MEETING here, meeting there. I am busy for the whole day. Dapat ay lunch time ko na pero may tinatapos pa akong blueprint.
Every employee in the Architecture and Interior Design and Decoration Department are busy. May nira-rush kaming project. Ang dapat na deadline ng project na 'to ay 3 months from now pero ginawang 1 month from now. Finishing touches at final details na lang naman pero nagmamadali pa rin kami dahil medyo marami pa rin ang kailangang gawin.
"Mag-lunch na tayo, Aiden," sabi ni Pat. "Lunch na everyone!"
Nagsitayuan na ang mga co-workers namin. Kung hindi pa sinabi ni Pat na lunch na ay malamang ay hindi nagsitayuan ang lahat.
Pagdating namin sa canteen, agad kaming bumili mg pagkain at kumain.
"Nakakapagod ngayong month. Last month naman ay hindi ganito," saad ni Pat bago sumubo.
"It's because of that rushed project. Dapat ay unang una pa lang ay inayos na nila ang date para hindi na tayo nagmamadaling lahat. Isang malaking building pa naman ang itatayo kaya lahat tuloy tayo ay nagra-rush dahil lahat tayo ay hired," sabi ko.
I am enjoying my food. Kahit hindi madali ang araw na 'to, at least ay na-enjoy ko naman ang pagkain.
I looked at Janine. Nakatingin lang siya sa amin at hindi sumasali sa usapan.
"May meeting pa pala ako nang 2 o'clock in the afternoon na. An hour na lang ay magsisimula na 'yon!" ani ko. Binilisan ko ang pagkain dahil ayaw kong ma-late sa meeting.
"1 hour pa naman pala, eh. 'Wag ka munang magmadali," sabi ni Pat.
Mas binilisan ko ang subo ko. "30 minutes commute papunta do'n sa meeting place kaya kailangang maaga umalis," tugon ko.
In just two minutes, naubos ko na ang pagkain ko. I looked at Janine. Tapos na rin siyang kumain.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumayo. Kasama ko siya sa meeting mamaya kaya siguro mabilis din siyang kumain.
I prepared and scanned all the proposals and documents for the new client. Sobrang busy ko lagi. Sana naman ay taasan nila ang sweldo ko lalo na at ako ang pinakamaraming clients.
"Let's go," sabi ni Janine. Dala-dala niya ang mga ibang papeles. We rode a taxi. Buti na lang talaga ay hindi masyadong traffic kaya mabilis lang kaming dumating sa meeting place.
10 minutes na lang at magsisimula na ang meeting. Saktong pagka-upo namin ni Janine at dumating na ang client na ka-meeting namin today.
Janine and I stood up, exchanged formalities with the new client, and shaked her hand. The meeting went well. Hindi naman masyadong mapili ang client at may final idea na rin siya sa ipapagawa niyang bahay kaya naging madali lang ang lahat.
"Anyway, may dalawa akong buffet ticket. Expiring na 'to ngayong araw. Dapat ay sa 'min 'yan ng asawa ko pero nasa business meeting siya kaya ibibigay ko na lang sa inyong dalawa." Our new client picked up two tickets from her bag and gave it to us.
"Thank you po," pasasalamat ni Janine.
Umalis na ang client habang kami naman ni Janine ay nakatingin lang sa ticket.
"Pupunta ba tayo? Sayang naman 'yang ticket kung hindi natin gagamitin." I looked at Janine.
Nakatingin lang din siya sa akin. "Let's redeem it na lang. Sayang naman dahil free naman 'to," sagot niya.
We returned to office after the meeting. After work, sabay kaming lumabas ni Janine.
"Saan kayo pupunta?" biglang tanong ni Mitchie na sumulpot lang sa gilid naming dalawa ni Janine. Janine looked away. She is probably shy to Mitchie. Pinagselosan niya ba naman no'ng isang araw.
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...