Kinuha ko ang kanina pang tunog ng tunog na alarm clock at hinagis iyon sa dingding dahilan ng pagkawasak wasak na bumagsak ito sa sahig, god damn it natutulog ako ehhh kakatulog ko palang hindi na talaga ako bibili ng kapalit niyan dahil nabubuysit na ako binaon ko ang mukha ko sa unan at sumigaw ng malakas bago bumangon at inaantok na pumunta sa banyo para maghilamos, wala naman akong gagawin ngayon i just want to wake up early because i want to have an early energy morning.....lumabas ako ng kwarto at saka binuksan ang aircon ng sala bago pumunta sa kusina at nagsimulang magluto ng sunnyside up and hotdog hindi na ako magkakanin dahil tinatamad akong mag saing
Sumandal ako sa sink ng mailagay ko na sa mainit na pan ang sunny side up, i crossed my arms at napatulala na lamang sa kawalan.....
Ilang araw na simula ng mangyari ang ginawa niya sa akin sa opisina niya hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil sa iniisip at tibok ng puso ko na ayaw tumigil, nag sorry ako kay Shahara kaya naguguluhan ito sa akin at tinatanong kung ano ang problema ko wala akong maisagot kundi sorry and just saying sorry paano kung malaman niya ang nangyari ng araw na iyon? At paano kung hindi pa doon nagtatapos si Bishop? Kukunin niya ako, aagawin niya ako kay Shahara......may part sa akin na gustong gusto ang naririnig pero lamang talaga ang guilt ko dahil may Fiance na ako
Pinuntahan ko ang pintuan ng marinig ko ang pag doorbell nun, sino naman kaya ang may ganang pumunta dito? Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan at pinakinggan ang nasa labas, napailing na lamang ako at dahan dahan iyong binuksan
"H.....Hi" nahihiya itong napayuko ng makita ako
"Ohh Jammy long time no see" niluwang ko ang pintuan para makapasok ito "nabisita ka dito?"
Reporter na si Jammy at isa na ding tanyag na manunulat, meron pa din itong suot suot na salamin ngunit bagay na iyon sa kaniya she's sexy at maiksi na ang buhok.....nilagay ko na sa plato ang tapos ko ng lutuin bago pinatay ang kalan at bumalik sa sala para kausapin si Jammy
"So?" I said and smiled
Kita ko ang pamumula ng mukha nito kaya napangiti ako, ako pa din ata ang gusto ng babaeng ito....
"Tommorrow night kasi may party na magaganap para sa batch natin, i....im just inviting you k...kasama dinmga friends mo" kinuha ko sa kaniya ang invitation
Aba nakauwi na pala ang mokong, binuksan ko ang invitation at nakalagay doon kung saan i ce-celebrate ang party at sa bar iyon na malapit lang din dito sa condo ko....
"Sige sasama ako, gabi naman ehh"
"K..kamusta ka?" She asked
"Maayos naman ako, ikaw ang dapat kong tanungin niyan dahil matagal na din tayong hindi nag uusap at hindi ko alam kung saan ka laging na ba-base ehh ako lagi nalang laman ng magazines" kibit balikat kong sabi
"Im breathing fine at maganda naman ang pamamalakas ng pinagtatrabahuan ko" sagot nito
"You want anything?" Umiling ito at pinigilan ako makatayo kaya kinunotan ko siya ng noo "what's your problem?"
"C.....Chord kasi......kasi nung isang araw nagkita kita kaming mga kasali sa SSG officers" dahan dahan akong bumalik ulit sa pag kakaupo "si Bishop....he changed.....parang ibang Bishop ang kasama namin"
Napalunok naman ako, ibang iba na talaga siya gone the quiet Bishop parang isa na siyang manlalaro ng mga puso dahil sa akin? Dahil gusto niya ako makuha? Matagal na niya akong gustong makuha?
"Nandoon pa din naman ang seryoso niyang mood....ang creepy lang kasi.....he always say your name and he also tell us na pakakasalan ka daw niya, a...ano ba talagang meron sa inyong dalawa?"
"W....wala may Fiance na ako Jammy, b....baka nagbibiro lang iyon alam mo na kalokohan ko noon sa kaniya baka revenge lang ginagawa niya sa akin" pilit kong tumawa kahit na parang may bumabara sa lalamunan ko
"S...sige aalis na din ako" sabay kaming tumayo
"Take care"
napasandal na lamang ako sa pintuan ng tuluyan na siyang makalabas, that Bishop....paano kung kumalat iyon at marinig ng mga paparazzi edi sira ako-kami ni Shahara?! Kinuyom ko ang aking kamao, this is not appropriate anymore....hindi na ako nag abala pang kainin ang niluto ko mabilis pa sa alas kwatro akong nagbihis at lumabas ng aking condo sumakay ako sa aking kotse at pinaharurot iyon, mabilis ang patakbo ko na halos liparin ko na ang papuntang company kakauspin ko siya.....
"Sir busy po si---" i stopped Bishop secretary
"I am the boss not him....." malamig kong sabi at marahas na binuksan ang double door niya
"Well....well.....well anong hangin ang nagdala sayo dito?" Nakangisi niyang sabi
Hinaklit ko ang kaniyang necktie kaya napalapit ito sa akin, mapag laro niyang tinaas ang kaniyang dalawang kamay na animo'y sumusuko sa mga pulisya
"Ano ang sinasabi mo kala Jammy?!" Inis kong sabi
"Ahhh.....sinabi niya ba sayo?"
"Oo at hindi pwede ang ganun Bishop....hindi na tayo bata para mag away ng ganito pero binibigyan mo ako ng dahilan" tumawa ito at maya maya ay biglang nag seryoso
Gusto ko mang lumayo ngunit hindi ko na kaya dahil nanginginig ang mga tuhod ko at sa paghawak sa kaniyang necktie nalang ako kumukuha ng suporta para maitayo ako ng maayos
"Binibigyan mo din ako ng dahilan para halikan ka" susuntukin ko na sana siya ng bigla nalang sumulpot si dad sa gilid namin at paghiwalayin kaming dalawa
"Ano nanaman ba ang kaguluhang nangyayari dito?!" Bulyaw nito sa amin "kung saan may edad na kayo ay para kayong nagiging bata sa ginagawa niyo ngayon, kung gusto niyo magsuntukan pwes lumabas kayo ng kompanya ko!!"
Magsasalita na sana ako ng tignan ako ng nakakakilabot ni Bishop
"Hindi lang po kami nagkaintindihan na nauwi sa inisan, Chord is a short tempered man tito"
Ako pa talaga ang sinisi hindi naman ako maiinis o magagalit kung wala siyang sinasabing ganung salita sa akin!!
"Chord tumigil ka na sa kalokohan mo, hindi ka nandito para makipag away!!" Inis akong lumabas ng opisina ni Bishop
Halos suntukin ko na ang pader sa sobrang inis sa kaniya!!
(Please vote and comment!!)