sila. Ang lakas naman kasi ng bulungan pag nagsama-sama.
"Santos, may sagot ka na ba?" Bulong ng isang demonyo. Dejoke, tao talaga na katabi ko.
"Wala akong sagot!" Pasigaw kong bulong sakanya.
"Damot mo naman Santos."
Hindi ko na siya pinansin baka makita pa kami ni Ma'am. Tsaka sanay na ko na sabihan niyang madamot. Sa apat na taon ba naman na siya ang katabi ko at kakausapin lang ako kapag mag-tatanong ng May Sagot Ka Na Ba? hindi pa ako masasanay.
Tapos naman na talaga ako sa quiz. Madali naman kasi kung nakinig lang sila sa lessons. Ayoko lang pakopyahin yung mokong na katabi ko kasi lagi na lang niya akong natataasan sa mga quizzes, activities, assignments, exercises, seatworks, exams, etc,. Buti nga sa recitation hindi siya nagtatanong kahit naman magtanong siya. HINDING-HINDI KO SIYA SASAGUTIN!! Hindi ako galit. Hindi talaga.
Ako nga pala si Charrie Santos. At yung katabi ko naman ay si John Sarmiento. Kahit kelan hindi niya ako tinatawag sa first name. Kaya ginaya ko siya. 'Di ko rin siya tinatawag sa first name niya para it's a tie.
"Pass all your papers now. Finish or not finish." Announce ni Ma'am.
Pinasa ko na sa kaharap yung papel ko. Tinignan ko naman yung lalaking katabi ko na nagsusulat. Nakita kong may sagot naman siya. Aish! Tamad lang 'tong mokong na 'to eh pero matalino naman gwapo pa. *dug-dug-dug-dug* Shit. ito na naman ang puso ko. Bwisit, OO crush ko siya, ay mali. Mahal ko pala siya matagal na. Mabait, gentleman, pala ngiti at yung dimple niya. Kaya minamahal ko siya kaso.. may girlfriend na siya.
"Damot." Bulong niya bago pumunta kay Ma'am para ibigay yung papel niya na hindi pa napapasa.
Psh. Edi ako na madamot. Siya nga 'tong mas madamot. Ayaw niyang pagbigyan ang puso kong nagmamahal sakanya. Woooh. Ge Cha banat pa sa sarili mo. -__-
"See you class tomorrow." Paalam ni Ma'am at lumabas na.
Mga nag-tayuan at nag-ayos na yung mga classmates ko. Last subject na kasi namin. Haay, salamat natapos din kami. Malapit naman na kaming grumaduate ng high school kaya konting tiis na lang. Tumayo na ko para lumabas ng...
"Santos na madamot!!!" Nagulat ako sa sinigaw niya. Grrr!!
Nagtinginan yung mga classmates namin na nasa room pa. Nakakahiya! Isisigaw na lang apelyido ko may kadugtong pang MADAMOT! Pwede naman Santos na maganda ang isigaw! Walangjo talagang lalaki 'to! Mag-rereact na sana ako ng..
"John!" Tawag sakanya ng isang boses. Boses na ayokong naririnig. Boses ng tsanak.
"Oh baby nandyan ka na pala. Wait lang." Ngiting sagot niya sa girlfriend niya.
Oo girlfriend niya yun. Ganu'n naman sila lagi sinusundo siya ng girlfriend niya o minsan siya naman pupunta sa kabilang room para sunduin. Psh. Umay.
"Ok boss! Mwaah!" Girlfriend niya.
PUT-A-HENNA niyo! Talagang sa harap ko pa naglandian! -_- Kunwari kasi nasalo ni John yung kiss nung tsanak na yun! Bwisit! Bwisit!
